CHAPTER 2

379 31 50
                                    

CHAPTER 2

Pagpasok palang ni Natan sa school campus ay hinanap niya agad ang bwesit na si Stephanie.

Nasaan na ang babaeng 'yon?! Tang ina niya. Kahit kailan piste siya sa buhay ko!

Pinuntahan ni Natan ang building ng mga 2nd years saka pumunta sa engineering department. Doon niya nahanap sa Civil Engineering, Block 1, ang bwesit na kaibigan ni Bella.

"Hoy, babae!" Sigaw niya dahilan para maagaw niya ang atensyon ng ilang estudyante.

Nang malapitan ni Natan si Stephanie ay hinawakan niya ito sa braso saka pinaharap. Nakatayo ito sa gilid ng pinto at nagta-type sa phone kaya hindi siya nito agad napansin.

Nang makaharap si Stephanie ay umuusok ang ilong ni Natan na nagtanong. "Bakit mo binigay ang number ni Brian sa akin?!"

Halos maglabasan ang mga ugat sa leeg ni Natan sa sobrang inis. Kagabi pa siya hindi mapakali, ngunit ngayon niya lang nagawang gawin ang gusto niyang gawin mula pa kagabe. Ang sigawan ang bruhang nasa harap niya!

"A-Ano ba!" Pinilit na pumiglas ni Stephanie sa pagkakahawak sa kanya ni Natan, ngunit hindi niya ito binitiwan hangga't hindi niya nakukuha ang sagot sa kanyang katanungan.

"Ano?! Sasabihin mo na?" Lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak dito.

"N-Natan, nasasaktan ako." Halos maiyak na sambit nito.

"Who cares?! Alam mo ba kung paano ako napahiya kagabe ha? Sa mismong kuya pa ng mahal ko! Tang ina!" Sigaw niya. Inilayo nang bahagya ni Stephanie ang mukha sa kanya dahil may ilang laway na tumalsik sa bibig niya. Pero wala siyang pakealam. "Ano? Sabihin mo na kase!"

"Natan, pinagtitinginan na tayo ng mga tao!" Nahihiyang tumingin ito sa paligid, saka salubong na ibinalik ang tingin kay Natan. "Ano bang gusto mong marinig ha?"

"Kung bakit number ng diablo'ng yun ang binigay mo sakin at hindi kay Bella!"

Nagpaikot ito ng mata saka naghawi ng buhok gamit ang kabilang kamay na hindi hawak ni Natan, saka bahagyang natawa. "Tingin mo naman ibibigay ko sayo ang number ng best friend ko? Asa!"

Dahil doon ay nag-init ang ulo ni Natan. Gusto niya nang sapakin ang mangkukulam na 'to.

This bitch!

Nang walang makuhang matinong sagot ay binitiwan ang braso ni Stephanie at nagtungo nalang sa sariling room.

Fuck! Tang ina naman eh.

Anong sasabihin niya kapag nakita niya ang kuya ni Bella?

Sorry? Wrong send? Ganoon?

Paano kung nalaman noon na hiningi ko ang number ng kapatid niya? Edi, lagot ako? Pota.

Sabe pa naman ng bwesit na yun, iwasan niya ang kapatid nito. Eh, dahil ayaw ni Natan na gumawa ng gulo sa pagitan nilang dalawa dahil baka lalong mapalayo ang loob ni Bella kay Natan, ay dapat hindi niya inisin ang bwesit na Brian na iyon.

Kainis. Kung patay na patay lang sana sakin si Bella, ay hindi ako magkaka-problema nang ganito.

***

Lunch time nang pumuntang cubicle si Natan kasama si Bradley na kaibigan niya. Magkaklase sila halos sa lahat ng subject kaya palagi niya itong kasama. Pero minsan ay hindi niya ito nakikita dahil may iba rin itong barkada.

Nang nasa cubicle na sila ay nagpalabas na sila ng tubig sa katawan.

Naunang natapos si Bradley na tinapik pa siya sa balikat bago ito lumabas. Naiwan na mag-isa si Natan sa loob ng banyong iyon.

Ngunit ilang sandali lang nang pumasok rin sa comfort room ang taong ayaw niyang makita sa mga oras na iyon.

Taena naman. Bakit ngayon pang nagpakita ang mokong na 'to?

At ang nakakainis pa ay tumabi pa sa kanya ang sanggano.

"So, ako pala ang gusto mo?" Bulong nito matapos gamitin ang cubicle na katabi nang kanya.

Nang iangat ni Natan ang tingin ay nakangisi at nang-aasar na Brian ang bumungad sa kanya.

Nandidiring tinignan niya ito. "Fuck you!"

Ngunit mas lalo lang na kumulo ang dugo niya nang lumapad ang ngisi nito sa labi.

Nanlaki ang mga mata ni Natan nang umurong ito patungo sa kanya at inilapit ang mukha nito sa kanyang mukha. Saka ito inilapit ang bibig sa kanyang tainga. "It's the other way around."

Randam na ramdam ni Natan ang hininga nitong amoy mint. Hindi niya alam kung anong nangyayare sa sarili niya, pero parang kinakabahan siya sa mga oras na iyon.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya kahit hindi naman siya natatakot.

Tang ina! Ano 'to?!

Singbilis pa sa alas kwarto na inilayo niya ang mukha sa mukha nito at mabilis na iniligpit at sarili at natatarantang lumabas ng banyo.

Thank god at naunang lumabas sa kanya si Bradley. Dahil hindi niya alam kung paanong ipaliwanag ang nangyare kanina sa loob.

Gagong Brian 'yon! Walang ginawang matino sa buhay ko!

"Oh? Okay ka lang ba, dude?" Tanong ni Bradley na nag-aantay sa labas ng banyo. "Nakita kong pumasok si Brian. Hindi ka naman siguro binanatan sa loob, ano?"

Hindi nagpahalatang kinakabahan pa rin si Natan sa oras na iyon.

"Tsh. As if he can hurt me."

Maglalakad na sana si Natan nang pigilan siya ni Bradley. "Sandali, dude." Saka nito sinuri ang kabuohan ng kanyang mukha. "May lagnat ka ba? Namumula ka eh."

Nanlaki ang mga mata ni Natan. "H-Ha? Hindi ah! Kung ano-ano nakikita mo!" Deny niya, saka siya nagmadaling maglakad pabalik sa building nila.

Puyat lang ako. Puyat lang ako.

Hanggang makarating sa room nila ay hindi pa rin matanggal ang bilis ng tibok ng puso ni Natan. Kahit ilang beses niyang tanggalin sa isipan at sistema ang nangyare kanina, para itong may sariling buhay na pinipilit na isingit ang sarili sa kanyang isipan at kalooban.

Mainit na hininga. Amoy mint.

Saka naalala ni Natan ang mapupulang labi ni Brian na nakangiti sa kanya kanina.

Those lips. What does it tastes like?

Hindi namalayan ni Natan na nakatulala na pala siya nang ilang segundo. Nang mahuli ang sarili ay napabalikwas siya sa kinauupuan at napahilamos sa sariling mukha.

What the fuck is wrong with me?

**

Please vote, comment, and follow. Para sipagin po akong mag update.

CUPID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon