XXXVII

212K 3.5K 241
                                    

Chapter Thirty-Seven
 
  
Pagbalik ko sa reception ay kinabahan ako nang agad nagsiliparan ang mga tingin ng bisita sa akin.

Nilingon ko ang pamilya ko at natagpuan ko ang galit na tingin ni Warren. Sila mama at tita naman ay mukhang nag-aalala. At ang magaling na Rachel ay nakangisi lang sa tabi.

Alam na nga yata nila!

Kabado pa ring lumapit ako sa pasalubong ding sila Warren.

"Ano'ng nangyari?" Nilibot ko ng tingin ang nakatingin pa ring mga bisita. Hindi ko mahanap sila Jane at Grace.

Sumunod si Grace kay Jane kanina at dumirecho naman ako sa powder room. Buti na lang at waterproof ang makeup na ginamit sa akin kaya hindi nasira ang ayos ko.

"Ikaw. Anong nangyari sayo? Bakit bigla kang nawala?" Halata ang pag-aalala sa boses ni Warren pero kabaligtaran naman no'n ang tinging ibinibigay niya sa'kin. Kulang na lang ay maglabas ng apoy ang nagbabagang tingin niya.

"Nag-cr lang ako." halos pabulong na lang na sabi ko.

Suminghap siya. "Dapat sinabi mo sa'kin."

"Sorry." Nilagpasan ko siya at nilapitan si mama.

"Ma, may sinabi ba sa inyo si Jane kanina?" Nilibot ko ulit ng tingin ang paligid.

May kanya-kanyang pinagtatawanan at pinag-uusapan na ang mga tao. Nadaanan ko rin ng tingin si Warren na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin nang may blankong ekspresyon.

"Nagpaalam lang sila ni Grace na aalis na. Bakit? Saan ka ba nagpuntang bata ka? Hindi ka man lang nagpapaalaam."

Nakahinga ako nang maluwag. Buti na lang at napigilan ni Grace si Jane. "Nag-cr lang naman po ako." dahilan ko kay mama.

Iyon naman ang totoo eh, hindi nga lang ako do'n nagtagal pero at least hindi ako nagsinungaling.

"Kahit na. Aba't alalang-alala sayo ang asawa mo!" Bahagya pa akong tinampal ni mama sa kamay.

Napataas ang kilay ko. So he still cares for me? Or was it all just an act?

Nilingon ko ulit si Warren na kasama na agad ni Rachel ngayon. Sumikip ang dibdib ko sa pag-isip na ang sagot ay ang huli. It was all just an act. Nasa harap lang siguro siya ng pamilya namin kaya gano'n.

Suminghap ako. "Alalang-alala ba 'yan, ma? Mukha ngang masayang-masaya, eh."

"Dapat lang na magsaya siya sa araw ng kasal niyo." nangingiting sabi ni mama.

Umirap ako sa ere. Kasal namin o kasal ng bruhildang kasa-kasama niya? Parang sila ang ikinasal sa akto nila. Magkasamang nag-eestima ng mga bisita habang nakakakapit pa ang hitad sa braso ni Warren!

"Bakit ang tahimik mo? Hindi ka ba masaya sa birthday mo at araw ng kasal mo?" Bumalik ang kaba ko nang suriin ako ni Mama ng tingin. Pagdating sa kanya ay transparent dapat ako, hindi pwedeng makahalata siya ngayon.

"Masaya ako, ma. Hinihintay ko lang ang regalo ninyo." subok kong pagbibiro at pagtawa. Nagtagumpay naman ako kahit paano.

"Naku, ikaw talagang bata ka. Mamaya na lang at iniwan ko sa van." nakatawang sabi ni mama.

"Sige, ma. Kukunin ko talaga 'yan."

"Hindi mo lang dapat kunin 'yon, ano? Gamitin mo rin." Humagikgik siya.

Kumunot ang kilay ko. "Ano ba yun, ma?"

"Wala." Ngumiti siya. "Sige na't pagtuunan mo ng pansin ang mga bisita mo."

Tumango na lang ako kahit nagtataka pa rin. "Sige, ma. Enjoy ka lang d'yan." Paalam ko.

Naglakad ako paalis at umupo sa lamesa kung saan nakapwesto sila Jane kanina.
 

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon