4

271 24 5
                                    

Dala ang kaniyang bagahe ay napagpasyahan ni Celeste na umalis sa oras na iyon. Tuliro ang isipan niya sa pangyayari. Lalo pa't nagdaramdam din siya sa hindi maipaliwanag na damdamin niya para kay Miguel.

Matalik silang magkaibigan, pero doon lamang ang pwedeng estado ng kanilang pagkokoneksyon. Hindi niya maaring mahalin ang isang nakatataas na Delgado. Wala siya sa kalingkingan ng mga ito.

Bantulutot siyang nagmasid sa bukana ng malapad na gate at doo'y nag-abang ng masasakyan. Medyo may kadiliman ang bahaging iyon kaya hindi niya napansin ang isang tao na kanina pa pala siya tinitingnan.

"Celeste!" Sabay tapik sa kaniyang likuran.
Halos mailaglag ni Celeste ang kaniyang dalang bagahe dahil sa pagkakabigla.

Nilingon niya ang kung sinumang tao sa kaniyang likuran at doo'y napagtanto niyang si Inday iyon. Ang kaibigan niyang katulong sa kapitbahay nilang sina Don Valles.

"Diyos ko! Ano ka ba Inday, aatakihin ako sa puso sa ginawa mo eh!" Sambit niya na hawak-hawak pa ang kaniyang dibdib.

"Oh? Saan ang lakad mo at bakit ang laki ng dala mong bagahe?" tanong pa nito sa kaniya.

"Ah eh ano...uuwi ako sa amin."

"Uuwi? 'Di ba wala kanang uuwian? Siguro magtatanan ka ano?" Nakangising sambit pa nito sabay tusok-tusok sa kaniyang tagiliran.

"Hindi! Ano ka ba...ang totoo nga'y gusto ko nang lumayas sa poder ng mga Delgado. Gusto ko nang makalayo rito," impit na paglalahad niya sa kaibigan.

"Bakit? Pinapahirapan ka pa rin ba nila Marcus?" tanong ni Inday, habang nakapamaywang.

Marahan siyang tumango rito.

"Gusto mo tulungan kita? Kung gusto mo..." Sabi pa ni Inday na naka-kibit balikat lang sa kaniyang harapan.

"Ano? Kahit ano...gagawin ko, Inday. Makalayo lang dito at makapagtapos lang ako sa kolehiyo," sabi pa ni Celeste na animo'y wala nang matatakbuhan.

"Hmm...sa tiya ko. May-ari siya ng bar sa Manila. Kung gusto mong mamasukan doon bilang hostess. Ibibigay ko ang address nila. Matutulungan ka niya sa pag-aaral doon. Easy money lang din," sabi pa nito sa mababang boses.

"Ha? Eh bakit nandito ka sa pamilyang Valles, kung pwede ka palang tulungan ng tiya mo?" pabalik na tanong ni Celeste kay Inday.

Agad na sumimangot si Inday at nagsalita.
"Ayoko doon. Ayokong mag-aral. Nakakatamad din sa bar. Nakakasawa. Sa totoo nga lang, doon din ako galing, eh." Sabi pa nito na parang proud pa sa pinag-sasasabi niya.

"Isa kang hostess?" pagtatanong pa ni Celeste.

"Ke hostess, gro, pokpok, bayaran...basta 'yon ang trabaho ko." Ngumiti ito habang may kung anong bagay itong kinuha sa kaniyang bulsa.

"Oh heto, kung sigurado ka talagang umalis ngayong gabi. Pumunta ka riyan. Teka nga, may pamasahe ka ba?"

"Ah eh. Sengkwenta pesos lang ang dala ko eh."

"Diyos ko maryosep! Maglalayas ka tapos wala ka palang pera?" Pagmamaktol pa ni Inday saka pa ulit dumukot sa kaniyang bulsa.

"Oh heto, pamasahe mo. Otang mo 'yan ah. Saka na kita singilin 'pag marami ka ng datung doon." Nakangiting sambit nito sabay tapik sa balikat niya.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay nagpaalam na rin si Inday at umalis na sa kaniyang harapan. Tanaw pa ni Celeste ang kaibigan habang pakendeng-kendeng na naglakad patungo sa malaking tarangkahan ng mansion el Valles.

Nang mapagtanto ni Celeste ang gagawin ay doon lang din niya nasink-in sa utak niya na magiging pokpok siya kung sakaling tutuloy siya sa binabalak niyang pagpunta doon sa kamaynilaan.

Dark Secrets Series : Her Sweetest Revenge 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon