XXI

260K 4.4K 112
                                    

Chapter Twenty-One

 
"Obviously, Warren hasn't told you yet. Just like what you were pleading about earlier, I've offered him that."

"Really?"  duda ko. Ang bait naman ni Cedric para mag-offer ng tulong nag walang hinihinging kapalit. And to think na siya pa ang kusang nag-offer nun. Walang nakiusap, walang namilit.

Tumawa siya. "Why the doubt? Do I look like a selfish tycoon to you?"

"No. Hindi naman kaya lang, pa'no yung business plans mo rito? You seriously don't want our help?"

"Does our company look like helpless to you?" pagmamayabang niya.

Umismid ako. "No. But you sure don't want anything in return?"

  
"You wouldn't give it to me anyway." pang-aasar na naman niya na ginantihan ko lang ng irap. "Don't worry, wala naman kaming planong magtayo ng business dito kaya 'di ka dapat makonsensiya sa pagwasak mo sa puso ko." Humalakhak siya.

'Di ko pinansin yung biro niya. "Bakit ba ayaw niyo?"

"My father doesn't want to. Eversince he and my mother had a relationship, money has always been an issue. Some says he pursued my mom so he could end up married to her and finally so he could establish a business here, and some says my mom wants my dad just because of his money. You know, the usual issue between a Chinese businessman and a star-crossed Filipino woman. To cut the story short, my dad did not want to expand our business here to prove his love to my mom."

"How sweet." Inirapan ko siya. "So kahit pala pumayag ako na pakasalan ka-- na kahit kailan hindi mangyayari, wala rin palang maidudulot 'yon? Ang lakas talaga ng trip mo eh, 'no?"

Humalakhak siya. "Bumawi naman ako, ah? Feeling ko nga, anghel ako dahil sa in-offer ko, eh."

"Anghel na may sungay oo." sabi ko sabay irap. "Ano na'ng nangyari sa offer mo?"

Ngumisi siya. "He turned it down."

"Ano? Sinabi niya ba yung dahilan kung bakit?" Ano'ng problema ni Warren? Nasisiraan na ba siya?

"No, but I have a hunch."

"Ano naman yun?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. Nagtanong pa rin ako kahit feeling ko kalokohan lang rin yung isasagot niya.

"You know your husband is quite possesive, right?"

Umingos ako. "Hindi naman."

Tumawa siya. "He is, I know. I'm a man too, I can feel it. He turned down my offer because he's afraid we'll have more time together as we plan for L Corp's expansion in China, and that you might fall for me."

Tumawa ako ng pagak. "Joke 'yon, alam ko."

"Of course not! Minamaliit mo ba ang kagwapuhan ko? Tignan mo, wala pang isang linggong magkakatrabaho tayo, magpa-file ka na ng annulment sa asawa mo."

Imposible. Kahit makasama ko pa sa loob ng isang taon ang pinakaperpektong lalaki sa mundo, duda akong mawawala yung pagmamahal ko kay Warren.

"Wala na bang mas seseryoso pa d'yan?"

"Meron naman. I think we're match made in heaven and Warren's pretty much jealous because you two don't match at all. He has so many reasons to be insecure in your relationship kung itatapat mo 'ko sa kanya."

"I really think I should go. Sobrang hangin na kasi dito baka kung saan pa 'ko tangayin." nang-iinis kong saad.

"I love you too, babe. Ang sweet mo talaga!" Kinurot niya ko sa pisngi.

Hinawi ko yung kamay niya sabay hampas ng marahan doon. May sapak na yata 'to sa ulo eh? "Ano ba Cedric, umayos ka nga!"

"I'll miss you too. Call me when you get home, alright? Bye, sweetie!" tuloy-tuloy niyang sabi at bigla nalang akong iniwan.

Napano yun? Bakit kung anu-ano na lang yung lumalabas sa bibig niya?

Napasimangot ako nang naisip kong hindi ko pa pala siya natatanong ng ibang bagay tungkol sa amnesia ko.

"Disappointed he left too soon, aren't we?" Halos mapatalon ako sa gulat nang narinig ko ang malamig at baritonong boses na 'yon. 

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, basta ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.

"What are you doing with that jerk?" Balewala niya sa tanong ko.

Inirapan ko siya. "Kanina ka pa d'yan?"

"And why did he tell you 'I love you too' and 'I'll miss you too'? Did you tell that asshole you love him and you'll miss him?"

Napasinghap ako sa sobrang intense ng tingin niya. Nanlalambot yung tuhod ko sa kaba. Kahit na siya dapat 'tong kabahan dahil siya ang may atraso sa akin!

"Ano bang problema mo?" Sige lang, magsagutan lang tayo ng tanong ng isa pang tanong.

"And let's not forget about that 'call me when you get home'. You have his number? Are you two exchaging calls and texts behind my back?" aniya sa nanlilisik na mata.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. "Bakit ba ganyan yung tono mo? Pinagbibintangan mo ba akong nanloloko?" sabi ko sa tonong katulad ng sa kanya.

Tumahimik siya kaya sa tingin ko, oo ang sagot dun.

"Ever heard of, 'what you think of others is what you really are'? A player thinks everybody plays, a cheater thinks everybody cheats, a liar thinks everybody lies." makahulugan kong sabi bago ako umalis at nagtungo sa carpark kung saan nakapark ang kotse ko.

Lintik ka Warren! Binabaliktad mo pa yung sitwasyon, ah!

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon