Episode 11

241 21 13
                                    

N/N: 


OOOOPS!  Abot pa rin naman ako for this week's update hahahaha.  Thank you so much sa laging pagbabasa nito kahit konti lang ang votes at comments alam ko na binabasa niyo siya!   Fun Fact:  alam niyo ba na si WIlliam (in real life) ay committed for five years and he really cheated kaya super affected ako sa mga ganap!  Kasi paano naman ang jowa niya 'di ba? 


Dedicated ang chapter na ito kay  rommeljavinar, thank you sa pagsuporta!  Kung gusto niyo rin ng dedication, comment or vote lang dito sa chapter na ito. Thanks bebes!   Relax muna rin kayo habang nakikinig sa dar+ling at naghihintay ng comeback ng Seventeen.  


Episode 11


"When you're not here 911 calling."


MIGUEL:


"Tulong!" Sigaw ko pa ulit pero tinakpan ni Joaquin ang bibig ko at impit na boses ko na lang ang rinig. Tuloy pa rin siya sa paghalik hanggang sa mapunta siya sa dibdib ko. Sinisip niya ang sensitibong parte na talagang nagpa-panic sa akin.


Hindi pwede mangyari 'to!


"Tulong!" Sigaw ko ulit kahit na nakatakip ang bibig ko.


Lord, kayo na po ang bahala.


"Andito pumunta si Miguel kanina sinundan pa nga siya ni Joaquin." Rinig kong kwentuhan sa labas at napatigil si Joaquin sa ginagawa niya.


"Nasan na si Miguel? Mukhang wala namang tao rito." Kilala ko ang boses na 'yon, si William! Sinulit ko na ang pagkakataon at nagpumiglas ako hanggang sa mabitawan niya ang pagkakahawak sa bibig ko.


"Tulong!" Sigaw ko ulit.


Biglang bumukas ang cubicle kung saan naroon kami ni Joaquin at bumulaga ang malaking katawan ni William.


"Tangina!" Sigaw nito at hinala ang kwelyo ni Joaquin at inambanan niya ito ng maraming suntok sa mukha.


"Gago ka! Anong ginawa mo kay Miguel!" Sigaw nito at nakadalawang suntok pa siya ng inawat siya nung kasama niya na mukhang engineering student rin. Hindi ako makagalaw dahil hanggang ngayon ay nanginginig ang tuhod ko. Nawala na ang epekto nung ininom kong alak dahil na rin sa kaba at adrenaline na nararanasan ko ngayon.


Nagpupumiglas pa rin si William at kita ko mula rito sa cubicle ang apoy sa mga mata niya na ngayon ko lang nakita. Kahit nagseselos siya never kong nakita ang ganitong mga tingin mula sa kanya. Para siyang sasabog, para siyang papatay.


Naglakad na ako papunta sa kanya kahit na dahan dahan lang. Nang nasa harap niya na ako ay hinawakan ko ang mukha nito at niyakap siya, "Tama na, William. Tara na at ihatid mo ako pauwi."


Kumalma ito at niyakap ako pabalik bago niya ako hilahin at maglakad palabas. Hindi ko inaasahan na nagsimula pala kami ng komosyon dahil maraming tao ang may hawak ng camera at pinipicturan kami ni William paglabas namin ng CR. Iiwas sana ako dahil nga baka kumalat kung ano ang meron sa'min ni William pero mas lalo niya lang akong hinawakan ng mahigpit.

Loving Mr. Uncertain (BoyxBoy/BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon