CHAPTER 4

292 27 29
                                    

CHAPTER 4

Kinagabihan ay mabilis na naligo at kumain si Natan nang sa gayun ay ma-enjoy niya ang malaking libreng oras, dahil uubusin niya ang mga oras na iyon upang i-stalk si Bella sa social media accounts nito.

Because of the reason that he is alone in his apartment, no one will gonna bother him. Perks of being a college student.

It's been three weeks sinusubukan kong manligaw kay Bella. Pero hindi pa rin nagpapaligaw! Tsh.

Maybe she didn't like Natan's charm? Or maybe she don't really like men in general? Natan don't know. But one thing he is sure though, and that is, Bella will become his girlfriend before this year ends.

Sinusumpa niya iyon.

After eating dinner, Natan went to his bedroom and opened his macbook. And the, he visited Bella's facebook account. Ito kase ang mas active na account nito for the mean time.

Bella Alcazaren
20,000 followers

Add Friend | Follow

Napangiwi si Natan. Nakaraan lang ay nasa 10,000 lang ang followers nito ah.

She's that famous?!

Although ilang beses nang kanselahin ni Bella ang friend requests niya, hindi pa rin tumigil si Natan na subukan. Baka sakaling i-accept na siya nito.

Thank god she didn't block me yet.

Natan sent Bella a friend request. And then he smiled. This must be accepted, he thought.

Ngunit gayun na lamang ang naramdamang dissapointment nang ilang minuto lang ay nag-abiso sa kanyang account ang pagkansela nito ng friend request niya.

Tsk.

Dahil walang aasahan sa friend request ay minabuti nalang ni Natan na i-stalk ito. It's his motive in the first place.

Sa kaka-stalk ni Natan sa mga public posts ni Bella ay nakita niya ang isang post ni Bella na kasama ang kuya nito.

Paano'ng natsatsagaang makatabi ni Bella ang bakulaw na 'to?

Kase nga kuya niya, pagsagot ni Natan sa sariling tanong.

Nababaliw na ata siya. Kinakausap na ang sarili.

Tinignan ulit ni Natan iyong picture ni Bella na kasama ang kuya nito. Kuha iyon noong acquaintance party last month lang.

Sa picture ay naka-dress si Bella ng pula na may makikintab na mga dyamante saka nakasuot ng kwentas na may diamond.

Grabe, ang ganda ng future wife ko. Kung ganito ba naman ang magigisingan ko bawat umaga, paniguradong ako na ang pinaka-masayang asawa sa buong mundo.

Napangiti si Natan sa sariling imahinasyon.

Ngunit naglaho din iyon at napalitan ng pagkasalubong ng kilay nang mapadako ang atensyon sa kuya ni Bella.

Brian is wearing a black tuxedo with black tee shirt inside. Bakat ang mga hulma ng muscles nito sa suot na tee shirt. Maging ang biceps nito ay sumisigaw din. And his pants are fitted, which makes his long legs visible to anyone who see it.

Nang mapadako ang tingin ni Natan sa mukha nito, bumungad sa kanya ang nakangiti nitong mukha. Labas ang mapuputing ngipin. Makinis ang balat.

And then his jawline is also sharp na bumagay sa high checkbones nito.

He looks like a god. Kahit na bwesit ang taong 'to, Natan can't deny the fact that he is good looking.

Whatever. Bakulaw pa rin.

Ngunit nang bumaba muli ang paningin ni Natan at tumingin sa gita ng bente nito, napalunok siya.

Iiyak ang magiging girlfriend nito dahil sa laki niyon panigurado.

Iiling-iling si Natan na nag-scroll sa wall ni Bella at paminsan minsan ay nagco-comment dito. Nang maburyo ay saka lang siya tumigil at sinara ang macbook.

Saka siya nagpa-alarm at natulog.

***

Paggising ni Natan ay agad siyang nag-toothbrush at naligo, saka nagbihis bago kumain. Habang kumakain ay biglang tumunog ang phone niya na nasa gilid niya, nakalagay sa mesa.

Nagsalubong ang kilay niya nang mabasa ang message sa phone.

Diablo: Can't wait to see my baby

Nangunot ang noo niya nang mabasa iyon. Dahil pinangalanan niya ang number na iyon na naka-save sa phone niya ay nakilala niya agad ang numero.

Brian. Freaking Brian!

What is wrong with him?

Ano daw? Baby? Gago ba siya?

Ngunit nang manumbalik sa isipan ni Natan ang ginawa kahapon, at kung paanong tinawag niya itong baby bilang pang-aasar, ay nanlaki ang kanyang mga singkit na mata at napamura sa isip.

Ano na naman ba ang gusto nito?!

Parang biglang tinamad na pumasok si Natan sa school.

Ngunit pumasok pa rin siya nang maalala si Bella. Hindi yata niya kayang hindi makita si Bella kahit isang araw lang.

***

Nang bumaba na sa sariling kotse si Natan matapos itong i-park sa gilid, ay dumiretso na siya sa gate para pumasok. Ngunit hindi niya inaasan na ang unang taong makikita niya ay ang kuya ni Bella na nakasandal sa wall, sa gilid ng gate. Nakataas ang isang paa nito na nakatapak sa wall na sinasandalan habang ang parehong kamay ay nakapasok sa bulsa ng pants.

Kamalas-malasan pa dahil wala pang ibang estudyante ang nasa gilid, tanging silang dalawa lamang ang naroon.

Magtutuloy-tuloy na sana siyang pumasok at hindi nalang pansinin si Brian, ngunit nang lalampas na sana niya ay hinawakan nito ang kanyang braso.

"Wait," anito.

Umikot ang bilog ng mata ni Natan. "What?"

Tumayo nang maayos si Brian saka binitiwan ang braso niya. "Wala ba akong kiss?"

Umigting ang panga ni Natan. "Kiss mo pwet ko!"

Sarcasm ang pagkakasabe niya noon, ngunit imbis na mainis ay ngumisi lang si Brian.

"Later, baby. Nasa public place tayo." Pang-aasar nito na nakangisi at bumubulong na para bang sekreto ang sinabe.

Si Natan ang nainis. "Alam mo? Tanginamo." Aniya saka nagmartsa papasok ng gate habang umuusok ang butas ng ilong.

Tang ina! Ang aga-aga, nasira agad ang araw ko.

***

Vote, comment and follow :)

Sorry na-delay update, naubos load ko eh hehe. ಠಗಠ

CUPID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon