XVIII

166 45 17
                                    

“Why do you keep claiming something that isn't  yours?”

Napairap ako at naupo sa aking upuan. I leaned my back and rested my chin above my palm. Magkabilaan ang away na aking naririnig. Away ng aming presidente sa mga pilit na kumukuha ng litrato at ang away nila Aliyah.

Ramdam ko ang kakaibang tuwa sa aking puso habang pinapanood ang mga galit sa kanilang mukha. Gaya ng sinabi ko, galit ang pinagmumulan ng lahat. Gulo, krimen, o patayan.

Sa daming nangyari, sigurado akong higit pa sa galit ang nararamdaman ni Mira. She climbed the rocky path just to be on the top. Dugo’t pawis ang kaniyang isinakripisyo upang makagawa ng isang akda at malalaman niya lamang na isa sa mga kaibigan niya ay magnanakaw.

“Why don't you just shut the fuck up, Mira? Hindi yung halos kada kilos ko ay nakasita ka at nakapansin ka?” sambit ni Aliyah sa isang nangangatog na boses.

Mira scoffed and face Aliyah angrily. Binasa niya ang kaniyang ibabang labi at humakbang ng isang beses papalapit kay Aliyah.

“Please. Let's all calm down! Hindi masosolusyunan itong mga ‘to kung mananatili kayong mainit. Kumalma kayo!” ani Kleo at pumagitna sa kanila.

“Aliyah. Mag-usap tayo sa opisina. Dalian mo!” ani Presidente at mabilis na tumalikod.

Aliyah gulped and held her chin high beforr turning his back. Ngunit hindi pa man din siya nakakalayo ay mayroong nagsalita paukol sa kaniya.

“What did you just said?” ani Aliyah. She was talking to some of our co-workers.

Malakas ang naging bulungan at sikuhan ng mga kaharap niya. Hanggang sa humakbang palapit kay Aliyah ang isang babaeng sa tingin ko ay ka-edaran lang rin namin. She was wearing a sando top and pencil cut skirt. Wow, very office like.

“Ano Aliyah? Karma mo na talaga ‘yan. You were rude to us and kept being bossy, hindi naman pala ikaw ang dapat sikat ngayon,” sambit nito at tumawa.

Mula sa aking kinauupuan ay kita ko ang pamumula ng mata ni Aliyah. Her hands suddenly grabbed the girl's hair and pulled it near her. Halos marindi ang aking tainga sa tilian na naganap.

“Ang dami mong sinasabi ano? Kahit anong gawin mo, you'll never be like me, so stop spitting bullshits,” aniya at malakas na sinampal ng babae.

Dahil sa ginawa ni Aliyah ay mas lalong nagkagulo. Some of them were trying to stopped the war but some of them was pulling Aliyah's hair. Ramdam ko ang namumuong inis sa aking kaloob-looban dahil sa ingay.

Mabilis akong tumayo at pumunta sa lamesa ni Kleo. I opened his drawer and a gun welcomed me. Mabilis ko itong kinuha at kinasa.

“One!” I shouted and fired to the floor. Nagsigawan silang lahat.

Kinasa ko ang baril at tinutok sa kanilang lahat. Kita ko ang takot sa kanilang mga mata at dahan-dahang nagtaas ng mga kamay. Tinignan ko si Aliyah ng masama at sinenyasan na maupo rin gaya nila. They all sat quietly when I felt an arm snake around my waist.

“Good job…” Ramdam ko ang mainit na hininga ni Kleo sa aking tainga.

I tried pushing him but his hand stern on my hands and slowly removed the gun on my hands.

“But let's not use violence, shall we?” aniya at tuluyan nang kinuha ang baril sa akin.

Napabuntonghininga ako at napairap na lamang sa kawalan. Dumating ang presidente at mas galit silang hinarap. Lahat sila ay inutusang umuwi kasama na kami.

“Kleo, ihatid mo si Aliyah,” sambit ng Presidente.

Kleo looked at him with disbelief. Nagpabalik-balik ang kaniyang tingin sa akin at kay Aliyah bago bumuntonghininga.

One, Two, Three |  Published Under PaperInk ImprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon