CHAPTER 7

279 21 26
                                    

CHAPTER 7

Nang hapon ding 'yon ay tinutukan ni Natan ang mga lesson sa kanilang subjects. Especially architecture. Nitong mga araw ay dumadami ang kanilang mga activities at projects na kailangan ipasa.

Tch. Third year pa lang pero hussle na.

Pero ang totoong dahilan kung bakit isinubsob ni Natan ang sarili sa pakikinig sa lessons ay dahil gusto niyang kalimutan ang nangyare kanina sa likod ng isang classroom kung saan niya nakahalikan si---

Don't go there. Natan, focus on the lesson. Sa lesson lang, at kay Bella!

Tama. Kay Bella. Si Bella ang mahal mo. Hindi ka dapat nagpapa-apekto sa diablo'ng 'yun.

Tumango-tango si Natan. He's making himself believe that Brian is just a big jerk. He should never been remembered!

Rest in peace, Brian.

Kidding!

Fuck. Si Brian na naman ang pumapasok sa isip niya... kalokohan. Si Bella lang dapat ang iniisip niya.

Bella.

Bella.

Bella.

Brian.

Fuck shit! Ayuko na. Ayuko nang mag-isip!

"Are you okay, Mr. Dela Cruz?"

Biglang napabalikwas sa pagkakaupo si Natan saka nanlalaki ang matang napatingin sa kanilang guro.

"H-Ha?"

Tinignan siya nito nang buryong tingin. "You've been shouting for more than two minutes. And when I call you multiple times, you're not responding. Are you sick?"

Napalunok siya. Lutang ba talaga siya?

"I'm sorry, Professor. And I'm not sick." nahihiyang paliwanag niya saka yumuko, kinagat ang sariling labi. "I'm very sorry..."

"Then, don't shout again, will you?" tanong nito. Tumango lang si Natan. Nagpatuloy ito sa pagsasalita, "if you disturbed my class again, I will kick you out!"

Hindi na umimik si Natan. Nahihiyang napatingin siya sa paligid. Nang mapadako ang tingin kay Bradley, salubong ang kilay na nakatingin ito sa kanya.

Tumaas ang isang kilay nito. "Nagda-drugs ka ba?"

Gustong matawa ni Natan. "What?"

Inulit nito ang tanong. "Nagda-drugs ka ba?"

"What?"

"NAGDADRUGS KA BA?!" mas nilakasan nito ang boses.

"WHAT THE HELL?!" napalakas din ang boses ni Natan.

"You two, get out of my class, NOW!" Malakas na sigaw ng professor. Bakas ang inis at pagkairita sa boses nito.

Walang nagawa si Natan kundi ang iligpit ang gamit at lumabas ng classroom. Ilang sandali lang ay lumabas din si Bradley.

Ngunit hindi siya nito pinansin.

Tch. Nagtampo yata.

"Hey," aniya, ngunit hindi siya nito nilingon.

"Hey," ulit niya. This time, tumingin ito sa kanya nang salubong ang kilay.

"You know what? I'm pissed!" Bulaslas nito. "Natan, I'm your friend. Your only friend. Pero bakit parang hindi mo ako kaibigan kung makapag-sekreto ka sa 'kin? You can tell me your problems, tulad nang dati. Pero bakit ganoon?"

Hindi naka-imik si Natan.

Bakit ba nagagalit ito?

Suminghal ito. "Nakaraan ko pa napapansin na iba 'yang kinikilos mo. Palagi kang lutang. Palagi kang wala sa sarili. Tapos kanina, ayan! Bigla ka nalang sumisigaw at hindi makausap nang matino. Then, kaninang umaga, nabuhusan mo pa ako nang tubig! Para kang timang!"

Tuloy-tuloy ang pag-aalburoto ni Bradley sa harap niya. Hindi nagawang makasingit ni Natan dahil mukhang galit talaga ito.

"Ang sa akin lang, kung may problema ka, nandito ako para damayan ka. Pero kapag tinatanong kita, hindi kita makausap nang maayos. Hindi ka naman ganyan dati, Natan!" Tumingin ito sa kanya saka siya hinawakan sa magkabilaang balikat. "Sabihin mo nga sa akin, Natan, nagda-drugs ka ba talaga?"

Inis na tinignan niya ito. "Mukha ba akong nagda-drugs ha?"

Doon ay huminga nang maluwag si Bradley. "Mabuti kung ganoon." Binitawan siya nito, pero tinitigan pa rin siya nito sa mata.

Napaiwas nalang nang tingin si Natan.

Sinusuri siya ng kaibigan niya. Kainis!

Ngunit mabuti nalang at mukhang nawala na ang inis nito sa kanya. Hindi niya yata matagalan na magkaaway sila ni Bradley. Para na niya itong kapatid eh.

"Eh ano nga ba kasing problema mo?" Tanong ulit nito kalaunan.

Napalunok si Natan. Saka nagsimulang maglakad patungo sa gym. Doon nalang siya tatambay. Total ay last subject na nila iyon, at dahil kicked out sila ay hindi na sila makakapag-klase pa. Hihintayin nalang nialng mag uwian.

Sumunod si Bradley. "Hoy! Tinatanong kita!"

Tumigil sandali si Natan sa paglalakad. Nang makasabay na si Bradley ay magkasabay na silang naglakad.

"Wala."

"Ayan na naman, eh." Inis na sabe nito.

Bumuntong hininga nalang si Natan saka tumigil sa paglalakad at humarap kay Bradley. "Gusto mo ba talagang malaman?"

Sinuri siya nito. "Oo!"

"Pwes! Ang problema ko..." pambibitin niya, saka niya inilapit ang mukha sa mukha ng kaibigan. "Ang problema ko... ay si Bella!"

Shit. Muntik na niyang sabihin na si Brian ang problema niya. Malilintikan talaga siya pag nadulas siya. Buti nalang!

Inilayo ni Bradley ang mukha saka ito ngumiwi. "Iyon lang ba talaga?"

"Oo."

Bumuntong hininga ito, saka siya inakbayan. "Okay lang 'yan, dude. She will going to be your girlfriend soon, kaya wag ka nang mamroblema diyan."

Nakangiti si Natan. "Salamat."

Ganyan nga, Brad. Dapat suportahan mo ako kay Bella. Hehe.

Naglakad na sila papuntang gymnasium at nang makarating sila doon ay naupo sila sa bench. Mayroong naglalaro ng basketball sa mga oras na iyon. Tingin ni Natan ay mga varsity iyon.

Ilang sandali pa ay tumigil sa pagtakbo ang mga manlalaro at nagpahinga.

Break time.

Nag-init ang ulo ni Natan kaagad nang mahagip ng kanyang paningin si Brian na isa pala sa mga players doon.

Fuck. Varsity ang diablo'ng yan?

Nang tumingin sa gawi niya ang bakulaw na iyon, nagsalubong ang kilay nito. Saka parang nanlilisik ang mata na tumingin sa kamay ni Bradley na naka-akbay pa rin sa kanyang balikat kahit nakaupo na sila.

Hawak ni Brian ang bola. Kaya ganoon nalang ang gulat ng mga kasamahang players nang inis na ibagsak nito ang bola at nag-martsa paalis.

Tch. Problematic.

In-enjoy nalang ni Natan ang manuod ng laro ng mga varsity players. Hindi pa rin bumabalik si Brian kaya naman hindi na siya nabwesit ulit.

***

Surprise! May update pala ako ngayon? Hindi ko rin in-expect. Hahaha

CUPID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon