Episode 5

383 29 37
                                    

N/N: 


First of all... sorry sa medyo matagal na update.  Hahahah!  Story time lang, sobrang wala kasi akong tulog nitong past week dahil naga-adjust ako sa bagong reporting namin sa work.  Shuta feeling ko matetegi na ako kaya walang pumapasok sa utak ko dahil halos 2 hours lang ang natutulog ko.  Meron naman na akong na-draft na isang scene pero nahirapan pa ako dugtungan siya agad hahaha!  Pero super thank you sa love na binibigay niyo sa kwentong ito, hindi ko inakala na may susuporta pa sa'kin after hiatus. Charot!  


Dedicated ang chapter na ito kay IamSimplyMichi, thank you sa mga comments mo!  Hahahaha, libang ako sa mga cheater comments against William... baka naman kasi hindi niya pa talaga nahahanap kung ano talaga ang love.  Char!  


Btw... Nathadej as William ang nasa gallery sa taas. :)  'Wag niyo na ring kalimutan ang mag-vote at mag-comment.  Tama na ang pagiging silent reader, charot! 


Episode 5


"Oh no, I'm falling in love again."


MIGUEL:


Nagtagpo ang mga mata namin dalawang araw na ang nakakalipas. Ngayon na rin ang ginawang event ng mga seniors para sa clean-up drive namin sa isang beach na malapit lang rin sa resort kung saan kami magi-stay. Ayaw kong sumama sa totoo lang pero required kasi na magkaroon ng isang outreach activity para na rin sa portfolio na gagawin namin for NSTP.


"Anong dala mong pagkain?" Tanong ni Gio habang nakapila kami pasakay ng bus.


"Meron ako ditong potato chips, kainin natin mamaya sa bus." Balik ko rito at saktong ilang tao na lang ang nasa unahan namin sa pila ng biglang may sumingit sa harap ko.


Aalma sana ako pero nang lumingon ito ay nakita ko ang pigura ni William na nakangiti sa akin. Anak ng teteng! Ayaw ko nga siyang makita pero siya 'tong panay ang sulpot sa harap ko. Isang linggo ako halos nagtago kahit minsan nakikita kong umiikot ito malapit sa classroom namin ay nagtatago pa rin ako. Sa totoo lang naman tayo na kahit naman sabihin natin na 'crush' natin ang isang tao kapag may jowa... aatras tayo.


Hindi na ako kumibo sa pagsingit ni William kaya nauna siyang sumakay ng bus at umupo siya sa isang bakanteng upuan na pandalawahan. Dahil nga magkakasunod kami sa bus ay nakahanap agadi si Jan at Gio ng isa pang bakante at naiwan ako na may isang bakanteng upuan katabi si William.


"Mukhang meant to be ka talagang tumabi sa akin." Aniya at hindi ko na lang siya pinansin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak nito simula noong nakita niya kami ni Enzo sa mall. Sa kaso naman ni Enzo, nanghingi lang naman siya ng closure ng relasyon naming dalawa at nag-sorry rin siya kung ano man ang nasabi niya sa bar.


Pero ang highlight nung mall scene na 'yon ay nung nakita ko ang boyfriend ni William na si Yuan. Ano nga naman ba ang ilalaban ko sa dating Mr. Architecture? Sobrang pogi ni Yuan, para siyang sikat na Tiktoker sa sobrang pogi.


Isang oras kaming nasa biyahe at hindi kami nagkikibuan ni Wililam. Pero nararamdaman ko na tumitingin ito sa akin paunti-unti. Pero sobrang gulat ko noong bigla nitong sinandal ang ulo nito sa mga braso ko. Maingay sa bus pero nagawa pa ring makaidlip ni William, ayaw kong mahulog ang loob ko rito katulad nung nangyari kay Enzo pero kita ko ang mapupula niyang labi mula rito at napalunok ako.

Loving Mr. Uncertain (BoyxBoy/BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon