Chapter 13

3K 162 17
                                    

Caelus' s

Halos magdadalawang oras na ang lumipas, pinaglaruan ko ang buhok ni Juancho. Malumanay ko itong sinusuklay gamit ang mga daliri ko. Mukha namang mahimbing ang tulog nito pero ang magkabilang braso ay naka-locked kay Juaquinn para siguro hindi mahulog ang anak. Medyo nangangalay na rin ako.

Kaagad kong inalis ang isang patak ng luha na pumatak mula sa mata ko. Ang tagal kong pinangarap 'to, ang tagal kong nagtiis para lang maranasan 'to, binubuo ko palagi ang pag-asa na sinisira ni Juancho dati dahil malakas ang paniniwala kong mangyayari rin 'to.

Law of attraction ba?

"Mahal na mahal kita, Juancho. Natutuwa akong unti-unti mo ng binubuksan ang puso mo para sa anak natin. Hindi mo man ako kayang mahalin, at least, masasabi kong nangyari pa rin ang mga bagay na 'to na habangbuhay kong babaunin." I wisphered. Inabuso ko na rin ang pagkakataon. Yumuko ako at pinatakan ng halik ang noo niya. "I love you so much."

Bumalik ako sa pagsusuklay sa buhok niya. Ilang minuto pa'y napansin kong may nakatingin sa amin kaya kaagad akong lumingon at nakita ko si manang na umiiyak habang nakatingin sa amin. Masaya ko siyang nginitian. Inabot ko ang isang unan at dahan-dahang umalis sa pagkakaupo upang lagyang ng unan na mahihigaan ang asawa ko.

When I successfully placed the pillow under him, isang ngiti ulit ang pinakawalan ko. Payapa silang tignan dalawa. Tumalikod ako't naglakad papunta sa direksyon ni manang at nang makarating ako'y kaagad ko siyang niyakap at doon ko hinayaang pumatak ang mga luhang dulot malamang ng kaligayahan.

"Manang," I cried silently. "Manang Elena, ang saya ko. Walang makakapantay sa sayang nararamdaman ko ngayon, manang. Kita mo naman 'di ba? Binubuksan na niya ang puso niya para kay Juaquinn."

"Matagal kong ipinagdasal na sana, sana isang araw, makita ko kayo, payapa at masaya bilang isang pamilya, na makita kang masaya. Alam ko kung gaano mo kamahal ang asawa mo. Nakikita ko ang pagmamahal na pilit umaapaw kapag nakatingin ka sa kanya. Kahit luha ang sukli niya sa lahat ng ginagawa mo, andito ka pa rin."

Naramdaman ko ang banayad niyang haplos sa likod ko. Humigpit ang yakap ko sa kanya. Ilang minuto pa'y bumitaw na ako sa yakap at parehas na naming pinagmamasdan ang mag-ama ko.

"Hindi ko akalain na ngayong araw, makikita ko kayong tatlo d'yan sa living room. Hinihiling ko na sana ay hindi magtapos pa ang kasiyahan at kapayapaan ninyo."

Ngumiti lamang ako. Pinagsalikop ko ang mga daliri ko't lumingon kay manang. "Manang, tara sa kitchen. Gusto kong magbake ng cake para sa inyong lahat."

Nagpunta kami ni manang sa kitchen at tinulungan niya ako sa pagprepara ng mga ingredients na gagamit ko sa pagbabake. I decided to bake a chocolate cake kasi pakiramdam ko'y pinakapaborito ni Juaquinn ang chocolate cake dahil madalas ko talaga siyang ipagbake. Sana lang din ay magustuhan ni Juancho.

"Manang, tingin mo magugustuhan 'to ni Juancho?" Tanong ko kay manang na busy sa pag-whisk ng dry ingredients.

"Naku kang bata ka, oo. Syempre naman. Nakatikim na ako kaya sigurado akong magugustuhan niya. Pwede ka na ngang magtayo ng bakeshop eh!"

I pouted. "Bolera ka naman manang eh!"

"Oy hindi! Kahit pa ipatikim mo pa kay Elliot. Paniguradong magugustuhan ng batang iyon."

Kumunot ang noo ko. "Ho?"

"Kaibigan ni Juancho ba na naging kaibigan mo rin." Natatawang sabi ni manang. "Ay, oo nga pala! Bumisita siya rito kanina. Hinahanap ka nga. Ang sabi ko'y nasa trabaho kayo."

"Ano raw ang kailangan niya?"

Nagkibitbalikat si manang. "Ang sabi niya lang sa akin, gusto ko niyang makita. Sabi niya babalik daw siya kaya pwede mo ipatikim 'tong cake mo sa kanya."

"Tingin niyo pa magugustuhan niya?"

Hindi na nakasagot si manang nang marinig namin ang malamig na boses ni Juancho.

"And he wouldn't like what I will do to him."

Kinabahan ako dahil sa paraan ng pagsasalita niya. Kaagad akong lumingon at kaagad na nawala ang kaba ko dahil sa nakita ko. Karga-karga na naman ni Juancho si Juaquinn. Nakahilig ang bata sa dibdib niya't mapupungay ang mata na nakatingin sa akin. Bahagya ring ngingiti.

Bakit, Juaquinn? Nararamdaman mo siguro na masayang-masaya ang babe mo.

"Manang, the next time Elliot will come, sabihin mong sa akin dumiretso at huwag kay Caelus."

Nilingon ko si manang na tatango-tango at nginisihan ako na parang may nasasagap. Asus! Ano naman? Na nagseselos si Juancho kay Elliot? Bakit naman eh close naman talaga kami ni Elliot dati pa 'saka asa naman akong magseselos 'tong isang 'to.

"Doon muna kayo sa living room. We'll just finished this one."

Tumango si Juancho at umalis na. Naiwan na naman akong nangingiti at ipinagpatuloy ang ginagawa. Gusto ko sanang halikan si Juaquinn kaso baka anong isipin ni Juancho kasi 'di ba hawak niya 'to, malamang sa malamang, maglalapit kami.

"Bilisan mo na d'yan at hinihintay ka na ng mag-ama mo."

Juancho' s

Elliot is really testing my patience.

Alam naman na niyang kasal sa akin si Caelus. Bakit siya pupunta ng bahay namin mismo at hahanapin ito? Ano ba ang hindi niya naintindihan sa sinabi ko noong gabing iyon at ng mapaintindi ko sa kanya.

And now, Caelus is curious wether that fucker will like the cake that he bakes. As if I will allow that Elliot to taste it.

"I really hate your babe, Juaquinn. Is he dumb not to know that Elliot likes him?!"

Saglit lang na tumingin sa akin si Juaquinn bago muling naglaro. Nakasalampak na naman ulit kaming dalawa sa sahig at naglalaro na naman siya.

Kanina'y talagang inantok at pagod ako kaya pinili ko na lang na humiga at gawing unan ang paa ni Caelus. It was actually a good sleep kaya lang ay narinig ko naman silang dalawa ni manang na nag-uusap patungkol kay Elliot at ayun, nawala ako sa mood.

I'm not jealous or what. I just don't like Elliot. That's it.

Mahabang sandali rin ang lumipas bago ko nakitang papalapit si Caelus at may dala itong tray. Habang papalapit siya'y pakiramdam ko ay may kakaiba sa akin habang nakatingin ako sa kanya. I shrugged it off. I composed myself.

Inilapag niya ang tray at nakita kong andoon na sa plato ang mga slice ng cake na ginawa niya. Kaagad na tumayo si Juaquinn at nagpakarga sa akin.

"Cake! Cake! Yummy!" Tuwang-tuwang sabi ni Juaquinn. He even clapped his little hands. "I want cake..."

I looked at Caelus. "Is he allowed to eat cake? He's just 3 years old, Cae."

"It isn't recommended pero sige lang. Hindi naman natin siya palaging pinapakain ng cake."

Ako na mismo ang kumuha ng para kay Juaquinn. Maliit lang, enough for him to chew. Sumunod rin ako sa pagtikim and as I chewed the cake, napatingin ako kay Caelus. I glared at him at kitang-kita kong kinabahan siya.

"You shouldn't let Elliot eat anything. Not what you cook, not what you bake."

CEO' s Husband (Alfonso Series #2)Where stories live. Discover now