15

245 6 0
                                    

15

My condo was a mess. Kahit saan ka tumingin ay may mga kahon. I don't mind that I can't understand what's happening in my place anymore. 'Di ko na alam kung nasaan ang mga gamit ko minsan. Pero it was a relief to watch the condo getting wrapped up.

4 p.m. and I decided to take a shower. Nang magbihis na ay nakatanggap ako ng text galing sa kapatid ko.

Ate Therese: 5pm ok??? Do not be late! Di ako kakain pag wala ka

Unfortunately, it was the monthly dinner with my family. If only I could say no. Pero ang rude naman kung ganun. Even if they were terrible to me, I'll still be a daughter to them.

Me: Yeah. I'm almost ready

I wore a simple white dress and brown flats. Inilagay ko na rin ang mga gamit sa purse at kinuha ang susi ng sasakyan bago lumabas ng condo.

Pagdating ko sa bahay, wala pa ang kotse ni Ate sa garahe. Kaya imbis na pumasok sa loob ng bahay, umikot ako papunta sa backyard. Binati ako ng ilang mga kasambahay. I greeted them back.

"Nanay Flor!" I called.

One of my favorite people turned around and smiled when she saw me.

"Trinity, anak!"

Lumapit ako sa kanya at sinalubong siya ng yakap. Niyakap niya rin ako pabalik. It's just a hug but it brought so many memories—my childhood, innocence, being dependent.

Now, being an adult, I just want to feel that feeling again. But I am over that. 'Di ko na maibabalik ang panahon.

"Kararating mo lang ba? Ba't dito ka dumaan?" tanong ni Nanay Flor nang kumalas siya sa yakap ko.

"Kasi ayoko na munang pumasok. Wala pa kasi si Ate."

"Naku, kausapin mo na muna ang mga magulang mo sa loob."

Umiling ako. "Mamaya na lang."

Bumuntong-hininga si Nanay Flor. Her wrinkles indicate that she's aging. My heart ached for that.

"Alam mo ba na namimiss ka ng mga magulang mo?" aniya.

"We work in the same company, Nanay. Kahit hindi kami nagkakausap ay nasa isang lugar lang kami."

"Pero trabaho kasi 'yun."

But I am not their favorite. Si Ate Therese ang hinahanap. But those thoughts remained in my head. Alam naman naming dalawa iyon at 'di na kailangan pang hanapan ng mga salita.

Ayaw ko lang talagang sabihin kasi alam ko na ayaw ni Nanay Flor.

"Anak, alam mo ba na uuwi ako ng probinsya sa susunod na buwan?"

"Talaga po?" tugon ko. "Edi mabuti rin 'yun. Kailangan mo ring magbakasyon, Nay."

Ngumiti siya sa 'kin at tila ba naluluha. Her eyes told me everything.

"Hindi ka magbabakasyon," I said more like a statement than a question.

"Hindi, Trinity. Uuwi na ako sa amin. Naisip ko na panahon na rin na umalis na ako. Malalaki na kayo ni Therese. Parang kailan lang..."

Bata pa lang ako ay nagtatrabaho na si Nanay Flor sa amin. She has no husband and kids. Her life was dedicated to us. Kahit hindi man sabihin nina Mom at Dad, alam ko na parte na siya ng pamilya namin.

Hearing this from her hurts. Gusto ko man na huwag siyang umalis, alam ko na ito ang gusto niya.

She tucked a hair behind my ear. "Proud na proud ako sa 'yo, Trinity."

The Calm and the StormWhere stories live. Discover now