IX

350K 5.8K 129
                                    

Chapter Nine

  
"Sandali lang, nakalimutan ni Liam yung susi ng kotse niya at pinapakuha niya sakin," ani Warren sa akin bago bumaling sa kanyang pamangkin. "Wayne, invite her in. Don't do such things, okay?"

Gumanti lamang nang malawak na ngiti at saludo si Wayne.
 
"Let's go inside.. hmm.. Ano pong itatawag ko sa inyo? Ate? Ate Claire?" Nakakaaliw na tanong ni Wayne sa akin nang nauna nang pumasok si Warren. Kunot na kunot ang noo niya habang nakapatong pa ang baba niya sa kanyang kamay. "Tita Claire na lang since you're my tito's girlfriend." sagot niya sa sariling tanong niya rin.

"I'm not your tito's girlfriend, Wayne." Natatawang pagtatama ko sa bata. Lalo akong napahanga sa ganda ng bahay nila nang nakapasok na kami sa loob.

Sophisticated at homey ang dating. Mula sa bungad ng pinto ay makikita mo ang glass-panel walls kung saan tanaw ang swimming pool sa likod. Sa kaliwang bahagi nito ay mayroong grand-staircase. Sa kanan ang malawak na receiving area. May pintuan sa bandang sulok na sa hula ko'y powder room para sa mga guest. Sa kaliwa naman ay may pasilyong patungo siguro sa kusina.

Naputol ang pagmamasid ko sa mala-mansyon sa gandang bahay ng pamilya ni William Aidan Lazares III nang magsalita ang makulit at Englishero'ng anak nito.
    
"But you are po. Daddy told me tito Warren and his girlfriend will look after me earlier before you two arrived po." ani Wayne na parang inaakusahan akong sinungaling. Nag-iisang linya ang mga kilay niya at nakatulis pa ang nguso.

Hindi ko pa man nadedepensahan ang sarili ko nang nagsalita na naman siya. "Kung mahal mo po ang isang tao, dapat po ipinapaalam mo po sa lahat ng tao na sayo na po siya para wala nang ibang maghahabol sa kanya po. Gano'n po sila daddy at mommy. Tinanong po ni daddy kung pwede raw po ba siyang manligaw kay mommy noon sa cafeteria po kung saan po sila nagwo-work, nagproposed din po siya ng kasal sa harap po ng maraming tao. Kaya ayan po. More than three years na sila po together."

"Nagtataka ka po siguro kung bakit alam ko yung story ng parents ko, 'no tita Claire? Kasi po I want to be just like my dad to my mom when I grow up and fall in love po!" sabi pa niya.

Ibang klaseng bata. Nagiging madaldal pala ang anak ni Liam kapag nagtatagalog. Pero infairness, mas magalang pa rin talaga kapag Tagalog at hindi English ang ginagamit.

Nakakatuwa nga na sinusubukan pa rin ni Wayne isingit ang po kapag nag-i-English siya.

At ilang taon na nga ba 'tong batang 'to? Four? Five? Kung makapag-advise sa love ay parang fourty-five years old na. Parang siya pa yung matanda at ako yung bata sa usapan namin ngayon.

"Alam mo? Mas mabuti pang maglaro na kang tayo. Nasaan yung mga toys mo?" tanong ko para ibahin ang usapan.

"His toys are kept in his room, the first room you'll see in the left." Narinig kong sagot ni Warren sa tanong ko mula sa taas. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siyang nakatayo sa grand-staircase. Nakalagay sa bulsa ang isang kamay at may hawak na susi ang kabila. "Go now, ibibigay ko lang 'to kay Liam." aniya bago naglakad pababa.

"Let's go po tita!" Hinatak ako ni Wayne sa kamay kaya sumunod na lang ako.

Ang bedroom ni Wayne ay punong-puno ng mga gamit na Spiderman, mula sa kama, night table, cabinet, computer table, computer at iba pa. Puro Spiderman action figures sa iba't ibang sizes at may isang pinakamalaki sa dulong bahagi ng kwarto na nakatapat sa may pinto. May nakasabit na parang ID na malaki sa leeg nito na may sulat na, "Sshh.. Spiderman is sleeping." na sa hula ko ay sinulat mismo ni Wayne.

"Ang ganda po ng room ko, 'di ba? Puro Spiderman! Kaso po tinago ko na po yung mga toys ko kasi big boy na po ako."

"Ah, gano'n ba? Ano'ng gusto mong gawin natin ngayon?" tanong ko.

"Meron po kaming xbox sa entertainment room. Doon na lang po tayo." aniya pagkatapos manahimik ng ilang segundo.

Hinatak niya ulit ako palabas ng kwarto niya, nasalubong pa namin si Warren at muntik pa kaming magkabungguan, buti na lang nakaiwas siya.

"Wayne, slow down! Sh--" sigaw na pagsaway ni Warren na pinutol agad ng paunmanhin ng bata.

"Do you dance well po ba tita? Let's play Dance Central po! Nakaka-enjoy po yun!" saad ni Wayne nang nasa loob na kami ng entertainment room nila.

Malamig, malawak at medyo madilim ang kwarto. May malaking flat-screen tv at limang upuan na parang sa sinehan.

Dance Central? Yung nilaro namin ni Warren kanina sa Timezone? Napangiwi ako. Pagod na ako, eh. Pero nakakahiya namang tanggihan ang bata. Mukha pa naman itong excited.
  
"Not today, Wayne. Pagod ang tita Claire mo. Let's just watch movies na lang." ani Warren na ipinagpasalamat ko.

"Hmm.." Natahimik ito ng ilang minuto, mukhang nag-iisip ng sagot para sa quiz sa math sa sobrang kunot ng noo. Napansin kong ngumiti si Warren mula sa gilid ng aking mga mata.

"Let's just go outside na lang po! Let's go to church po! Then let's eat chickenjoy po!" saad niya kapagkwan.

Tumingin si Warren sa akin na nagtatanong kung ayos lang ba sa akin. Tumango ako.

"Okay, Spidey."

"Yehey!" Tumalon-talon pa si Wayne sa tuwa. "But you have to promise po tita Claire that you'll dance with me one day, okay?" hirit nito.

Ngumiti ako, kahit hindi ko alam kung may kasunod pa itong pagbabantay ko sa kanya. Hindi ko lang kasi kayang tanggihan ang mga mata niyang nakikiusap. "Promise."

"Yes!" Kinuha niya ang kamay ko at kumapit sa akin. "Let's go na po." sabi niya at hinila na naman ako pababa.

"Wait lang po pala." Tumakbo siya pabalik at hinila sa kamay ang tito niyang nananahimik sa pagsunod sa amin. Hinawakan niya ulit ang kamay ko ng magkapantay na kaming tatlo sa paglalakad.

"Kayo po muna ang mommy at daddy ko habang wala pa sila." humahagikgik na sabi nito.

Nagkatinginan kami ni Warren. Ang mga mata niya'y blangko, hindi nagpakita ng emosyon. Parang tinatanggihan ang ideya ni Wayne.

Sumimangot ako. Peste ka. Pagbigyan mo naman ang pantasya ko kahit ngayon lang.

"Dear papa God, thank You po for this wonderful day. Today is my mom and dad's monthsary po and I thank You for the long years You gave them to love each other po. Thank You po kasi binigay Niyo po sila sa akin at binigay Niyo po ako sa kanila. Sana po bigyan Niyo po ng maraming patience at love si daddy sa pag-intindi sa mommy ko para hinding-hindi po sila maghiwalay. Dapat po umabot po sila sa one billion anniversary." bulong ni Wayne habang nagdarasal na hindi nakatakas sa pandinig ko dahil katabi ko siyang nakaluhod ngayon sa simbahan. Nakakaaliw talaga.

Huminto na ko sa pagmamasid sa kanya at nagdasal na rin.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon