XIX

153 45 6
                                    

“Come on, Shaina!”

Napakamot ako sa aking ulo at pilit na pinigilan ang aking inis nang hilahin na naman ako ni Kristana.

Nagising lamang ako kanina dahil sa ingay ng katok sa aking pintuan at nagulat akong narito siya. At ngayon, pinipilit niyang papasukin ko siya.

“You can't find anything here, Kristana, so leave.” I rolled my eyes and shut the door behind me.

“Sa bahay niyo na lang,” dagdag ko na ikinagiti niya.

Ramdam ko ang matinding uhaw sa aking kaloob-looban matapos makita ang kaniyang ngiti. She pulled me towards her and snaked her arms around my shoulder before dragging me inside her car.

“Pasok,” aniya at tinulak ako papasok sa passengers seat.

I was welcomed by a familiar scent, lavenders scent. I flicked my tongue and tried to remeber where I smelled it. Ilang segundo lamang na paghuhukay sa aking utak ay natawa ako. Sa library ni Aliyah, doon ko ‘to naunang maamoy.

Nang maupo siya sa drivers seat ay doon lamang ako pasimpleng nilibot ang paningin sa kaniyang sasakyan. Dalawang kilay ko ang napataas matapos makita ang tambak na damit sa likuran na upuan.

“That is not dirty clothes don't worry. Hinahanda ko ‘yan for emergencies, like biglang may gig,” paliwanag niya. Tumango lamang ako at umayos ng upo.

“Nakapunta ka naman na siguro sa bahay ni Aliyah ‘no?” tanong ko, pilit na pinasisigla ang boses.

Lumingon siya sa akin saglit bago bumalik sa pagmamaneho. She clicked her tongue and nodded.

“Yep. Bahay namin ‘yon,” aniya na ikinagulat ko. “We used to lived there. Kapatid ni Mama ang nanay ni Aliyah, inampon namin sila pero nung namatay si Mama ay ako ang nagmukhang ampon.”

I slowly nodded while watching the reaction on her face. Pilit niyang ginagawang ayos ang mga salitang mga binibitawan niya ngunit kita sa mata niya ang lungkot at galit.

Hindi ko mapigilan ang mamangha at magalit kay Aliyah. She made it to the top by stealing her cousin's work and she was able to live comfortably using also her cousin's wealth. Habang ang taong ninakawan niya ay narito at sumasayaw upang kumita ng pera.

“We’re here.”

Naagaw ng kaniyang boses ang aking atensyon. I blinked my eyes before looking oustide the window. Narito na nga kami. Sabay kaming lumabas ng kaniyang sasakyan.

Bumungad ulit sa akin ang makulay na bayang ito. Kaharap ng bahay ni Kristana ay isang coffe shop na makulay rin.

“I remember first time seeing you here…” aniya at ngumiti sa akin, “ … and then, we kissed.”

Natawa ako ng maalala ang bagay na iyon. Niyaya niya na akong pumasok sa loob ng kaniyang bahay at hindi ko mapigilan ang matawa. The house was so like her, dark and daring.

Itim at puti ang kulay ng kaniyang bahay. Mula sa maliit na gate, mga patay na damo sa kaniyang mumunting garahe at sa kaniyang pintuan ay tila ba nasa isa kang haunted house.

Nang makapasok sa loob ay inikot ko ang aking paningin. Ang loob ng kaniyang bahay ay tulad sa disenyo noong unang panahon, lahat ay gawa sa kahoy.

I flicked my tongue when a lavenders scent welcomed me. Napakunot ang aking noo matapos makita ang mga kakaibang palamuti sa bahay ni Kristana. Skull, devil's horn, katanas, and her wall was printed into a comic strip.

“Come here, Shaina,” aniya at pumasok sa isang pintuan.

Dahan-dahan akong sumunod sa kaniya hanggang sa makapasok ako roon. Tumambad sa akin ang maliit na silid-aklatan na mukhang luma na. Napalilibutan ito ng mga sapot, alikabok at kung ano-ano pa. Pinadulas ko ang aking kamay sa isang shelf at nakita ang mga nakaukit na pangalan doon.

One, Two, Three |  Published Under PaperInk ImprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon