Curse 5

8 1 0
                                    

CURSE 5

MERLINA POINT OF VIEW
NANDITO kami sa library sa forth floor.

Ito nalang kasi ang library na available sa building na toh.

Umupo kami at magkaharap kami ni Khamer at magkatabi naman sila ni Sophie.

Kinuha ko ang red na notebook ni Reven sa bag ko at ibinigay ko kay Khamer.

"Ano toh?" tanong niya.

"Basahin mo nalang." maikli kong sabi.

Binuksan niya ang notebook at.....

"Taylor Swift I love You? Taylor Swift pakasal na tayo? Taylor Swift mahal kita? Ano toh?!" galit na tanong ni Khamer.

Bigla nalang ako napatampal ng noo at kinuha ang notebook at hinanap ang sulat sa likod.

"Ayan oh bobo mo naman!"

"Aba malay ko ba na puno pala ng kalokohan ang sumulat sa notebook na toh!" depensa pa niya.

Binasa niya ang sulat at napakunot ang noo niya.

"Ang pangit ng pagkakasulat niya. Pangit nung handwriting ng sumulat nito. Ni diko magets." reklamo niya sakin.

Aba!

Ibang klase rin tong lalaki na toh hah!

Kinuha ko ang notebook at ako na ang nagpaliwanag sa kanya.

"Ganito kasi yun." mahina kong sabi.

"Ano?" tanong niya naman.

Katapat ko nalang siya tapos di pa niya ako marinig.

"Ganito kasi yun." medyo nilakasan ko boses ko.

"Huh?" takang tanong niya.

"GANITO KASI YUN!" sigaw ko.

Nagulat nalang ako ng may ruler na humampas sa table namin!

"SILENCE!" sigaw nang librarian.

Napatikom naman ang bibig naming tatlo.

Mabuti nalang kami lang ang estudyante dito kasi kung may iba ditong estudyante siguro kanina pa kami napahiya.

"Kaya pala hindi mo marinig sinasabi ni bestie ko." agad nilagay ni Sophie ang dalawa niyang kamay sa tenga ni Khamer at may kinuha sa tenga nito.

Pinakita sakin ni Sophie ang nasa kamay niya.

Ear pods?

Kaya pala hindi ako marinig ni Khamer!

Kasi naka ear pods siya!

Lintek na lalaki toh!

"Ano na nga sinasabi mo?"

"Na kailangan natin mapatay ang lahat ng kasapi ng lightning gang na sumugod dito sa school!"

"May alam naba kayo kung sino ang mga kasapi ng gang nato?" tanong ni Khamer.

"Hindi kopa alam kung sino-sino sila. Pero ang alam ko ay lahat ng kasapi nito ay may tattoo sa bandang hita na malapit sa private part nila. Ang hugis ng tattoo nila is Lightning."

Napatango nalang siya.

"Pero sigurado ako na si Sir Reyes ay parte ng gang nato." bulong ko sa kanila.

"Si Sir Reyes!!!!" mahinang sigaw ni Sophie.

Napatango nalang ako.

"Pero bes. So si Sir Reyes ang unang papatayin natin? Labag yun sa batas bes! Ayokong makulong bes!" tarantang sabi naman ni Sophie.

The Bloody Rain: The Beginning Of The CurseWhere stories live. Discover now