XXV

274K 4.8K 282
                                    

Chapter Twenty-Five 
  

Kinamot ko yung ilong ko dahil may maliit na bagay na tumatama roon, parang dinudutdot. Paulit-ulit, nakakakiliti. Tumigil lang ang kiliti saglit pero maya-maya, meron na naman. Iminulat ko ang mga mata ko para tignan kung ano ang nang-iistorbo sa pagtulog ko.

Napuyat kaya ako kagabi!

Bumungad sa paningin ko ang isang bata sa tabi ko pero nakatalikod sa aking direksyon. Nakaharap siya sa pinto, na sinundan ko naman ng tingin. Nakatayo roon si Warren na magkasalubong ang dalawang kilay.

"Stop it, Wayne! You'll wake her up!"

Si Wayne?

Binalik ko ang tingin ko kay Wayne na ngayon ay nakataas ang dalawang kamay, parang kriminal na nahuli ng pulis. "I did not do anything!"

Hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti ko. So ito pala ang salarin na umistorbo sa pagtulog ko?

"Stop lying, I saw you!"

"What? I was just touching her nose!"

"Exactly why I'm mad! I told you not to wake her up!"

"It was not my intention!"

"H-hi. Good morning?" Pagitan ko bago pa man lumala ang sagutan nila.

Biglang nagsiliparan ang tingin nilang dalawa sa akin. Nakakailang.

"Hi po! Good morning!" Bati ni Wayne. Nanlalaki ang mata niya sa tuwa, pero dagli rin 'yong napalitan ng pag-aalinlangan. "Sabi ni Daddy, he told you about me na raw po."
Tumango ako kahit hindi pa man nilinaw sakin ni Warren ang mga bagay-bagay. Ang sinabi niya lang kagabi, may anak na kami, 'wag na daw akong magtanong kung sino dahil makikita ko rin naman siya bukas. Ngayon, hindi na mahirap hulaan na si Wayne ang anak namin.

Bakit nga ba hindi ko agad napansin, eh carbon copy ni Warren si Wayne? Mula sa kulay tsokolateng mga mata at buhok, mapupulang labi, hugis ng mukha, pati yung kutis. Lahat, nakuha niya mula kay Warren! Yung maliit na ilong ko lang yata yung namana niya sakin.

"Can I call you mommy again?" aniya sa papahinang boses. "I hate calling you tita." Lumabi siya.

Nginitian ko siya sa kabila ng pag-iinit ng mata ko. Naninibago ako sa mga pangyayari, nalulungkot at natutuwa.

Paano nakaya ni Wayne ang magulo naming sitwasyon? Na hindi ko siya maalala? Na hindi ko siya kilala? Na kailangan niya akong tawaging tita imbes na mommy?

Noong naaksidente ako, ano kaya ang naging reaksyon niya? Nung na-comma ako? Halos isang taon din akong wala sa tabi niya. Isang taon kong hindi nasubaybayan ang paglaki niya at ngayon, ni hindi ko siya maalala..

"Come here, b-baby." Ibinuka ko ang dalawa kong kamay at ipinaloob ko siya sa isang mahigpit na yakap.

"I thought you're not gonna wake up again.. I miss you so much, 'my." Hagulgol ni Wayne habang nakasubsob sa leeg ko.

"Hush now, okay? Mommy's here. She won't leave you again." malambing kong pag-alo sa kanya. Mula kay Wayne ay umakyat ang tingin ko sa lalaking prenteng nakasandal sa hamba ng pinto at matamang nakatingin sa amin ni Wayne.

Tinaasaan niya 'ko ng kilay habang nakataas ang sulok ng kanyang labi, halatang nagpipigil ng ngiti.

"Come here." I mouthed.

Umiiling-iling siya habang nakangising naglalakad papunta sa kama.

"Good thing I've dressed you already before this little rascal came." bulong niya sa akin nang nakiyakap siya sa amin ni Wayne. Kumunot ang noo ko bago ako yumuko para tignan kung ano ang isinuot niya sa aking damit. Agad namula yung pisngi ko. Yung white button-down shirt at checkered boxer shorts niya lang ang suot ko.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon