Chapter 03

3.5K 198 53
                                    

Caelus' s

I found myself standing in the middle of an empty road, soaking wet and I can feel my body's slowly embracing numbness. Rain is pouring hard and so as my tears. The night isn't in silence anymore because of the rain and they seemed to rhythm to add more pain in my heart.

Dahan-dahan kong kinapa ang dibdib ko, "Hanggang kailan ka ba magtitiis, Caelus?" I asked myself out loud, in a bitter tone.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang sana ay mapigilan ko kahit papaano ang paghikbi ngunit parang sumakit ang lalamunan ko kakapigil lalo na nang bumuhos pa lalo ang mga luha ko kasabay ng paglakas ng ulan.

"Mahal na mahal kita, Juancho. Sa sobrang pagmamahal ko'y nakalimutan ko na ang sarili ko. Pinili kita, Juancho, pinili kita kesa sa sarili ko kahit pa alam kung sakit lang ang aabutin ko sa pagpili ko sayo."

I whispered in the cold wind breeze habang inalala ko ang pag-iwan sa akin ni Juancho sa gitna ng daan at malakas na ulan.

***

"Get inside."

Maiksing salita gamit ang malamig at nakakatakot niyang boses. I can't move. Hindi ko alam kung ano ang tamang gawin ngayon. My mind just won't function so well and so as my heart, it beats so fast.

"Ah ano magtataxi na lang ako—"

"I said get in. Don't fucking make me say it thrice, Caelus."

Napalunok ako at tumango-tango. Nagmamadali akong pumunta sa kabila upang pumasok na lamang sa loob ng kotse niya. Isa pang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago ako tuluyang pumasok. Kaagad kong naamoy ang nakakaliyong bango ni Juancho pero hindi iyon naging sapat upang mabawasan ang kabang nararamdaman ko. I fastened my seatbelt immediately dahil baka biglang humarurot ng takbo ang kotse.

He then started the engine and then the next thing I knew, the car is moving. I expected him to drive fast but the car is moving slow. Pasimple kong tinignan ang mga kamay niyang nakahawak sa manibela. Kitang-kita ko ang madiin niyang kapit doon. Kaagad kong iniwas ang tingin ko dahil lalo akong kinakabahan.

He won't murder me, right?

Silence consumed the two of us. Ayokong magsalita. Mabuti ng hindi kami mag-usap dahil alam ko na ang mangyayari. He will end up telling me words that will surely make cuts in my heart. I tried diverting my attention outside but then I heard him spoke.

"How could you leave Juaquinn? Are you even thinking, Caelus?"

I took a deep breath, "Juancho, nandoon na sa bahay si manang Elena. She's already back from Negros Oriental kaya iniwan ko na muna si Juaquinn sa bahay. It's Erin's birthday—"

"I don't fucking care! Erin's birthday huh? Ang sabihin mo, you're looking for a wealthy guy to flirt with. Why? Aren't you contented with the tons of money in your bank account?"

Kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi niya?

"Anong flirt? Hindi ako lumalandi, Juancho. I was just sitting there! I didn't flirt with anyone unlike you!"

Before I could even think, I already said what I said. Mariin akong napapikit. Why am I bothered? Totoo namang naglalandi siya doon!

"So, you saw me huh?" Juancho laughed sarcastically, "It's normal for me."

Nagpantig ang tenga ko. Nawala lahat ng kabang nararamdaman ko kanina. I immediately turned to look at him.

CEO' s Husband (Alfonso Series #2)Where stories live. Discover now