XXIII

259K 4.2K 70
                                    

Chapter Twenty-Three

 
Nagising ako sa malakas na pagtunog ng alarm sa cellphone ko. It's now 4:30. Sobrang aga kumpara sa dati kong gising na alas sais.

Sinasakripisyo ko yung tulog ko para lang makaiwas kay Warren. Hindi ko alam kung paano ko dapat siyang pakitunguhan. Lalo na ngayong alam ko na yung nangyari, ngayong alam ko na na hindi pala ako dapat magalit sa kanya.

Marahan akong bumangon para hindi magising si Mama. Tinungo ko ang pintong kumukunekta sa kwarto ko dahil nandoon ang bathroom. Naghilamos lang ako saglit bago bumaba para magluto ng almusal.

Napatda ako ng makita ko si Warren, half-naked at may hawak na spatula sa isang kamay.

Halata ang pagkahubog ng katawan niya kahit nakatalikod. His biceps, triceps, back muscles and his glorious ass. Napapikit ako sa kung anu-anong ideyang pumapasok sa isip ko.

"Good morning!" bati niya na ikinapula ng pisngi ko. Napansin kaya niya ang ginawa kong pagtitig sa katawan niya?

"Good morning. Aga mo, ah?" I tried to calm the erratic beating of my heart.

How long am I married to this man?

Ngumisi siya."Just sit down and wait, baby." Muwestra niya sa upuan sa dinning table. "I'm almost done."

Tumango ako bago naglakad para makaupo. Narinig ko pa ang paghalakhak niya bago tumalikod para harapin ang niluluto niya.

"Anong oras ka nagising?" usisa ko habang tinutulungan siyang maghain.

"Four, I think?"

Tumaas ang kilay ko. "Buti nakabangon ka?"

Tumawa siya. "Syempre. I couldn't let you drive again." Bigla siyang nagseryoso.

Nakagat ko ang ibaba kong labi sa kaba. Parang alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Baka takot siyang mangyari ulit yung aksidente kaya sobrang pursigido siyang magsabay kami sa pagpasok lagi.

"You're biting your lip again." aniya sa malamig na boses.

Ngumiwi ako. "Bakit?"

Umiling siya. "Let's eat."

"Sige."

Nakakabinging katahimikan ang namagitan samin habang kumakain.

Pati nang nasa sasakyan na kami at papunta na sa trabaho. He's back to his cold self.

Napalabi ako at nag-isip na lang ng ibang bagay na misteryo sa akin. Naglakbay yung isip ko sa edad ko. Ilang taon na kaya ako ngayon? 24? 25? Sa isip ko ay twenty pa lang ako. Turning twenty-one actually.

Paano ko nalaman? 'Di ko alam, basta yun lang ang naaalala ko. Kaka-graduate ko pa lang ng college at yun nga, nagbalik na si Warren mula sa New York. Kung gano'n parang inuulit lang yung nangyari sa nakaraan na hindi ko maalala ngayon?

Bumalik si Warren, naayos namin yung nasira naming relasyon dahil sa maling akala niya. So, ibig sabihin, mahigit tatlong taon na pala naming naayos 'yon at naulit na lang ngayon dahil hindi ko maalala? Oo, malamang gano'n nga kasi kasal na kami, 'di ba?

Grabe. Habang tumatagal, dumarami yung katanungan sa isip ko.

Naputol yung pagso-solve ko ng puzzle sa isip ko nang magsalita si Warren.

"Mary Claire."

"Hmm?"
.

"If someone you love betrayed you, hurt you.. Do you think you'll find forgiveness in your heart?" aniya sa malungkot at malamig na boses.

Tumikhim ako. Eto na ba yun? Sasabihin na kaya niya yung mga tinago nila sa akin?

"If I love him or her enough, of course, I will."

Pero depende pa rin sa atraso niya sa akin. Hindi naman ako ganun kabait. Sinabi ko lang yun para alam mong mapapatawad kita kaya umamin ka na!

Gusto kong idugtong pero hindi ko ginawa dahil ayoko pang malaman niya na alam ko na ang totoo.

"Can we not head straight home later? I wanna show you something."

"Saan ba?"

"You'll find out later."

Napasimangot ako sa akto niya. Ang lamig, eh. Nakakainis. Kung kailan handa na 'kong ayusin ang pagtrato sa kanya at hindi na siya iwasan pa, siya naman 'tong nanlalamig.

"Bakit ba ang sungit mo?" Pagsasa-boses ko sa himutok ko.

Bumuntong-hininga siya. "I love you, okay? Always remember that."

Namula ako. Biglang ganito?

"I-I love you, too."

Ngumisi siya. "You forgot to give me my morning kisses."

Namula pa lalo ang pisngi ko. "Nandito na tayo."

Humarap siya sakin nang nai-park niya na ng maayos yung sasakyan niya. "So?" Nakataas yung sulok ng kanyang labi. Halatang pinipigilan ang ngiti.
 

"Tara na." Tinanggal ko yung seatbelt ko.

"That's not an excuse." Hinawakan niya yung kamay ko nang akmang bubuksan ko na yung pintuan ng sasakyan.

"Ha?" pagmamaang-maangan ko. Binabawi ko na pala. Mas gusto ko yung cold siya kaysa yung mapaglaro.

"What? Dapat masanay ka na. We'll do a lot more than just kissing now." Patuloy niyang paglalaro kaya sinapak ko na.

Humalakhak siya. "Pikon ka talaga."

Inirapan ko siya bago lumabas ng kanyang sasakyan. Tuloy-tuloy akong pumasok ng building.

"Mary Claire!" sigaw niya. Napailing na lang ako sa kahihiyan.

"Good morning, ma'am Claire." Bati ni mang Karding.

Nginitian ko siya. "Good morrning din po."

"Tinatawag po kayo ni sir Warren." Lingon niya sa bakulaw na naglalakad na parang model.

"Hindi po. Mauuna na po ako manong." Tinuloy ko ang paglalakad patungo sa elevator.

"Baby, yung kiss ko!" Narinig kong sigaw ni Warren bago ako pumasok sa elevator. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa kahihiyan. Buti na lang at maaga pa, sana si mang Karding lang ang nakarinig no'n.

Agad kong pinindot ang close button para hindi ko na siya makasabay pero kung minamalas ka nga naman, nahabol ng kamay niya ang pagsara ng elevator. Bumukas itong muli dahil sa sensor ng elevator at napairap na lang ako sa ngisi-ngising bakulaw na pumasok.

"Akala mo makakatakas ka, ah?"

"Tumigil ka nga!"

"Bakit? Ilang beses naman na tayong nag-kiss, ah? Hindi nga lang kiss ang nagawa na natin, eh!"

Hinampas ko siya sa inis. "Yung bibig mo nga! Ang ingay mo! Baka may makarinig!"

"Naiingayan ka? Patahimikin mo ako kung gano'n." Ngumisi siya bago umisod papalapit sakin. Napadikit na ko sa glass wall ng elevator kakaatras.

"Ano ba? May cctv dito!"

"So?" Napalunok ako sa kaba nang ikinulong niya ko sa pagitan ng dalawang braso niya. Napapikit na lang ako ng unti-unti siyang yumuko papalapit sa akin. Isa,dalawa.. tatlo.. dalawa..

Kumunot ang noo ko. Bakit ang tagal? Minulat ko yung mga mata ko at napanganga nang natagpuan ko siyang nakatayo sa gitna ng nakabukas na pintuan ng elevator at ngisi-ngising nakatingin sa akin.

Tinignan ko ang floor indicator at napagtantong narating na pala namin ang floor kung nasaan ang office ni Warren.

"Anong ginagawa mo? Bakit ka nakapikit kanina?" Pang-aasar niya.

"Tabi nga!" Inirapan ko siya bago ako nagmamadaling naglakad papasok sa office.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon