2

370 25 2
                                    

Kasalukuyan.

Mabigat ang pakiramdam ni Celeste sa umagang iyon habang dala ang medyo may kalakihang bag na nakasabit sa kaniyang braso. Magti-third year college na siya sa puntong iyon. BS Secondary Education ang kinuha niya.

Siguro'y dahil na rin sa kagustuhan niyang maka-ani ng respeto at mataas na antas ng pamumuhay ay iyon ang napili niyang kurso.

Sa panahon kasi na iyon, nakatataas ang paningin ng karamihan sa isang guro. Nagsumikap siya upang makamit ang kinalalagyan niya ngayon. Taliwas man sa trabaho niya bilang isang silbidora, wala naman siyang tinatago sa lipunan.

Naranasan na niya lahat para lamang maitaas niya ang estadong meron siya.

"Balang araw, makakaahon din ako dito." Iyon na lamang ang bukambibig niya habang tanaw ang mansion ng mga Delgado.

"Asa ka pa." Hindi inaasahang dinig niya mula sa kaniyang likuran.

It's Marcus, ang kapatid ni Miguel at Manuel. Nakapang-gym outfit ito na tila kauuwi lang galing sa exercise.

"Magandang hapon po."

"Ipagtimpla mo nga ako ng juice, pakipasok na lang sa kwarto ko ah." Iyon lamang ang sagot ng binata na suot pa ang makahulugang ngiti.

Napalunok ng wala sa oras si Celeste na tila nakikiramdam sa huling sinabing iyon ni Marcus. Tanaw pa niya ito habang nilalamon ito sa malaking pintuan na nasa kanilang harapan. Ang main door.

Napapikit na lamang si Celeste at marahang napailing. Ganoon naman talaga si Marcus, bossy, cold and very intimidating.

"Sige ho..."

Hindi na niya nadugtungan ang sasabihin ng maramdaman niyang may isang palad ang dumapo sa kaniyang pang-upo.

"Hello Buttercup! H'wag ka kasing haharang-harang sa daan." Nakangising sambit pa ni Manuel na nilampasan din siya. Nakadamit din ito ng pang-gym na tila gaya ni Marcus na galing lang sa ensayo.

Sa pagkakaalam niya, magaling ang mga ito sa Muay Thai at Kick Boxing. Samantalang si Miguel naman ay mahilig sa motoracing at pangangabayo.

Kagat-labing napayuko si Celeste at nag-iwas ng tingin. Alam kasi niyang baka mauwi na naman iyon sa mas matindi pang pang-iinis sa kaniya, kaya siya na lamang ang umiiwas at umaalis.

Madali siyang naglakad patungo sa likod-bahay. Nang makapasok na siya sa kaniyang silid ay agad niyang hinubad ang suot niyang damit at nagpalit ng unipormeng sinusuot niya sa tahanan ng mga Delgado. Nakauniporme pa kasi siya ng pang-eskwela.

Mabilis niyang inayos ang sarili at inasikaso ang unang utos ni Marcus kani-kanina lang.
Pumanhik siya sa kusina at agad na nagtimpla ng lime juice. Iyon kasi ang paborito at madalas na ipinapatimpla sa kaniya nito.

Tanaw pa ni Celeste ang nagkukumpulang trabahador sa may bukana ng dirty kitchen. Sina Mang Dodong at Mang Tonyo, ang mga driver ng pamilya Delgado.

"Oo pre, grabe gumiling talaga si Inday! Ang sarap pang kumain!" pagyayabang pa ni Mang Dodong kay Mang Tonyo.

"Talaga? Magkano naman ang ibinayad mo?"

"Hindi, sus ipinasyal ko lang tapos binilhan ko ng bagong bag. Iyon lang naman kasi gusto niya."

"Talaga? Maka-iskor nga rin minsan, gagayahin ko 'yang sinasabi mo."

"O sige ba, heto ang number niya oh."

Iyon ang dinig niya sa mga ito na kung pupuntuhin niya'y isa sa mga kasambahay ng pamilya Valles na nasa tabi lang din ng mansion ng pamilya Delgado.

Si Inday ang isa sa mga nakakasabay niya minsan kapag namamalengke at nagsisimba. Kung hindi siya nagkakamali, magkasing edad lamang sila ng dalaga.

Dark Secrets Series : Her Sweetest Revenge 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon