17

129 10 0
                                    

Hindi pa nagtatagal mula sa oras na mabalitaan niya ang nangyari ay narinig ni Celeste ang magkasunod na katok mula sa labas. Madali niya itong tinungo para makita kung sino ang mga ito. Siguro'y si Miguel na iyon. Sambit ng isip niya, ngunit nadismaya siya nang makita ang dalawang lalaki. Si Manuel at Marcus na parang nakainom.

"Celeste..." Manuel smirked.

"Pwede ba kaming pumasok?" ngisi naman ni Marcus. Parang lango ang dalawa sa ispiritu ng alak.

"B-bakit kayo nandito? Bakit alam n'yo ang lugar ni Miguel?"

Marcus hissed and slightly shake his head.
"Yeah, alam mo naman marami akong mata, Celeste." Ngisi ni Marcus saka hinapit sa beywang ang dalaga.

"Ano ba!"

"Come on, we need a drive!"

"Ano ba! Bakit ba kayo nandito! Ah! Nasasaktan ako!" Nagpupumiglas si Celeste dahil marahas siyang kinakarga ng dalawa.

"Help! Help!" pagsusumigaw niya, ngunit wala ni isa ang nandoon para tulungan siya, tanging nakita niya sa siwang ng pintuan ay ang musmos na paslit na umiiyak habang tanaw siya. Nakatabon ang bibig ni Victoria na noo'y mahinang umiyak. "Mommy!" usal nito sa papalayong ina.

Madaling tumakbo si Victoria papunta sa kwarto niya para kunin ang isang cellphone na nasa maleta nila. Nandoon ang numero ni daddy Miguel niya kaya gusto niya itong matawagan.

Nang mapindot niya ito ay tumunog naman ang nasa kabilang linya.

"Hello?"

"D-daddy! Daddy si mommy...kinuha nila Tito."

"What, baby?"

"Kinuha si mommy nina Tito Marcus at Tito Manuel."

"They're crazy! Sige baby, papunta na si daddy."

Matapos marinig ang kwento sa kabilang linya ay madaling tumayo si Miguel papunta sa labasan. Nandoon siya sa hospital habang aligaga sa pag-aasikaso ng kaniyang kinikilalang amang si Don Brando. Nag-aagaw buhay ito, ngunit sumabay naman sa problema niya ang dalawang kapatid niyang 'di alam ang ginagawa. They aren't supposed to do that!

Hindi alam ng dalawa na kapatid nila sa ama si Celeste! Dapat na siyang magmadali para sabihin sa mga ito ang katotohanan. Panahon na para malaman ng mga ito na hindi nila dapat gawin ang binabalak nila sa sarili nilang kapatid.

"Oh for fuck's sake! Huwag naman!" Nagmamadali niyang pinaandar ang motor saka pinaharurot ito. Alam niya kung saan nila dadalhin si Celeste. At kung hindi siya nagkakamali, iyon ay sa dati nilang sabsaban, doon sa kuwadra ng mga kabayo. Doon niya ito nakita noon, na kamuntikan na rin nilang gahasain si Celeste. Malapit 'yon sa burol kaya kung bibilisan niya ang takbo, ay makakarating siya ng higit sampung minuto.

"Shit! Mga walang hiya!" bulalas niya nang ma-imagine ang pangyayari noon.

***

Sa kabilang banda. Halos mapaos na si Celeste sa pagsigaw ngunit hindi siya marinig sa labas ng kotseng sakay siya.

"You will pay for this!" duro niya kay Marcus na panay himas sa braso niya. Umaaksyon itong halikan siya ngunit siya lang ang umiiwas. Si Manuel naman ang nagmamaneho sa oras na iyon.

"Shh, don't be so naive, Celeste. Kahit anong gawin mo, wala ka nang kawala sa akin." Mahinang humalakhak si Marcus.

"Manuel! Tulungan mo 'ko, alam kong inuutusan ka lang ng kapatid mo! Please! Tulungan mo ako." Pagmamakaawa ni Celeste.

Tanging pagsipat lang sa front mirror ang ginawa ni Manuel. Tahimik lang itong nakatingin sa kaniya.

Tumunog ang phone ni Manuel, marahan niya itong sinipat saka nagsalita.
"Si Miguel."

Dark Secrets Series : Her Sweetest Revenge 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon