Chapter 10

3.1K 162 11
                                    

Caelus' s

"Honey? Son? What the hell, Juancho?"

Mula sa akin, lumipad ang tingin ni Juancho sa gulat at nagtatakang si Elliot. Naging matalim rin ang tingin nito. Ako man ay gulat na gulat sa mga salitang lumabas sa bibig niya. What did just happened?

"You heard me, Elliot. He isn't single because he is already married for four years, I am his husband, and yeah, we have a son. Is that clear? Now, I am taking him home."

Nang hindi ko tanggapin ang kamay niya ay siya na mismo ang nag-abot sa kamay ko kaya napatayo ako. Nagsimula siyang maglakad palabas ng pub kasama ako. Hindi madiin ang paraan ng pagkakahawak niya.

Tahimik kaming nakarating sa kotse niya. Namalayan ko na lang na nasa loob na kami't parehas na tahimik. Hindi ko alam ang iniisip niya samantalang ako naman sa kabilang banda ay hindi pa rin makapaniwalang tinawag niya ang sarili niya na asawa ko at harap-harapan niyang sinabi kay Elliot na may anak kami.

Mabagal ang pagpapatakbo niya ng kotse. Talagang tahimik siya at ang mga mata niya nasa daan lang ang tingin. Hindi na rin lang ako nagsalita at piniling isandal na lamang ang ulo ko sa bintana. Ilang minuto pa ay biglang lalong bumagal ang kotse hanggang sa tuluyan na itong huminto.

Napatingin ako sa paligid. Tahimik. Walang masyadong sasakyan na dumadaan. No! Don't tell me iiwan na naman niya ako kagaya ng ginawa niya sa akin dati? Please God!

"Juancho, hindi... Hindi mo ako pwedeng palabasin at iwan na lang basta-basta. Please, let's just go home."

Pakiusap ko. Naiiyak ako na nakatingin sa kanya. Nagbuga siya ng malalim na hininga bago dahan-dahang tumingin sa akin at kaagad na nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Nagulat ako. Nagulat ako dahil sa nakikita kong ekspresyon ng mga mata niya.

It is full of sadness.

Muli siyang tumingin sa harapan, "Alejandro called me a worthless husband and an undeserving father." Mahina ngunit sakto lang upang marinig ko ang sinabi niya.

Natutop ko ang bibig ko habang nakatingin sa kanya.

"Juancho..."

"Shut up, Caelus."

I tried to touch him pero iwinaksi niya ang kamay ko. Umiling siya't ipinikit ang mga mata na parang sobrang frustrated niya. Napansin ko ang sobrang namumula ang likod ng kamay niya nang mapatingin ako doon. Anong ginawa mo, Juancho?

"I'm sorry," Mahinang sabi ko. Napatingin siya sa akin at matabang na ngumiti. My heart stings. "Kasalanan ko siguro kaya ka napagsalitaan ka ni Alejandro ng ganun. Hindi niya naman siguro sinasadya."

"I know that. Nagalit siya sa akin dahil harapan kitang hindi nirespeto. But what can I do? I hate you so much, Cae." Hinampas niya ang manibela na bahagya kong ikinagulat. "I hate you."

Malungkot akong ngumiti. "Alam ko, Juancho. Sa loob ng apat na taon, walang araw na hindi mo ipinaramdam sa akin kung gaano mo ako kakinamumuhian. Sinira ko ang lahat. Pagkakaibigan natin at ang sana ay kasal mo," Nagsimulang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Pagod ka na sigurong pakinggan 'to pero talagang mahal kita, Juancho. Totoo ang pagmamahal ko. Isa sa rason ko kung bakit kita pinakasalan."

"Handa na akong makinig, Caelus.  Sabihin mo na sa akin kung bakit mo ginawa sa akin 'to. Ano ang sinasabi mong “bukod sa pagmamahal” na rason mo. Tell me now, Caelus."

Puno ng pagsusumamo ang mga mata niya na ngayon ay nakatingin sa akin. Hilam na rin ako sa mga luha. Inabot ko ang kamay niya at this time, hindi niya ako pinigilan. I am thankful because this is like strength.

CEO' s Husband (Alfonso Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt