XVII

167 44 8
                                    

I was boredly tapping my foot on the wooden floor here in my basement while watching the mouse trapper.

“Ah fuck, mayroon bang patay na daga sa online shops?”

I grabbed my phone inside my pocket and started scrolling. I chuckled when Aliyah's post appeared on my feed. She was announcing her social media hiatus.

The mouse trap suddenly cliked making me turned my head. Mayroon itong daga na nakuha. I sighed out of relief and put my phone down. I wore a gloves and picked up the rat in his tail.

Kinuha ko ang kutsilyo sa lamesa at itinapat ito sa maliit niyang leeg. Dahan-dahan ko itong binaon hanggang sa tumagos ito sa kaniyang batok. Hiniwa ko ang leeg ng maliit na daga hanggang sa humiwalay ang kaniyang ulo sa kaniyang katawan.

“Perfect,” bulong ko.

Itinabi ko sa isang karton ang daga at pumunta sa dulong bahay. Inihanda ko ang lagari ko at binuksan ang pintuan. I closed my eyes tightly and felt the presence of this room. Tuwing nalalagi ako rito ay hindi ko mapigilan na maisip na parang kahapon lang simula nang makilala ko si Candice.

I step forward and roamed my eyes around to look for a better corpse. Karamihan sa kanila ay wala nang mata. I went into the cooler and I was welcomed by Aliyah's mother.

Luwa ang mata at labas ang kalahating dila, kalahati na lamang dahil kinain ko na ito. Binaon ko ang aking daliri sa kaniyang mata. Madulas na may pagka malagkit ang bumalot sa aking kamay habang kinukuha ang kaniyang mata.

Nang makuha ay pinunasan ko ito at nilisan ang kwarto. Bumalik ako sa basement kung nasaan ang daga at isinama doon ang mata ng nanay ni Aliyah. Dinala ko ang karton sa aking kwarto upang isama ang mga printed pictures ni Aliyah kasama si Kristana at Kleo.

I also typed and printed my message for her. Aliyah, I am everywhere.

I secured the box with tapes. Iniwan ko muna ang kahon at dumiretso na sa banyo. Lumabas ako ng banyo na nakatapis at basa ang buhok. Tumapat ako sa whole body mirror ko at tinignan ang sarili.

My short curly hair made me look fiercer. Ang katawan kong hindi ganoon kataba at hindi rin ganon kapayat ay pinagmumukha akong mayroon kumpiyansa sa sarili. My dark hooded eyes that always looked bored and my slim face.

I badly want to announce that this is the face that they've been looking for, the killer, the kidnapper of those woman, the woman behind that mysterious novel.

I sighed and dressed quickly before grabbing the box. Dinala ko ang box sa loob ng aking kotse at nagmaneho patungo sa trabaho. I was humming my favourite song while tapping my fingers in the steering wheel.

Nang makarating sa trabaho ay sinigurado kong nagpark ako sa walang cctv at walang tao. I grabbed the box and casually went out of the car. Normal lamang akong naglakad patungo sa loob ng building at pasimpleng napangiti matapos na makitang silang tatlo lamang ang naroon.

Mira was busy reading a book while Kleo was asleep on my desk and Aliyah was listening to her earphones. Dumiretso ako sa tapat ni Aliyah at binaba ang box. She looked at me with curiousity before looking at the box.

“Para sa akin?” aniya habang binabasa ang nakasulat sa itaas ng box.

I shrugged my shoulders, “Nakita ko lamang sa labas.”

“What’s that?” Naramdam ko ang hininga ng kung sino sa aking tainga matapos nitong magsalita. It was Kleo.

Iilang pulgada lamang ang layo ng kaniyang mukha sa akin dahilan upang mapairap ako. Nakita ko ring lumapit si Mira upang makiusyoso.

One, Two, Three |  Published Under PaperInk ImprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon