V

431K 7.7K 762
                                    

Chapter Five


Namalayan ko na lang na sumusunod na ang mga paa ko sa kanyang paghakbang. Ramdam ko ang tensyon at kaba sa kanyang mga mata. Ang kanyang mga kamay ay nakaalalay sa akin habang humahakbang siya paharap habang ang mga hakbang ko naman ay patalikod dahil magkaharap kami.

"W-warren." usal ko nang nauutal.

Ito na ba yun? Ito na ba ang parte kung saan isusuko ko ang sarili ko sa kanya? Parang ang bilis naman? Ilang araw pa lang bago siya nakabalik ng bansa at hindi pa klaro ang relasyon namin, bakit ganito na agad? At makakatanggi ba ko?

"Hmm," maikli niyang sagot habang kagat-kagat niya ang kanyang ibabang labi.

Shit! Hindi ko yata kayang tumanggi!

Namalayan ko na lamang na tumigil siya sa paghakbang, napahinto rin ako. Marahan niya akong ginabayan sa pag-upo habang siya ay nanatiling nakatayo. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

"Ako na lang ang magluluto, umupo ka na lang diyan. Sipsipin mo 'yang sugat mo para tumigil sa pagdurugo." sabi niya bago ako iniwan at nagtungo sa kusina.

'Yon na 'yon?

Napalunok ako bago tinignan ang sugat kong may dugo na namang umaampat. Paano ko 'to sisipsipin eh nasayaran na ito ng labi niya.

Napakagat ako sa aking ibabang labi at nagdesisyong hayaan na lang ang pagdurugo.

"Masarap ba?" tanong ni Warren habang nakatinggin sa akin na para bang hahatulan ko siya ng kamatayan.

Tumango ako at bukal 'yon sa kalooban ko. "Sino ka at bakit mo sinapian si Warren?" pagbibiro ko.

"Weh," parang batang saad niya. "Ang galing ko, 'no? Hindi lang yan ang kaya kong lutuin." pagmamayabang niya.

"Natuto ka sa New York?" tanong ko bago sumubo ng kanin.

"Hindi, tinuruan--- I mean yes, I lived alone so I had to learn how to cook or I'd be eating canned goods and noodles for the rest of my stay there."

Tumango-tango ako. Iniisip ko kung paano siya sa umpisa nag-aral magluto. Noong mga panahon kasi na magkasama kami sa iisang bahay at sinubukan niyang ipagluto ang mama niya noong birthday nito ay parang dinaanan ng apoy ang kusina sa sobrang kalat at usok. Nagalit lang si tita Cecile sa kanya imbes na natuwa. Napabuhanglit ako ng tawa sa pag-alala.

"What are you laughing at?" takang tanong ni Warren.

Umiling ako habang patuloy sa mahinang pagtawa. "Hindi ko ma-imagine ang mga unang beses mong pag-aaral sa pagluluto."

Napataas siya ng kilay. "You don't have to imagine, just remember.." makahulugan niyang sabi na nagpakunot ng noo ko.

"Ano?"

"Wala, kumain ka ng mabuti. Ang payat-payat mo na."

"Okay." Umirap ko.

"Dito na lang kaya tayo matulog? It's Saturday tomorrow, it's your off right?" saad niya habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan. Nasa gilid ko siya at nagpupunas ng mga natapos ko nang hugasan.

Npatigil ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya. "Bakit? Hindi pwede, magtataka sila mama at tita."

"I'll just call them later." balewalang saad niya.

Napalunok ako. Kaming dalawa lang? Oo, nakasama ko na siyang matulog sa iisang bahay, sa iisang kwarto, sa iisang kama pero noon pa 'yon. Noong mga bata pa lang kami at wala pang malisya sa katawan. Iba na ngayon, nakakailang na kahit na sabihin pang hiwalay kami ng tutulugan.

"Hindi na, uwi na lang tayo." sabi ko habang nagpupunas ng kamay.

"Please Mary Claire, I'm so damn tired. I just want to lay in bed and sleep." hirit ni Warren.

"Ako na ang mag-dadrive, matulog ka na lang sa kotse." tanggi ko pa rin.

"Have mercy on me baby, please?" Pagmamakaawa na niya.

Bumuntong-hininga ako bago tumango ng marahan. "Fine."

Naglakad ako patungo sa maliit kong kwarto. Binuksan ko ang pinto at ilaw. "Isa lang ang kwarto dito. Ikaw na diyan sa kama, sa sofa na lang ako." sabi ko nang naramdaman ko ang pagsunod niya sakin.

"No way! Ako na lang sa sofa, diyan ka sa kama mo." protesta niya.

"Pero hindi ka kasya 'don! Ako na lang doon. Sige na magpahinga ka na."

"No. Let's not argue about this please. I'll sleep on the couch, you'll sleep on the bed," saad niya habang nagkakamot sa batok na parang nahihirapang magpaintindi ng kung ano.

"Doon na lang tayo sa kama." sabi ko bago ko pa man mapigilan ang bibig ko nang makita ko siyang tumalikod na at pahakbang na patungo sa sala.

Humarap siya ng nakangisi. "Okay. Unlike you, madali ako kausap."

Nauna na siyang maglakad papasok, binuksan niya na rin ang aircon. Wala na akong magagawa para bawiin ang sinabi ko kaya sumunod na ako.

"May oversized-shirts ako diyan. Pwede ka munang maligo kung gusto mo." usal ko nang makita kong humiga na siya agad sa kanang bahagi ng kama.

"Hindi na, mabango naman ako," aniya sabay tawa.

"Okay." Umirap ako.

Gusto ko sanang maligo dahil ang init ng pakiramdam ko dahil sa maghapong pagtatrabaho pero nakakailang.

"Ano pang ginagawa mo diyan? Tulog na tayo." sabi niya habang nakangisi.

Inirapan ko siya bago naglakad ng marahan patungo sa kama. Umupo ako sa kaliwang bahagi bago nahiga. Tumagilid ako ng higa pakaliwa para hindi kami magkaharap dahil nakatagilid rin siya sa ganoong direksyon.

"Hindi mo ba 'ko yayakapin? Just like the old times? You used to cling to me like there's a monster under the bed whenever we sleep beside each other before." tuya niya na ikinapula ng pisngi ko. Buti na lang at hindi niya nakikita ang mukha ko.

"Shut up," saad ko ng tumawa siya na tila nang-aasar.

"Shut me up with your lips." bulong niya na umabot sa aking pandinig.

Nang-aasar lang siya. Hindi siya seryoso, wag mo seryosohin. Paalala ko sa sarili ko nang nagsimulang umusbong ang pag-asa sa aking puso.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon