Chapter 05

4.1K 216 40
                                    

Caelus' s

I'm still here.

Natagpuan ko pa rin ang sarili ko sa loob ng pamamahay ni Juancho isang linggo makalipas ang ginawa niyang pag-iwan sa akin sa gitna ng malakas na ulan, madilim na kalsada, at malamig na gabi. Ipinagpapasalamat ko na lamang ang pagdating ni Alejandro dahil hindi ko na alam kung ano ang maaaring mangyari sa'kin kapag nagkataon na wala ni isang tulong ang dumating.

Si Juancho? Wala pa rin. Walang sinabi. Ano pa nga ba? Hindi ko na aasahang hihingi siya sa akin ng despensa pagkatapos nang ginawa niya dahil siguradong nakatatak na isip niya na deserve ko naman ang ginawa niya.

"Huwag kang malikot, Juaquinn," sabi ko sa anak ko. Binibihisan ko siya kasi napagpasyahan kong magpunta sa mall kasama ang anak ko. Binigyan ako ng isang linggong pahinga ni Alejandro at walang magagawa si Juancho dahil utos iyon ng nakatatandang kapatid nito.

"Babe! Babe!"

Ang likot-likot naman ng anak ko. Parang excited at alam niyang may pupuntahan kami. Nang matapos ko siyang bihisan ay nagpakawala ako ng isang ngiti, "Ang gwapo naman ng anak ko." Manang-mana sa daddy. I sighed.

Tumayo ako at pansamantalang iniwan si Juaquinn sa kama upang kunin ang maliit na bag pack na dadalhin ko. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin. Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako lumapit sa kama upang kargahin si Juaquinn at tuluyan na kaming lumabas. Siguro ay nasa kompanya si Juancho. Mas mabuti na yun. Ayoko munang magpang-abot ang landas namin. Baka tuluyan ko na siyang mabitawan na hindi ko pa pwedeng gawin ngayon. Hindi pa ngayon. Tuluyan na sana akong lalabas ng pinto nang biglang may nagsalita.

"Where are you going?" Isang malamig at malalim na boses ang nagpakabog ng gusto sa dibdib ko. Lumunok ako ng dalawang beses bago ko siya nilingon, si Juancho. Isang linggo akong umiwas kahit nasa iisang bahay lang kami pero heto na nga, nagharap na kami. Bakit andito 'to? He should be in their company!

"Sa mall," sagot ko. Ipinagpapasalamat ko ang hindi pagnginig ng boses ko. Nagawa ko ring magsalita sa may kalamigang tono. Nakita kong bahagyang dumaan ang gulat sa mata niya ngunit mabilis din itong nawala.

"Bring manang with you."

Umiling ako. "Hindi na. Kaya ko na. Pagpapahingagin ko muna si manang. Kung wala ka ng sasabihin, aalis na kami."

"Babe... Daddy... Bring daddy..."

Tinalikuran ko si Juancho at hinalikan ng marahan ang pisngi ni Juaquinn. "Busy ang daddy, okay? Andito naman si babe eh." I kissed his cheek once again. Hahakbang na sana ako upang tuluyan ng umalis dahil nagsisimula na namang magtambol ang puso ko.

"I'm coming with you."

Halos maitulos ako sa kinatatayuan ko sa narinig ko mula kay Juancho. Tama ba ang narinig ko mula sa kanya? Sasama siya sa amin ni Juaquinn? Impossible!

"An–anong sabi mo?" I stuttered.

"You deaf? I said I'm coming with you."

I didn't know that this day would be too extra. Akala ko kanina sa bahay, mali ang dinig ko sa mga sinabi ni Juancho pero hindi eh. Here he is, he's with me and Juaqinn. This is really impossible but no, it's happening. Ano kayang napanaginipan nito at biglang sumarap ang timpla? Parang bumait siya.

"Can you walk faster? Pilay ka ba?"

Binabawi ko na pala. He's really Juancho.  "Kita mo namang karga ko si Juaquinn 'di ba? Alangan namang tumakbo ako?"

He stared coldly at me. Sa gulat ko'y bigla na lang nitong inagaw si Juaquinn ngunit sa marahan na paraan. Agad naman na nangunyapit ang bata sa ama nito na siyang dahilan kung bakit parang gusto kong umiyak.

This is the first time he held our son in his arms.

Something in Juancho's eyes seemed to beam but he immediately looked at the front and started walking kaya hindi ko na mapangalanan ang emosyong iyon but I am silently hoping that it's... fatherly love.

Tahimik akong sumunod sa kanila. Gusto ko talagang umiyak ngayon. I wanted to take pictures of them pero natatakot ako na baka paghuli ako ni Juancho ay bigla itong magalit. Pagkakasyahin ko na lamang ang sarili sa pagtingin sa kanila.

"Daddy..."

Hearing Juaquinn's little voice while calling his daddy pains me but gives me joy. Hindi ko maintindihan pero talagang nasasaktan ako na masaya. This mixed emotion's taking over me because finally, finally, after long years, our son is finally in his arms.

How I wished this day to not end.

Juancho' s

This feeling is different.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon habang naglalakad na karga-karga si Juaquinn. I've never done this before but it actually feels good. There's a part of me na gusto ko ibigay kay Caelus si Juaquinn pero mas malaki ang parte na nagsasabing hayaan ko si Juaquinn sa mga bisig ko.

"Daddy, I wuv you and... babe wuv. Family."

Something inside me twisted. I looked at him and his sparkling innocent eyes met mine. I cannot look away. I don't know what's with me today. I smiled a bit at him and he smiled widely back at me na para bang ipanahihiwatig niyang... masaya siya.

"Juancho, akin na si Juaquinn. Baka mahirapan ka—"

"I'm fine. Let me carry him."

Naramdaman kong natigilan na naman si Caelus sa may likuran ko. I let out a loud breath before looking back at him, "Don't just stand there and do nothing. Your wasting my time. Kailan ka ba hindi magiging tanga, Caelus?"

Although he is looking down, I can sense that he got hurt by my words again. What can I do? I hate him. I really hate him.

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil wala naman talaga akong balak sumama. Habang naglalakad, pakiramdam ko'y hindi naman sumunod si Caelus kaya nilingon ko ito. Nakita kong nagpupunas siya ng pisngi and I am sure he is crying. Nag-iwas ako ng tingin.

"Babe..."

Juaquinn called him in a soft tone that made me stiffened. It was as if be knows that something is wrong with his babe. Naramdaman ko na lang na nagpumiglas ito at parang gustong umalis sa mga bisig ko.

"Juaquinn, stop," ani ni Caelus.

"Babe... Babe..."

Juaquinn is about to cry. Kaagad kong nilingon si Caelus. Nagsisimula na namang uminit ang ulo ko. Anger is slowly eating me. Lalo pa akong nainis nang tuluyan ng umiyak si Juaquinn at nagpupumiglas.

"Juaquinn, stop. Babe is fine."

I gritted my teeth,

"If you won't be so dramatic then everything would be fine.”

CEO' s Husband (Alfonso Series #2)Where stories live. Discover now