XVI

289K 5.3K 151
                                    

Chapter Sixteen
 
 
Joke lang. Wala akong lakas ng loob para halikan siya, nakatunganga lang ako sa kanya pagkababa namin ng ride. Ang laki ng ngisi ng mokong.

"Wala ka bang gustong itanong sa akin?" aniya nang nag-iikot-ikot kami sa park. Wala kaming imikan.

Ang dami kong gustong itanong, yung tipong sa sobrang dami parang hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Parang mas gusto ko na lang 'wag magtanong kasi 'pag nasagutan ang isa, may follow-up pa na kasunod. Lalong dadami.

Umiling ako sa tanong niya. Bahala siya. Kung mahal niya talaga ako, siya dapat ang gumawa ng paraan.

"Wala ka talagang itatanong?" tanong niya ulit.

"Wala nga!"

Ngumuso siya. "Sungit."

"Wala ka ng gustong sakyan? Uuwi na tayo?"

So wala talaga siyang balak kumilos? Wow ha! Ang gwapo ng lolo niyo.

"Wala na. Tara na, uwi na tayo." Nauna na akong maglakad.

Lintik to. Nirentahan pa ang buong Enchanted Kingdom, eh dalawang rides lang naman ang sasakyan namin. Akala ko pa romantic date!

"Mary Claire, wait!" Narinig kong tawag niya sakin pero nagpatuloy ako sa drama ko.

"Hey, wait! I wanna ride the Ferris Wheel!" aniya nang naabutan niya ako.

"Edi sumakay kang mag-isa! Hihintayin na lang kita sa kotse." sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"What? Akala ko ba gusto mo kanina?" Hatak na naman.

"Wala na 'ko sa mood!" saad ko sabay hatak ng kamay ko.

"You and your mood swings, baby. Common! Last na 'to." Hatak ulit.

"Fine!" sumusukong saad ko. Wala naman akong panalo sa kanya sa hatakan eh.

"Yes!" Narinig ko pang sinabi niya na hindi ko na lang pinansin.

"I wanna tell you something." usal ni Warren nang nakasakay na kami sa ride. Hindi ko siya pinansin, nakatutok lang ang mga mata ko sa madilim na langit.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Approxinately four years ago, I promised someone forever.." simula niya sa sasabihin niya na nakuha ang atensyon ko.

Nagpatuloy ako sa pagbalewala sa kanya pero tutok na tutok ang tenga ko sa pakikinig habang mabagal na umuusad ang wheel.

"Before I went to States, I promised her I'll marry her once I get back. I just did, and no marriage happened. Why?" Doon na ako napalingon sa kanya. Eto na yung parteng magbibigay kasagutan sa mga tanong ko.

Nginitian niya ko, yung ngiting hindi umaabot sa mga mata.

"Three year ago before I came back, ten months after I went to States, I came back for her." Patuloy niya na ikinakunot ng noo ko.

Sinungaling! Hindi ka bumalik! Gusto kong sabihin pero hinayaan ko siyang magpatuloy.

"Pinangako kong panonoorin ko siyang mag-march sa graduation niya kaya bumalik ako. I wanted to surprise her. We've been communicating through snail mails and phone calls pero iba pa rin yung nakikita ko siya, yung nayayakap ko siya. I was so excited then, I did not tell anyone, not even my mom. Pinag-ipunan ko pa yung pamasahe ko pati yung regalo ko sa kanya na hindi ko man lang naibigay. I guess I was too late. She was only on her junior year when I told her I love her, hindi niya siguro sineryoso yung mga sinabi ko." malungkot na usal niya.

"What are you saying? Sineryoso ko yun! Inasahan ko yun! Ikaw 'tong hindi seryoso! You weren't there Warren! Hindi kita nakita!" akusa ko sa kanya.

"Hindi mo talaga ako makikita kasi hindi ako nagpakita. And you know why? It's because I saw you with another guy! Walang oras na naghiwalay kayo! At first, I was trying to be open-minded. Maybe, he's just her friend, that was what I keep thinking. But no, Mary Claire! You don't kiss your friends!" mataas ang boses na sabi niya pero hindi naman nangbibintang, mas nangingibabaw ang lungkot. Hindi rin niya ako tinitignan na parang pumatay ako ng tao, nakatingin lang siya sa kawalan.

Nagsasabi ba siya ng totoo? Wala akong maalalang ganoong incident. Wala akong ibang minahal kundi siya lang. Wala akong ibang nakarelasyon. Wala akong ibang nakahalikan kundi.. si Richard?! Napanganga ako sa gulat.

Si Richard ay kakambal ni Rachel na malapit kong kaibigan noong highschool. Kung girl besfriend ko si Rachel, si Richard naman ang guy friend ko. Pero hindi kami naghahalikan ni Richard noong graduation! Hinalikan niya ako!

"After that kissing incident, I still stayed. Pinanood ko pa rin siyang umakyat ng stage para kunin yung diploma niya kahit gustong-gusto ko ng umalis pabalik ng New York that time. Tapos ko siyang panoorin, umalis na ako. Nasa labas na 'ko ng school nang naisip ko na hindi ko pa naririnig ang paliwanag niya. So I went back and she was nowhere to be found. I asked her friend, Rachel, where she is and you know what she told me? That she went out for lunch with her boyfriend's parents."

Kumunot ang noo ko. Si Rachel? Kaibigan ko iyon, hindi niya ako sisiraan. At sinong boyfriend ko ang sinasabi niya? Si Richard? Eh si tito Winston at.. "Wait! Parents mo yung kasama kong naglunch no'n, okay? Si mama, si tito Winston at si tita Cecile ang kasama ko noon."

"Really?" walang-emosyon saad niya. Hindi pa rin niya ako tinitignan.

"Teka nga," sabi ko sabay hawak ng pisngi niya para itutok ko sa sarili ko ang tingin niya. "Bakit hindi mo ko tinanong? Hindi mo man lang ako kinausap! Sinusulatan pa rin kita kahit wala na akong natatanggap na sulat galing sayo! Pinag-iipunan ko pa yung load na ipinantatawag ko sayo no'n dahil mahal ang roaming call pero hindi mo sinasagot! Mukha bang nanloloko ako no'n?"

"I don't know! Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magtiwala sayo noon." He looked puzzled and lost.

Humugot ako nang malalim na hininga kasabay ng pag-iwas ko ng tingin. "Eh, bakit ngayon?"

Silence took control of the atmosphere as I watched the world from up here. Nakakabingi ang katahimikan hanggang sa may tuluyang bumasag niyon.

"Mahal pa rin kita."

Napatda ako. Hindi ko alam kung bunga lang iyon ng imahinasyon ko o totoo talaga ang narinig ko.

Binalik ko ang tingin ko sa kanya. His brooding eyes met mine. "I still love you, Mary Claire. It has always been you. Always."

I felt my heart pounding erratically as I melted against his stare. I feel like I was still the adolescent Mary Claire who is foolishly in love with this boy.

Hindi ba, gano'n pa rin naman? Wala naman talagang nagbago. I grew older yet my feelings for him remained.

Naputol ang pag-iisip ko ng ingay mula sa pagputok. I looked away and multicolored fireworks greeted me.

Different patterns, alternating colors of exploding lights, night sky along with the moon and the stars.. plus this guy's timing. Wow. This was too perfect to be real.

I suddenly felt his warm touch against my hand and I knew then that I wasn 't just imagining things. These were all real and would be forever imprinted in my soul.

"I know I've been a total jerk for letting you go, but can you please take a chance on me again? I will never ever let go this time."

Nakagat ko ang labi ko bago nag-alis ng tingin mula sa langit at hinarap si Warren. He looked hopeful and uncertain. I am too, but I gave myself away.

Nakangiting tumango ako sa kanya. He gave me a heart stopping smile before I felt him pull me in for a kiss.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon