Curse 6

9 2 0
                                    

CURSE 6

MERLINA POINT OF VIEW
KLASE na namin ngayon kay Sir Escalante.

Napaupo ako sa chair ko na katabi ng upuan ni Sophie.

Dito naman sa kabilang side ko nakaupo si Khamer.

Wala pa si Sir kaya nagkwentohan muna kaming tatlo.

"Sino nga ulit si Reven?" tanong ni Khamer sa amin.

"Umm yung weird but smart guy diba siya yun? Yung nagbigay sayo ng notebook? Kawawa naman siya noh. Namatay siya sa loob ng library." malungkot na sabi ni Sophie.

"Ok class good morning." napatayo kaming lahat.

Nandito na pala si Sir Escalante.

"Good morning sir!" sabay-sabay naming bati kay sir.

Sinenyasan siya kaming umupo.

"Ok class may bago dibang student. His name is Khamer Castell. Tama ba ang pagkakabigkas ko?"

Napatayo naman si Khamer.

"Yes sir. Ako nga po pala si Khamer Castell."

"Ok you may sit down. So class magpapaquiz lang ako sa inyo. So miss Merlina."

Napatayo ako nung biglang tawagin ni sir ang pangalan ko.

"Yes sir?"

"Ikaw ang magdidistribute ng mga test paper sa mga kaklase mo."

Nasa harapan ang upuan ko kaya inabot sakin ni Sir ang mga test paper at nagsimula na ako magdistribute ng test paper sa mga kaklase ko.

"That's only 50 items. Summative ko yan san inyo this week. I hope makapasa kayong lahat."

Nag-aral ako para sa test nato kaya mapapasa koto.

"Always remember that 40 percent for your performance. 40 percent for your written works. And next week mag-eexam na tayo."

Natapos kona idistribute ang mga test paper kaya bumalik na ako sa upuan ko at kumuha ng papel at nagsimula sumagot.

Ilang minuto lang natapos kona ang test.

Kasabay kong matapos si Khamer at Sophie.

"Ok class. So mag-exchange kayo ng papel ng katabi niyo. Katabi niyo ang magchecheck ng paper niyo. Tapos kayo naman magchecheck ng paper ng katabi niyo."

Nag-exchange na kami ni Sophie at si Khamer naman ay nakipagexchange sa katabi niya.

Nagsimula na ako magcheck.

Infairness 45 over 50 si Sophie.

"Are all of you done class?" so binalik na namin ang paper sa katabi namin.

Nakaperfect score ako.

"Ok class. Sino sa inyo ang nakaperfect score?" tanong ni sir.

Tinaas ko naman kamay ko.

"Ok Merlina. Hay parati nalang. Araw-araw kang perfect score sa lahat ng test."

Nagulat ako ng maghands up si Khamer.

"Oh Khamer nakaperfect ka. Grabe hah. Akala ko si Merlina lang dito ang palaging nakaperfect at star student huh. Mukang may kasama ng star student dito si Merlina huh."

Napangiti naman ako.

Matalino rin pala tong si Khamer.

"Hay dahil sa inyong dalawa naalala ko nalang ang star student ko na si Reven. Sumalangit nawa ang kaluluwa niya."

The Bloody Rain: The Beginning Of The CurseWo Geschichten leben. Entdecke jetzt