CHAPTER 19

143 8 5
                                    

CHAPTER 19


"HOY!"

Nagsalubong ang parehong kilay ni Natan nang bigla syang iyugyog ni Bradley. Nasa harapan na nya ito ngayon.

Kailan pa ito pumunta sa harapan ko?

"What the hell, Brad?" Nang mapagtanto ni Natan na walang kagalos galos si Brian ay sinamaan nya ng tingin ang kaibigan. "Akala ko ba na-aksidente 'yang bakulaw na yan?" nilingon ni Natan si Brian na nakaupo pa rin at hawak ang gitara, saka nya ibinalik ang tingin sa kaibigan. "Bakit humihinga pa yan?!"

"Pag na-aksidente, patay agad?" biro nito, ngunit hindi man lang ngumiti ang kaibigan nya.

"Mukha ba akong nakikipagbiruan?"

Nang mapagtantong seryoso si Natan ay bumuntong hininga si Bradley saka nagsalita. "Fine! Hindi sya na-aksidente, okay?"

Nang marinig iyon ni Natan ay naramdaman nya ang pag-akyat ng dugo sa katawan nya patungo sa ulo nya.

"Wait! Wag ka munang magalit, pwede? Mag-eexplain ako!" Nagmamadaling saad ng kaibigan nang makita ang pagdilim ng paningin ni Natan at ang pagyukom ng kamao nito. "Ganito kase 'yon—"

"Wait lang, bago kayo mag-usap, lalabas na muna ako, labas ako dyan eh," biglang singit ng binata na nasa gilid na si Brace. "Brian, gotta go muna, man." Sinenyasan nito si Brian na aalis na at nang tumango si Brian ay lumabas na nga ang binata.

Nang makalabas na si Brace ay itinuloy na ni Bradley ang sasabihin. "Hindi talaga na-aksidente si Brian dahil ang totoo ay sina Brace ang may-ari ng hospital na 'to kaya nandito kami. He asked for our company because he are supposed to have walwal here hanggang mamatay."

Nang marinig iyon ni Natan ay pilit nyang kinokonekta ang paliwanag ni Bradley at ang dahilan bakit nito sinabing na-aksidente si Brian. Ngunit hindi nya magawang mapag-konekta ang dalawa. So, Natan snapped.

"Then why the hell call me in the middle of the night just to tell me this devil—" idinuro nya si Brian, nakaupo pa rin ito ngunit binitiwan na ang gitara at nakapag-krus na ang braso. "was in an accident?!"

"It's because—"

Hindi na natapos ni Bradley ang sasabihin nang putulin ito ni Brian.

"I told him to do it." singit nito.

Nang lingunin ni Natan ang diablo ay nakatingin rin ito sa kanya, sinusuri ang itsura nya.

"What do you—"

"I told him to call you and tell you I got in an accident. If you ask me why, it's because I wanna know what your reaction is if you find out about it." Dahan-dahang tumayo si Brian saka naglakad patungo kay Natan.

"Ah, I think I will go," si Bradley saka nito tinapik si Natan. "Sorry for what I've done, but I think I did what I had to do as your friend. I just wanna make you happy."

Nang sabihin iyon ni Bradley ay nanlalaki ang matang napabaling ang atensyon niya rito. "Do you know..."

Ngunit ngumiti lang ito. "You both need to talk," anito saka lumabas na sa kwarto'ng iyon.

Hindi pa nakakabawi sa pagkakagulat si Natan nang marinig nyang muli ang boses ni Brian.

"Aren't you curious why I am curious about your reaction... Mr. Dela Cruz?"

Pagkalingon ni Natan sa kinagawian ni Brian ay nakita nya ang unti-unting paglapit nito sa kanya. Hanggang sa makarating ito sa kanyang harapan. Ayon na naman ang amoy mint nitong hininga na nagpapabaliw sa kanya simula pa noong nakaraan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CUPID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon