9

239 23 4
                                    

Nang makapasok na sa silid ni Victoria si Sophia ay agad siyang napahawak sa kaniyang dibdib. Agaw pansin din ang pagkakabigla ng kaniyang amang si Don Llermo.
"What's wrong?" Tanong pa ng matanda sa kaniya.

"Nothing," tipid niyang sagot sabay salampak sa katabing upuan.

"Nagkausap ba kayo?" Tanong pa ng kaniyang ama. Habang nasa tabi ito ni Victoria na siya namang mahimbing na natutulog.

"I don't want to talk to him. Mabigat ang loob ko sa kaniya papa. I feel something unexplainable. I don't like him." Pinal na sambit ni Sophia na siyang ikinabuntung-hininga lamang ng matanda.

"Bueno," sabi pa nito saka tumayo.

"I let Vicky felt asleep again. She need to gain more energy. And as you told me before, uuwi tayo ng Pinas." Pinal na sambit ng matanda.

"T-talaga po papa? Makikilala ko na ang mga kapamilya natin? Makikilala na ni Victoria ang mga pinsan niya?" Nasisiyahang sambit ni Sophia na ikinatango-tango lamang ng matanda.

"But in that arrangement, napagpasyahan kong doon tayo sa resthouse natin. Sila ang papasyal sa atin doon." Pagkaklaro pa ng matanda.

"Ah okey. It's fine...as long as we'll meet them," ani niya na kontodo ngiti at halatang sabik na makauwi sa Pinas.

"Anak..." dugtong pa ng matanda sa mababang boses.

"Po?"

"K-kapagka may...nalaman kang patungkol sa pamilya natin...sana'y h'wag kang magalit sa akin, sana'y h'wag mo akong iwan." Malumanay na sambit niya dito.

"Ho? Bakit ko naman iiwan ang taong importante sa akin? Papa? Bakit nag sisinti ka ah? Sus! Halika nga!" ani niya sabay lahad ng kaniyang nakabukas na braso dito. Animo'y gusto nitong magpayakap sa kaniyang ama.

Agad namang tinugunan ng matanda ang paunlak na iyon at gayundin ang kasiyahan nila nang mapansing nagising din pala si Victoria.

"Papalo, mommy, can I join?" Sabi pa ng musmos na parang nasisiyahan na makitang magkayakap ang kaniyang lolo at mama. Magkayakap silang tatlo sa mga sandaling iyon nang may biglang kumatok.

"Yes, come on in." Boses ni Don Llermo habang nakatingin sa saradong pintuan.

Mayamaya pa'y dumungaw ang pigura ni Doc Marcus na may dalang kumpol ng rosas at isang basket ng mansanas.

"Hello, may I come in?" nagpapacute na sambit nito na tila hindi umaatras sa sinabi ng dalaga kanikanina lang. Kunot-noong tiningnan ni Sophia ang lalaki na noo'y galanteng nagmamartsa papalapit sa kanila.

"Hi baby girl? How are you? Here 'ya go. This is for you." Lahad pa ni Marcus sa basket ng mansanas.

"Oh thank you, doctor." Cute na saad ng paslit na nag-wide open arms pa sa doktor. Tantya ni Marcus na magpapa-yakap ito sa kaniya.

Agad namang tumugon ang binata at doon nga'y niyakap siya ni Victoria.
"Thanks," sabay halik sa pisngi ni Marcus. Sa pagkakataong iyon ay napaawang na lamang si Sophia habang nakatingin sa dalawa. Animo'y nagugustuhan ni Victoria si Marcus sa isang kisap-mata lamang.

"You're so cute." Sabi pa ni Marcus na pinisil pa ang ilong ni Victoria.

Victoria giggles as if she's been playing to her own dad. Agad na natipuhan ng bata si Marcus na panay ngiti lamang dito. Maybe because Marcus is a pediatrician, he know how to handle all the types of tuntrums of kids, and in behalf of that...alam niya ang kiliti ng bata, ang prutas na mansanas.

"And this is for you, beautiful." Sabi pa ni Marcus kay Sophia habang nakalahad sa harapan nito ang kumpol ng bulaklak.
Halatang nagpapa-impress ito rito.

Dark Secrets Series : Her Sweetest Revenge 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon