16

229 7 0
                                    

16

It's moving day!

Maaga akong gumising upang iwasto ang mga kahon. The whole condominium looked empty. Even the paintings on the wall were gone. It reminded me of the day I moved into the place.

It was the first place where I practiced my independency. Mula elementary hanggang college kasi ay sa bahay ako nakatira. My sister and I never lived in a dormitory or a pad. So I became sentimental.

In the middle of my breakfast, a knock came. Nang buksan ang pinto ay nakita ko si Aida na may dalang paper bag.

"Hello!" aniya at pumasok sa bahay.

Dumiretso si Aida sa kusina at inilapag ang mga pagkaing dala mula sa paperbag hanggang sa mesa.

"Akala ko hindi ka na dadating. Kanina pa kita tinetext," sabi ko.

"Lowbat ako. Pa-charge nga."

I went back to my chair and opened the food she brought. Pagkatapos mag-charge ni Aida ay umupo na rin siya sa tapat at nagsimula nang kumain.

"Wala ka bang plato?"

"Wala na," sagot ko. "Naka-impake na lahat."

"Pati kutsara?"

Umiling ako.

"Hay, mabuti na lang at naglagay ng plastic utensils 'yung resto na binilhan ko." Aida looked around the place. "Mamimiss kong tumambay rito."

"Ako rin. This place is where my first salary went."

"Dati wala pa ngang masyadong gamit dito, 'di ba? I remember it was just the sofa and the bed."

Natawa ako. "Oo nga."

"Si Ate Therese ang nag-suggest ng lugar na ito, right?"

"Yep."

"Sa lilipatan mo, siya rin ba ang nag-recommend?"

"Hindi."

She clapped her hands. "Wow! Totoo ngang may himala."

"Ang weird mo," I said and chuckled.

"Ikaw ang weird! Hindi mo tinwagan ang Ate mo tungkol dito?"

"Hindi."

"So hindi niya alam na lilipat ka na?"

"Alam niya... Pero hindi niya alam na ngayon ako lilipat."

She gasped and stood up. "Wow! Totoo nga talaga 'yung self-improvement 'no?"

"Tumigil ka nga diyan, Aida. Finish your food dahil baka dumating na 'yung truck later."

"Nakakapanibago lang. Parang dati ay lagi mong ina-update si Ate Therese tungkol sa mga nangyayari sa buhay mo. Tsaka siya rin minsan nagdedesiyon tungkol sa mga ganitong bagay. Congrats, Trinity. Adult ka na."

I chuckled. "Whatever. Bilisan na nating kumain."

Aida talked about the changes more. I just nodded even though I was occupied. Tama siya. Si Ate ang palagi kong tinatakbuhan pagdating sa mga desisyon ko sa buhay. In cases like moving out, she should be the first to know.

I get it that we became each other's company because we grew up without our parents always on our side.

Kaya naman nakakapanibago na mag-isang gumagawa ng desisyon.

We were in the middle of stacking the boxes when Jeno Emmanuel came. He was wearing a polo shirt and casual jeans when he went into the house.

"Hi," aniya at hinalikan ang pisngi ko.

The Calm and the StormWhere stories live. Discover now