15

112 9 0
                                    

Wayback a long time ago...

Hindi alintana ni Miguel ang malakas na bagsak ng ulan. Kakatapos lamang ng pagtitipon nila sa mansion nang mapansin nilang nawawala na si Celeste. Sakay siya noon ng kaniyang motorsiklo habang binabagtas niya ang daan, at doon nga'y napag-alaman niya ang balitang may bus na nahulog sa pampang at marami ang namatay. Ipinahanap niya ang terminal ng bus kung saan pwedeng kumuha ng ticket, at doon nga'y nalaman niyang lulan ng bus si Celeste. Kasama itong nahulog sa bus, hindi na niya kinayanan ang natagpuang aksidente kaya't inakala niyang patay na ito.

Sa pagkakataong iyon ay hindi na rin niya alam ang mga pangyayari kung paano siya natali kay Lalaine, gayung hindi naman niya ito mahal. At doon nga sa mismong kasalan nila noon, ay umayaw siya. Tumalikod siya sa harap ng altar at tinalikuran na rin ang pamilyang mayroon siya.

Doon lamang niya naisip na isa lamang siyang asset ng kaniyang mga magulang na walang pakialam sa nararamdaman niya. Bilang isang panganay ay wala siyang magawa nang mapagpasyahan nilang ipakasal siya sa anak ng kasosyo ng mga ito dahil na rin sa problema ng kanilang kompanya. Nalulugi na ang kompanya ng mga Delgado at ang tanging inaasahan ng mga magulang niya ay ang pakikipag-ugnayan sa mga magulang ni Lalaine na may maraming koneksyon sa larangan ng negosyo nila. He is just an asset. A useless asset. Until, he choose to stand his right, at ngayon nga'y nagrebelde.

Nang araw na iyon ay dahan-dahang naglakad si Miguel sa kanilang madalas na tagpuan sa bukid. Sa mismong talampas kung nasaan ang duyan sa punong mangga. Doon ang kanilang tambayan ni Celeste, kung saan madalas sila mangabayo.

It was a dark weary afternoon. He is all by himself while gazing the wide open field. Ninanamnam niya ang katahimikan sa oras na iyon dahil ang tanging nasa isip niya ay ang nagbabadyang pangyayari na magaganap. Minabuti niyang humiga sa damuhan habang tinitingnan ang kalangitan. Doo'y naalala niya ang mga pangyayari habang kasa-kasama niya si Celeste. Madalas itong magkwento sa pangarap niyang maging isang guro. Madalas din itong nagpapatawa sa kaniya sa pamamagitan ng kainosentehan nito, madalas kasi niyang biruin ito at madalas ring maguyo si Celeste sa mga hirit niya.

It was so simple and firm. Ganoon lamang ang set-up nila. Walang boundaries, walang masasakit na ala-ala.

Naalala niya rin noong panahon na humingi siya ng pabor kay Marcus. Kauuwi lang n'on ni Marcus galing America, doon kasi ito nagpa-assign sa pagiging doktor niya. Hindi nga nila maintindihan kung bakit doktor ang napiling kurso nito gayung hindi naman ito nag-aaral ng mabuti. But it seemed they we're wrong, dahil naging matagumpay itong doktor doon.

"Look at yourself kuya. Para kang lantang gulay...It's your day today. Cheer up!" Ani Manuel na isinusuot ang coat ni Miguel.

"It's not my day. You fool..." wala sa isip na sambit ni Miguel na walang kaide-ideya na tinatraydor na pala siya ni Marcus.

"Get yourself fixed...nakakasuka kang tingnan, kuya." Sambit naman ni Marcus sa kapatid.

"Nakakasuka? Ako nakakasuka? Baka kayo ang nakakasuka! Alam n'yo bang dahil sa inyo kaya ginagawa ko ang nakakasukang bagay na 'to?" Madamdaming sambit ni Miguel na tila nahihibang habang nakangisi bagama't may namumuong luha sa kaniyang mga mata.

"Come on kuya...huwag mo nang pahirapan ang sarili mo sa babaeng patay na!" Sambit ni Marcus na parang ang tinutukoy ay si Celeste.

"Shut up!" Asik niya habang noo'y pwersahang kinukwelyohan ang kapatid.

"Don't you try to speak again about her...or else.." Ani ni Miguel.

"Kuya...tama na. Please huwag kayong mag-away!" Apila naman ni Manuel na pumagitna sa dalawang nag-uumpugang kapatid.

Dark Secrets Series : Her Sweetest Revenge 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon