Episode 9

382 25 11
                                    

N/N: 


Henlo!!!  Pasensya na sa sobrang late update sobrang dami kong ganap this past week dahil na rin sa bakasyon na meron ako kaya ayan nasobrahan na ako sa pagre-relax!  Hahahaha.  By the way highway, sobrang maraming thank you sa nagbabasa nitong kwento na ito pero favooooor share niyo naman ito sa mga friends ninyo siyempre para marami pang magbasa.  Sa mga nagtatanong kung sino ang model natin for William check nathadej sa IG. :) 


Dedicated ang chapter na ito kay JaycelGemida thank you sa pag-comment sa message board ko.  Ito na ang special mention hehehe.  


Episode 9


"Do you ever wonder if we could be a perfect picture?"


MIGUEL:


Natapos ang gabi nung magkasama kami ni William sa kotse at walang nangyari sa aming dalawa dahil na rin may sakit ako at ayaw ko siyang mahawa. Heller? Mabuti na lang at gumaling ako matapos ang dalawang araw ng pagkakalagnat. In fairness naman kay William at talagang pinuntahan niya ako sa dorm para lang dalan ng pagkain at gamot.


Alam ko naman na kahit sino sa atin mapapataas ang kilay sa sinagot ko kay William na I am willing to risk it with him lalo na at mayroon siyang boyfriend (na mukhang Tiktoker) at ako na bigla na lang pumasok sa buhay niya.


"Ngayon na raw yung nomination ng Mr. Architecture?" Tanong ni Gio. Matatapos pa lang ang klase namin at meron daw emergency meeting ang klase namin para nga raw magpadala ng representative sa Mr. and Miss Architecture competition. Tatlong section lang ang first year kaya ewan ko kung paano ang gagawin nila.


Lumabas na ang prof namin at biglaang tumayo ang presidente ng class namin para sa announcement, "Oh ano? Wala munang aalis!" Saway nito sa mga mokong na lalaking classmate ko rin. Pwe! Mga hindi naman pogi.


"Need lang natin mag-nominate ng dalawa nating classmates para maging representative natin for Mr. and Miss Architecture. Bali yung pagpili for Mr. and Miss University judges lang ang mamimili sa B. Building 1607. May gusto bang mag-volunteer or nominate?" Habang litanya ng class president namin na si Jane na parang makakatulog na ako sa haba.


"Si Violet gusto mag-register!" Sigaw ng mga merlat sa harap.


"Hoy! Si Jenjen gusto sumali!" Sigaw naman nung dalawang lalaki sa harap at nagtawanan kami nung biglang sumagot si Jenjen, "Gago tibo ako!"


"Si Violet na lang? Payag ba lahat?" Tanong ng class president namin at wala namang umalma.


Siyempre proud si Violet na siya ang napili, "Sa Mr. Architecture? Sino ang may gustong sumali?" Tanong ulit ni president at wala nang nagsalita. Majority kasi ng nasa section namin ay puro lalaki kaya marami ring takot na masama sa ganitong competition dahil nga dagdag trabaho rin at siyempre magastos!


"Si Gio!" Sigaw ko para matapos na.


"Hoy gago! Ayaw ko sumali bakit hindi na lang si Miguel, 'di ba classmates?" Nanlaki ang mga mata ko sa patutsada ni Gio at siyempre nag-cheer na rin ang iba kong mga kaklase. Hindi ba nila alam na bakla ako at hindi ako magpapatalo sa mga pageant? Hahaha!

Loving Mr. Uncertain (BoyxBoy/BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon