3

322 29 5
                                    

Nasa hapag-kainan silang lahat habang inaasikaso ang dumating na mga bisita. Nakaupo ang pamilya Delgado habang sina Celeste at iba pang tagasilbi ay nasa gilid lamang ng pader at nag-hihintay ng kung anumang utos mula sa mag-anak.

Tanaw pa ni Celeste ang sinasabing babaeng pakakasalan ng isa sa mga anak ni Don Delgado. Maputi at maganda ang babaeng iyon, tantya niya'y magkaedad lamang sila na nasa deseotso o dese y nueve anyos lang.

May katangkaran ito at may malaporselanang kutis. Mahaba ang makintab nitong buhok at ang kasuotan nitong hindi naikakailang anak mayaman at laki sa marangyang estado.
"Oh hija, kilala mo naman si Miguel 'di ba?" dinig pa nila mula sa ina ni Miguel na halos yata umabot ang ngiti sa taenga nito. Halatang aprobado rito ang naturang babae.

"Yes po tita, I know him. We're schoolmate before, and ka-group ko rin siya minsan sa isang club." Mahinhing sambit ng dalagang iyon.

"Oh, mabuti naman. Mabuti't kilala n'yo na pala ang isa't isa." Makahulugang sambit pa ng ginang.

"Lalaine, we wanna tell you about your arranged marriage to our son. Soon, gusto naming kayo ang magkatuluyan." Dugtong naman ni Don Delgado na siyang rason upang mahinto sa pagsandok sina Manuel at Marcus, lalo na si Miguel na kanina pa walang kibo at parang hindi sang-ayon sa kasunduang iyon.

"What are you trying to say papa? Ikakasal na si Miguel?" ani ni Marcus na nakangisi pa nang makahulugan sa kapatid.

"Oh, how lucky you are, at maganda ang napili nila papa para sa'yo, kuya. Congrats!" Sambit naman ni Manuel na mapanuyang ngumiti saka ngumuya ng kinakaing ulam nila.

"Good to hear that, masaya kami na nagkaka-intindihan tayong lahat dito." Halos sabay na sambit ng papa at mama naman ni Lalaine. Gaya ng mag-asawang Delgado, pino ang mga galaw nito at hindi palasalita.

"Excuse me po, I want to go to restroom." Sabat naman ni Miguel na parang wala sa mood sa kasiyahang mayroon sa hapag.

Mabilis na nahagip ng paningin ni Miguel ang nakatayong si Celeste. Sa isang kisap-mata'y parang alam din agad ni Celeste na gusto nitong makipag-usap sa kaniya.

Kaya naman, nang makalabas sa likod-bahay si Miguel ay sumunod naman si Celeste. Naghahabol ng hininga si Celeste na halatang kinakabahan sa pagpuslit mula sa kusina.

"Miguel! Miguel! Sandali lang!" Tawag ni Celeste na sinundan si Miguel sa likod-bahay.

Nang puntong iyon ay hinarap siya ni Miguel na hilam ang mga mata mula sa pinipigilang luha.

"I don't get it. Hindi ko alam ang plano nila papa, ayokong maikasal kay Lalaine. But, I don't want them to get upset to me." Nalilitong sambit ni Miguel.

"Shh...kumalma ka lang, okey?" paunang salita pa ni Celeste.

"Celeste. Ayoko kay Lalaine. Alam mo 'yan. Ayokong maikasal sa kaniya. I don't love her!" iyon lamang ang umalingawngaw sa pagitan nilang dalawa.

Hawak ni Celeste ang magkabilang braso ni Miguel habang pinapakalma ito. She saw how vulnerable he was. Alam niyang hindi madali ang sitwasyon nito ngayon.

"Miguel, makinig ka. Kung ano ang palagay mong nararapat, doon ka. Ginagawa lang ng mga magulang mo ang tama." Sabi pa niya na parang tinutulungang kumalma ang isip ng binata.

"Pero..."

"H'wag kang mag-alala, alam ng magulang mo ang nakakabuti sa'yo. They are your parents." Sabi pa ni Celeste na hindi ipinapakita ang mapait na ngiti sa binata.

Mahigpit na niyakap ni Miguel si Celeste at nagsalita. "Salamat Celeste, ah. Salamat dahil nandiyan ka." Sabi pa ng binata sa kaniya.

Ginagawa ko 'to dahil mahal kita, Miguel. Mahal kita...Kahit masakit, kahit mahirap, kahit imposibleng maging tayo, gagawin ko ang lahat para mapabuti ka. You deserve better, Miguel.

Dark Secrets Series : Her Sweetest Revenge 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon