Curse 11

8 1 0
                                    

CURSE 11

MERLINA POINT OF VIEW
LUMABAS na kami sa office niya na nakapang nurse na damit.

Hindi naman halata na bangkay ang dala-dala namin kasi tinakapan namin toh ng tela.

Baka kasi makita ng kapatid niya kapag nakasalubong naming siya.

Kami lang nakakakita sa bangkay niya.

Ang mga nurse naman na nadadaan namin dedma lang.

Kasi sa paningin nila parang wheelchair lang ang dala namin.

Tinulak naman namin ang wheelchair hanggang umabot kami sa elevator.

Pinasok namin siya dun at pumasok rin kami sa elevator.

Kami lang dito ni Sophie at Khamer.

Wala ng ibang nurse at doctor dito sa loob ng elevator.

Tinanggal naming ang mga facemask namin at huminga.

"Hay nakahinga narin ako. Ang baho ng facemask na toh. Eww. Siguro gamit na toh." pandidiri ni Sophie.

"Wag kana ngang magreklamo." agad ko naman pinindot ang third floor.

Umandar naman ang elevator at nakarating na agad kami sa third floor.

Agad naman naming hinanap ang room 75.

Hindi namin toh mahanap.

Sa kakaikot namin may nasalubong kaming nurse at kinalabit namin toh.

"Hmmm?" tanong nito nung makita kami.

"Asan dito ang room 75?" tanong ni Khamer.

"Nurse kayo dito tapos di niyo alam ang pasikot-sikot dito?" malditang insulto niyang tanong.

Masampal ko kaya toh para matikman niya galit ko.

Imbes na sagutin kami tinarayan kami.

Umalis naman ito.

Aba naman!

Ni di manlang sinagot ang tanong namin.

Dahil don ibang nurse nalang tinanong namin.

"Asan dito ang room 75?" tanong ni Sophie sa isang nurse na nakasalubong namin.

"Ah dun banda." tinuro niya ang padiretso na daan sa harap namin.

"Ah ok thank you---"

"Ah hindi pa yun. Dun kayo dumiretso tapos kumaliwa kayo tapos may makikita kayong babaeng nurse dun."

"Tapos nandon na poba ang room 75?" tanong ni Khamer.

"Ah hindi pa. Yung babaeng nurse ang tanongin niyo. Alam niya pasikot-sikot dito." agad naman ito umalis.

Iniimbyerna ba kami ng mga nurse nato.

Agad naman kami dumiretso at kumaliwa at nakita namin dun ang isang babaeng nurse sa corner.

Lumapit kami dito at tinanong ito.

"Miss asan po dito ang room 75?" tanong ko.

"Umm dumiretso kayo dun tapos kumaliwa at kumanan at makikita niyo dun ang room 75." nagpasalamat kami sa kanya.

Dumiretso kami dun sa tinuro niya.

"Ano nga ulit sabi niya? Kumaliwa o kumanan?" tanong ni Sophie.

"Kumaliwa."

Kumaliwa naman kami.

"Kumanan tayo gaya ng sabi ng babaeng nurse."

Kumanan kami.

The Bloody Rain: The Beginning Of The CurseWhere stories live. Discover now