Chapter 11

3.1K 154 6
                                    

Juancho' s

Ang daming tanong na bumabagabag sa isip ko na pinipigilan kong itanong kay Caelus.

Questions like, how did he know that Megan will ruin me? What is his main reason for not telling me the truth about that conniving woman? Gusto ko sana siyang pilitin pero kitang-kita ko ang takot, pagmamakaawa, at galit sa mga mata niya kaya pinili kong huwag ng magtanong. I don't even know.

Maybe, somehow, I feel sorry for him.

I looked at the tall buildings through the window. Marahas akong nagbuga ng hangin at inisip ang gusto niyang gawin ko. I didn't say no to him because I really wanted to know the reason behind. Matigas si Caelus at magaling siyang makiramdam. He wouldn't tell me kahit pilitin ko siya. I have this feeling that this reason of him is too much to handle na kahit siya'y nahihirapan.

So, he saved you from Megan?

Okay. Iniligtas nga siguro niya ako pero sa maling paraan. Naiintindihan ko pero mahirap talagang tanggapin lalo na't hindi niya masabi sa akin kung bakit nga ba hindi niya nagawang sabihin na alam niyang sisirain lang ako ng babaeng iyon.

Fuck.

Narinig kong may nagbukas ng pinto. Kaagad akong lumingon and as expected it was Alejandro. Malamig ang tingin nito, as usual. We haven't talk yet since that night. I didn't even noticed that 2 days had passed already and now, he is here.

"Why are you here?" Kaagad kong tanong at muling umupo sa swivel chair. He settled himself at the couch. He wasn't looking at me.

"I'm here to apologize about what I have said to you," Malamig nitong sabi. "You deserve it though but still I'm sorry."

Bumuga ako ng hangin. "It's fine. I was wrong and you did the right thing. Though your words hurt me, it was like an eye opener."

"You mean, you will be a father to your son and a husband to your husband?"

Hindi na lang ako kumibo. Better not to say or promise anything. Tumayo siya't alam kong aalis na pero bago yun ay nagsalita siya.

"Figure it out, Juancho, before everything is too late. They're your family."

How can we be? When there's someone I am waiting to be by my side before I can say that I finally have a family?

Inutusan ko ang secretary ko na tawagin si Caelus at papuntahin sa opisina ko. I said to him that we will try to work things out. Kahit galit pa rin ako sa kanya, nangako pa rin akong susubukan kong magpakaasawa maliban sa mahalin siya.

"Juancho..."

Kaagad akong nag-angat ng tingin at nagsalubong ang mga mata namin. I gulped before motioning him to come closer. The “awkward” feeling is really present right now and I am damn trying to handle it so well.

"May kailangan ka ba?"

He asked when he finally gets closer. Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil naaamoy ko siya. Fuck! His scent made feel that something down there wants to free itself.
Bullshit, Juancho! It's just Caelus at kailan ka pa naging manyak? You've been living under the same roof for four years!

"I just," Tumikhim ako, trying to calm myself down. "I just want to start doing what we've agreed and I will start with asking you if would you like to have lunch with me."

His mouth fell open. Hindi ba niya inaasahan na talagang gagawin ko ang pabor na hiningi niya sa akin?

"I already told you, we will try to work things out though I still hate you."

Nakita ko ang madaliang lungkot na dumaan sa mga mata niya pero kaagad yung nawala at nginitian niya ako. I looked away because I don't like his eyes. Nag-iiba ang pakiramdam ko.

"Oo naman! Sasabay ako sayo." Masayang sabi niya. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at kitang-kita ko ang tuwa sa mga mata niya. "Tawagan mo na lang ako."

"I don't have your number."

Natigilan siya. Fuck! Kaagad kong kinuha ang cellphone ko't inabot iyon sa kanya. He looked at it before looking at me and then I motioned him to get the phone and he knows what to do. Ngiting-ngiti ulit siya nang abutin ang phone pati sa pagtitipa ay nakangiti siya.

I got the chance to study his face. His not so thick eyebrows is perfectly blending with his almond shape eyes with his black orb and his long eyelashes. Hindi ganoon ka tangos ang ilong niya, sakto lang. It even fits perfectly with the shape of his face. My eyes went down to his lips, it's naturally red, small, and looks so soft.

I suddenly thought if how does this sinful lips of him tastes because the first time our lips met, I am fuming mad. Wala akong ibang inisip kung hindi ang saktan siya.

Now, we're working things out, I have an excuse to ravish his lips, huh?

"Pinagnanasaan mo na ako n'yan?"

I snapped out and then I gave him an annoyed look, "I am not." Malamig kong sabi na sinuklian niya lang ng “Ah talaga ba?” look.

"I already saved my number. Hindi ka kasi kumukurap habang nakatingin sa akin. Aalis na ako. Just call me."

He smiled and then he waved goodbye. Sinamaan ko lang siya ng tingin and that was when I heard his laugh bago nagmamadaling umalis. Kinuha ko ang cellphone ko't pinakatitigan ang number niya.

It somehow feels good that we aren't shouting at each other— or I am not shouting at him, actually.

Dumapo ang tingin ko sa pinto kung saan siya lumabas. Kung ako ang tatanungin kung namimiss ko ba ang pagkakaibigan namin, of course I do. Caelus is a friend that I trust the most kaya hindi ko matanggap ang ginawa niya. It was for my sake, I know, pero pwede niya talagang sabihin na lang.

Bakit hindi?

He said he loved me more than a love for a friend. Kaya hindi ko maiwasang isipin na ginawa niya lang din iyon para sa sarili niya at para sa sinasabi niyang pagmamahal niya para sa akin.

CEO' s Husband (Alfonso Series #2)Where stories live. Discover now