Chapter 02

3.7K 202 23
                                    

Caelus's

Muli akong lumagok ng alak mula sa babasaging baso na hawak ko. Dumaloy ang pinagsamang anghang at may kapaitan na lasa nito. I can feel the heat that passed through my esophagus. I sighed.

Biglang may umagaw ng basong hawak ko. Naiinis ko itong tinignan at nakita kong si Sage ito. Isa sa kasamahan ko sa trabaho at malapit ko ring kaibigan.

"Ano ba, Sage? Kita mo namang umiinom pa ako," sabi ko ng nakabusangot ang mukha. Sage seated beside me pero hindi niya binigay sa akin ang baso. I frowned even more.

"Akala ko ba hindi tayo iinom?" Sage sarcastically said.

I rolled my eyes heavenwards, "Ano namang gagawin natin dito? Bar 'to, Sage. Alangan namang umorder tayo ng pagkain? Malamang iinom tayo!"

"Nagkasundo tayo kanina na hindi tayo iinom 'di ba? Tapos ngayon, ganyan ka? Nakakarami ka na. Akala mo ba hindi ko napapansin? Sinisira mo ba ang internal organs mo?!"

Sinubukan kong abutin ang baso pero inilayo lang ito ni Sage sa akin. "Sage! Ibalik mo nga yan sa'kin. Hindi mo ba na gets ang sinabi ko sayo kanina? Sasama tayo kina Erin mag bar. Iinom ako tapos ikaw ang hindi kasi mababa ang alcohol tolerance mo! G? Hindi ako magpapaka-wasted 'no!"

Today is Erin's birthday, one of our workmates. She invited us to join her and the rest of our workmates in celebration of her birthday. Since Erin is a party girl, expected na talagang sa bar ang punta namin. Ang mga iba pang kasamahan namin na andito rin ngayon ay nasa dance floor. Naiwan kaming dalawa ni Sage sa table.

Actually, I don't want to come but Erin pleads me. Sabi niya'y isa sa isang taon lang naman nagce-celebrate ng birthday kaya dapat pagbigyan ko siya and so I did.

And aside from that, gusto ko rin muna talagang uminom. Baka sakaling matanggal nito sa sistema ko ang masasakit na salitang narinig ko mula sa bibig ni Juancho, dalawang araw na ang nakalipas.

"Since when did I say that I accepted Juaquinn as my son? Dream on, Caelus."

Bakit ko nga ba inisip na tuluyan niyang tinanggap si Juaquinn bilang anak when he did nothing. Mula sa pagbubuntis ko, pagsilang ni Juaquinn hanggang sa paglaki nito, wala akong narinig mula kay Juancho. He's cold and distant.

I know that he hates me to the bone but it doesn't mean that he will hate and neglect his son too, right? I wanted to cry but I can't. There's no way I would cry here.

"Caelus! Ano ba? Mukha na akong tanga kakasalita tas parang pinutulan ka ng dila. Hello? Mas makulit ka kaya kesa sa akin tas ngayon lalaklak ka ng alak at tatahimik. May problema ka ba?"

I immediately turned to look at Sage. He's eyeing at me and it pierce to my soul. I breathed deeply before showing him a wide smile. The smile that I use, to pretend.

"The only problem that I have is that you're still single. Kailan ka ba magbo-boyfriend, Sage?" I managed to change the topic.

"Pinagsasabi mo? Eh ikaw rin naman walang boyfriend ah."

I wanted to correct him. Yes, I don't have a boyfriend because what I have is a husband and a son. A family.

Ngumiti ako, "At last, nasubukan ko magka-boyfriend noong college ako 'no. Eh ikaw? No boyfriend since then. Ano ba kasi ang gusto mo, Sage?"

Sage sighed before closing his eyes, "I want someone who will accept me for who I am, will love me, unconditionally. Gusto ko ng pagmamahal na hindi minamadali, hindi ipinipilit. I believed that someday, someone will come to me."

Pagmamahal na hindi minamadali at hindi ipinipilit? My heart aches upon hearing him. Alam ko naman kasi na ipinilit ko kay Juancho ang pagmamahal na nararamdaman ko. Hanggang ngayon, pilit kong ipinapakita at ipinaparamdam.

CEO' s Husband (Alfonso Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat