Curse 8

10 1 0
                                    

CURSE 8

KHAMER POINT OF VIEW
MAG fifive o'clock na. Agad naman namin tinawag ang guard ng school at pinapasok namin ang kotse sa loob ng school.

Pinark namin toh sa may bandang basketball court.

Nandon nakita namin ang mga guro na nakahintay.

Bumaba naman kami at binuksan ko ang trunk at tinulungan ako ng guro na buhatin ang bangkay ni Mister Robert.

""Sir Escalante. Nandito rin ang bangkay ni----" napatigil si Merlina sa pagsalita nung biglang nagsalita si Sir Escalante.

"Si Ruffalo. Oo nga! Isa siya sa mga gang. Tulungan niyo ako ibaba siya." tinulungan naman siya ng ibang guro.

Pumasok na sila sa loob ng basketball court at nilibing.

Nagtataka ako.

Bat parang iba ang pakirandam ko.

Bat parang may iba pa kaming kalaban maliban sa kanila?

Kabado ako kasi biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko nung....

I-isang anino ang parang lumala---pit sa akin.

Napaatras naman ako at napatalikod nang bigla-----

May isang babaeng multo ang lumalapit sakin at bigla niya akong sinakal!!!!

"Rrrrr. Tulungan mo kami!!!!"

Biglang nagdilim ang paligid nung bigla niyang hawakan ang ulo ko!

"Tulungan mo kami!!!!!" sigaw niya.

Napatakip ako ng tenga sa sobrang lakas ng sigaw.

"Tinutulungan na namin kayo!" sigaw ko.

"TULUNGAN MO KAMI!!!! DI KAMI MAKAWALA!!!"

"AHHHHH!!!!" sigaw ko.

"KHAMER!" nabalik na ako sa reyalidad nung biglang isigaw ni Sophie ang pangalan ko.

"Khamer ayos kalang ba?" tanong sakin ni Merlina.

"Hindi! Hindi sila makawala!" sigaw ko.

"Sino?!" tanong ni Sophie.

"Sila!"

"Ang ibigsabihin mo ba eh yung mga multo?" tanong sakin ni Merlina.

Napatango ako.

"Pero ginagawa na natin ang lahat para makawala na sila sa school nato."

"Hindi parin sapat." bulong ko.

"Ano?" tanong ni Sophie.

"Wala."

"Mga bata bumalik na kayo sa mga dorm niyo. Malapit na gumabi."

Nagpaalam na ako sa kay Sophie at Merlina.

Pumunta naman ako sa boys dorm.

Naligo muna ako at pagkatapos ay kumain.

Hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi nung babaeng multo sakin.

Humiga ako sa kama ko.

Sobrang raming tanong ang tumatakbo sa isip ko.

Napahikab ako.

Hay inaantok nako!

--------------------
MINULAT ko ang mga mata ko at nagulat ako!

Wala akong saplot!

Ni underwear wala!

Napalaki nalang ang mga mata ko nung may mga babaeng nakamaskara ang gumagapang sakin!

The Bloody Rain: The Beginning Of The CurseWhere stories live. Discover now