Prologue

40 0 0
                                    

"Ma'am Phoebe!" dinig kong sigaw ng sekretarya kong si Blanche na tumatakbo papunta sa gawi ko.

Nagkakagulo ang mga tao. Lahat ay tila ba'y sabik na sabik sa kung anuman iyon. Tili rito. Tili roon. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko upang mapakalma sila.

"What's happening?" tanong ko kay Blanche, sabay lakad papasok sa isang silid.

"A member of a rookie boy group has seen entering the boutique. Mabilis na kumalat dahil may fan na nakapag-post. Kaya naman po dinagsa tayo," hinihingal na ulat niya.

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa balita. "So, they're here because of an idol?" tanong ko.

"Yes po," sagot niya.

"Close the boutique," tipid kong sabi saka umupo sa chair ko at binuksan ang laptop.

"What? Why, Ma'am?" naguguluhan niyang tanong.

I smirked. "Blanche, ikaw na mismo ang nagsabi, dinagsa tayo dahil nalaman nilang narito ang idolo nila, at hindi dahil sa products natin," paliwanag ko. "Now, make them go out and wait for their idol outside or . . . fucking close the boutique."

Dali-dali siyang tumango at lumabas ng opisina ko. Habang inaayos ng aking sekretarya ang gulo sa labas, nagbasa na muna ako ng emails.

And to my fucking surprise . . . I just received an email from the rookie group's stylist! They want me to design the members' outfits for their guestings. I haven't searched about the group so I have no idea whoever they are.

I was typing a response when suddenly, I was interrupted by the noise outside. Sa pagkarindi, tumayo ako't inayos ang blazer ko saka lumabas.

Napasinghap ako nang makita si Blanche na nakikisali pa sa nagpapa-autograph sa isang lalaki! I don't remember them asking me for a permission and I agreed. Suminghap ako at hinampas ang mahaba at itim kong buhok.

Nang nasa tabi na ako ng lalaking abala sa pagpirma ay tumikhim ako't humalikipkip. Naramdaman ko ang paglipat ng atensyon sa akin ng mga taga-hanga niya ngunit inignora ko na lamang ang mga ito.

"Good day. I'm Priscilla Chavez, the owner of this boutique. May I know who you asked for permission to do your fan signing here?" seryoso at may riing sambit ko habang nakatitig sa kawalan.

Takot na takot namang lumapit sa akin ang sekretarya ko. Sa ekspresyon pa lang niya, nasagot na kaagad ang tanong ko. Bumuntong hininga ako at tinaasan ng kilay si Blanche.

"What did I say again when you don't obey a simple order?" I asked authoritatively.

She looked directly at my eyes and she recited, "One week suspension if did not follow the order."

"Good. Now you know what to do tomorrow—"

"Excuse me. I think it's unfair if you'll suspend your employee just because they failed to do your command," biglang pagsabat no'ng lalaki.

"And who are you to dictate me?"

"You know, I apologize for the inconveniences. I just cannot resist the fans and their requests. It was my fault so, don't suspend your employee. I'm sorry for my behavior, Miss Chavez," tugon niya.

Bumuntong hininga ako at saka lumingon sa lalaki na iyon nang may ferocious na tingin. Iniharap ko ang katawan ko sa table. I then leaned forward and placed my palm on the table to support my weight. "Pack your stuff Blanche . . . now!" May kalakasang sabi ko.

Kaagad na nag-angat ng tingin ang lalaki, at sunod na tumayo. Napansin ko ang matalim na tingin nito sa akin nang magtama ang paningin. I smirked to piss him more.

He removed his mask and cap then muttered, "Miss—"

Umayos ako nang tayo at saka humalukipkip. "I bet you're not her boyfriend?" patanong at mapang-asar kong pahayag.

"Yes," seryosong tugon niya.

Suminghap ako. "Because I trained her well." Inayos ko ang blazer ko at saka hinampas ang buhok, at sunod na lumingon sa fans. "Since nasa loob kayo ng boutique ko, you must be buying my designs, right?" I asked more.

Walang sumagot. Bagkus ay nagsialisan ang ilang fans na siya lang naman ang sadya rito. Habang ang ilan naman ay nanatili at namili. As they should.

"Pasensya na po talaga, Ma'am. Ayaw po kasi nilang lumabas hangga't hindi ako pumapayag," pagpapaliwanag pa ni Blanche.

Bumuntong hininga ako. "Last mo na 'yon, Blanche. Sa susunod, hindi na ako magdadalawang isip na suspendihin ka," tugon ko. Tumangu-tango siya bago nagpaalam at bumalik sa trabaho. "Pero huwag ka nang papasok bukas," pahabol ko.

"P-Po?" gulat niyang bulalas.

I gave her a small smile. "Unless you want to take care of my pets?" I asked. She look so confused. "I won't be present tomorrow. May lakad ako tonight."

Kinahapunan, nagkita-kita kami ng mga kaibigan kong sina Leona, Ditas, Ingrid, at Ashanti, sa isang restaurant.

I was still kind of exhausted when I arrived.

"Anong nangyari sa iyo, girl?!" tanong kaagad ni Ditas.

Umirap ako. "A member of the new group just held a fan signing in my boutique without my effin' permission! Nakakainis! Nakaaabala sila ng tao."

"Ano 'yan? 'Di ka pa rin move on?" natatawang tanong naman ni Ingrid. "Halos isumpa mo na yata ang mga celebrity, e," dagdag niya.

I snorted. "Who can move on kapag pinaasa ka ng taong mahal na mahal mo?!" I drank on my iced tea on wine glass when the waiter left.

"Eh, 'di ba naging kayo naman?" Ashanti asked shyly.

I just pouted and took the menu from the waitress. Nag-order na lang ako ng binusog na manok, beef stew, and fried rice.

That was my first . . . and last relationship. Only a few knew about it because that time . . . it was the best feeling I ever felt. Our love is calm. We barely see each other because we're both studying on different universities. Madalas ay direct message lang. But when we see each other, we'd just spend it together doing something intimate, or just singing or listening to music, dancing to old classical music, and watching the sky, nature, or the living and non-living things around us—or some movies of our favorites. We could just stay like that—in silence and feeling each other.

Damn. I miss him so much. Six years. That's how long we're together . . . But not anymore. He's now a famous idol and all I can do for now is to watch him from afar. I just belong to the crowd.

"Hindi ka rin naman niya pinaasa, 'di ba? He bade—"

"Minsan hindi ko alam kung dapat ba tayong maniwala sa mga hula nitong si Ashanti. Grabe!" sabat ni Leona.

"Maniwala kayo. Nahulaan nga niya ang sikreto ko noon." Humalakhak si Ditas at tila tuwang-tuwa pa.

"Ay napapansin na namin iyong sa iyo, e. Hetong kaibigan natin, never umamin. Hindi rin showy kaya hindi mo alam minsan galit na pala. Blanko pa rin ang mukha, pero sa isip niya, pinapatay ka na," puna ni Ingrid saka sila nagtawanan.

Ilang saglit lang ay ni-serve na rin ang order namin. Puro kuwentuhan at tawanan sila habang kumakain. Minsan ay nakikisali ako. Pero madalas ay malalim ang iniisip. Hanggang sa napagpasyahan nilang magpunta ng club kinagabihan.

Nanumbalik tuloy sa akin ang mga alaala ko sa isang club.

Kaagad silang nag-order ng alak pagkarating namin. Mababa lang ang alcohol tolerance ko. Gayunpaman, sa hindi ko malamang dahilan, I was drinking so much tonight. Nakatatlong bote pa lamang ako ngunit hilong-hilo na ako. Hindi ko na rin alam ang mga pinagsasabi at ginagawa ko.

I went out wasted. Hanggang sa may mabunggo ako't sumubsob sa dibdib niya. Naramdaman ko ang mga kamay nito na humawak sa braso ko, at pilit akong ipinapatayo.

Tumawa ako nang mailayo na ako nito mula sa kaniya. Nakasandal ako sa pader habang ang lalaki'y nakatayo sa harap ko't kinorner ako.

I rubbed my eyes to see him clearly. Nang mamukhaan na siya, literal na napadiretso ako nang tayo habang nanlalaki ang mga mata. "P-Pierre!"

SB19 Series 2: Chasing Rainbows In The SkyWhere stories live. Discover now