Curse 2

11 2 0
                                    

CURSE 2

MERLINA POINT OF VIEW
NAGISING nalang ako at nagulat ako nung tiningnan ko kung anong oras na sa phone ko!

8 o'clock A.M na!!!!!

Agad ako napabangon sa kama ko at nakita ko na wala na si Sophie sa kama niya.

Siguro nauna na siya na pumasok.

Pero bat di niya ako ginising?

Dali-dali naman ako pumunta sa bathroom para maligo.

Pinaandar ko ang shower at kinuskos ang balat ko gamit ang sabon.

Nilagyan ko naman ng shampoo ang ulo ko.

Mabilis akong matapos maligo kasi nagmamadali na ako!

Di na ako kumain at dumiretso nalang ako sa closet at kinuha ang uniform ko at black palda ko at sinuot ito.

Sinuot ko narin ang shoes ko at lumabas na ng dorm.

Takbo ako nang takbo habang pababa sa hagdanan kasi baka malate ako.

No. Late na talaga ako!

"Oy bes! Nakita mo ba yung katawan sa swimming pool area?"

Napatingin ako sa dalawang estudyanteng babae na nag-uusap.

"Hindi bes. Narinig kolang. Puntahan natin!" sabi naman ng isang babae.

Lumapit ako sa kanila.

"Umm excuse me. Ano po meron sa swimming pool area?" tanong ko.

Syempre, pinanganak kaya akong chismosa.

"Hindi mo alam?" tanong nung babaeng naka glasses.

Umiling naman ako.

"Alam mo ba na may bangkay ng isang swimmer dun? Ang narinig namin is nagsasanay raw siya ng kahit hating gabi na."

"Alam mo naman siguro na may swimming competition silang sasalihan. Tapos siya ay todo sa pag-ensayo." dagdag pa niya.

Nakinig ako sa kwento ng babaeng naka glasses.

"Tapos ito na nga. Kahit may barrier ang swimming pool area ay inakyat niya ito. Doon siya nag-ensayo."

"Tapos ngayon lang ay natagpuan ang katawan niya sa tubig ng swimming pool. Lumulutang. Nalunod siya siguro."

"Pano niyo nalaman ang detalye." tanong ko.

"Ganito kasi yan. May CCTV dun at nakita sa footage na yung ang nangyari. Kumalat na ito sa buong school. Ang hindi mapaliwanag is pano siya nalunod?"

"Oo nga noh? Kasi swimmer siya kaya marunong siya lumangoy. Hala! Baka may humila sa kanya sa ilalim ng tubig!" kabang sabi nung babae na kaibigan ng babae na nakaglasses.

"Ikaw naman tinatakot mo kami." sita ng nakaglasses sa kaibigan niya.

Napatango nalang ako.

"Osige alis na kami. Titingnan namin yun."

"Sama ako." sabi ko.

At dun na nga ay naglakad na kami papuntang swimming pool area.

Hala!!!!

Totoo nga yung sinabi ni maam na yung sa swimming pool area na multo ay nanlulunod ng mga swimmers!

Nakarating na kami sa pinangyarihan. Sa swimming pool area at dun namin nakita ang ambulance na may katawang dala.

Wala ng buhay ang katawan na yun.

Samantala yung mga guro naman ay nilagyan ng signage sa barrier na bawal dun pumasok.

The Bloody Rain: The Beginning Of The CurseWhere stories live. Discover now