Curse 3

10 2 0
                                    

CURSE 3

MERLINA POINT OF VIEW
BINUKSAN ko ang notebook ni Reven at binasa ang nakasulat.

Puro kalokohan lang ni Reven ang nakasulat sa unang page kaya tiningnan ko ang huling page at dun kona nga nakita.

REVEN'S NOTEBOOK
Kung sino man ang nagbabasa nito may sasabihin ako.

Kung binabasa mo ito ngayon ibigsabihin patay na ako.

Alam mo ba na noong grade 7 ako dun ko nalaman ang kwento ng Elimira School.

Isang grupo ng gang dito ang sumugod sa school nato.

Ang dahilan nito ay gusto nilang patayin ang mga students dahil sabik sila pumatay.

Ang gang na ito ay may access siguro sa siguridad ng school na ito.

At sigurado rin ako na hindi pangkaraniwang tao ang parte ng gang na yun.

Kaya sila nakapasok dito dahil may kakampi sila na mataas ang posisyon sa school nato.

Kung di ako nagkakamali ang kakampi nila ay ang former dean ng school nato.

Siya rin pala ang utak ng Gang na yun.

Noong 2002 namatay ang dean na ito at ang pumalit sa kanya ay ang kakambal niya.

Kaya di napansin ng mga estudyante na parang iba na ang dean ng school nato kasi kambal niya pala ang pumalit sa kanya.

Ang mga mataas na guro lang ang may alam na kakambal ng former dean ang naging dean ng school na to.

Dun narin nagsimula ang sumpa.

Itong sumpa na ito ay nagsimula na nga nung 2002.

Bumalik ang mga kaluluwa ng mga namatay para maghigante.

Malakas ang kapit nila sa school nato kaya hindi sila madaling paalisin.

Ginagawa rin nila sa mga estudyante ang ginawa sa kanila noon.

Nung 2012 dun na sila nagsimula na maglagay ng barrier at nilock ang mga pinto ng pinangyarihan ng malagim na pagpatay.

Akala ng mga guro ay wala na silang magagawa.

Pero ang totoo ay meron pang isang paraan para mawala ang sumpa.

Kailan lang ay may nakausap ako na multo sa office ni Mrs. Cruz.

Para mawala ang sumpa ay kailangan raw patayin lahat ng kabilang sa gang na mga pumatay sa kanila.

Dapat ilibing rin ang bangkay ng mga parte ng gang nayun sa football field at sa basketball court kung saan nilibing ang mga estudyanteng biktima.

Dapat sunugin rin ang buong school para mawala na sa isipan ng mga multo ang masaklap na nakaraan.

Lahat ng estudyanteng buhay matapos ang insidente nung 1992 sigurado ako na lahat sila ay parte ng gang.

Kaya pumunta ako sa library para hanapin ang libro na naglalaman ng pangalan ng lahat nang estudyante nung 1991-1992.

At kapag wala akong hawak na libro ay ibigsabihin di ako nagtagumpay sa paghanap.

The Bloody Rain: The Beginning Of The CurseWhere stories live. Discover now