34

4 1 0
                                    

"Ngi? Ibabahay mo ang ex mo? Ang komplikado naman no'n!"

"Kaysa naman dito. It's your workplace! At ang liit din nito. Paano mo magagawa 'yong ibang gusto mong gawin?" tila nanghihikayat pang aniya.

"Pananahi lang naman ang gusto kong gawin sa buhay. Iyon lang naman ang purpose ko—ang mabigyan ng maganda, komportable, may magandang kalidad, at hindi masakit sa bulsa na kasuotan ang mga tao," aking pagkukuwento. "Natutulungan ko naman na sina Mommy at Daddy. Lagi ko rin namang naipararamdam sa kanila ang wagas na pagmamahal ko para sa kanila."

"Pero ayaw mo ba talagang lumipat?" tanong pa niya dahilan upang mapatingin ako sa mga mata niya.

Ang kulit niya, ah! "Bakit? Gusto mo ba akong makasama?"

"Oo." Hindi man lang niya itinanggi. Pero hindi ako kaagad magpapakuha, 'no?!

"Don't feel entitled just because I nursed and accompanied you," seryoso nang sabi ko. "I'm just a concern human being."

"Talaga?" mapang-asar niyang sabi sabay hatak sa akin paupo sa kandungan niya.

"Ay! Ano ba?!" pagtili ko. Pinanlakihan ko siya ng mata saka tinaasan ng kilay. "Kay aga! Huwag mo nga akong nilalandi."

"Ah. So puwede 'pag gabi?" pilyong tugon niya.

Bigla tuloy dinaga ang dibdib ko. "Anong gagawin mo? Paparusahan mo ako sa pakikipaghiwalay ko nang lingid sa iyong kaalaman?! Kaya ngayon ay move on na ako tapos ikaw ay nagsisimula pa lang. Subukan mo! Kakasuhan kita."

"Takot ako," sarcastic niyang sabi. Muntik pa akong matawa dahil ang cute ng accent niya.

I still maintained a blank face. Then, I tsked. "Parang kanina lang ay lumalayo ka sa akin. Tapos ay ayaw mo pa akong tulungan ka sa isyu."

"Hindi naman na kailangan. Wala nang tayo. Ang tagal din nating hindi nagkita," tugon niya dahilan upang tumaas ang kilay ko.

"Anong ibig mong sabihin? Nag-cheat ka sa akin noon?" nanlilisik ang mga matang tanong ko sa kaniya.

"Hindi ah! Bukod sa 'yo, si Perla lang ang nakasama kong babae sa mga taong iyon. Iyong dati naming manager, lalaki siya. Napalitan lang ngayon. Pero pareho lang sila ng ugali."

"Paano n'yo natitiis ang kahayupan nila?" kunot-noong tanong ko. "Ganiyan ba talaga kapag pangarap na ang ipinaglalaban? Kahit ano ay gagawin ninyo para makamit iyon?"

Suminghap siya. "Iba talaga kapag mahal mo ang ipinaglalaban mo, Phoebe. Gagawin ko ang lahat upang bumalik ka sa akin. Sinabi ko na sa iyo noon, pangarap ko itong kung nasaan ako pero kaya ko itong bitiwan para sa iyo."

"E'di parang sinira ko na lang din ang pangarap mo?" mahinang sabi ko pa.

Umiling siya. "Ikaw ang pinakapinapangarap ko. Ang maikasal tayo at maging isang pamilya, iyon ang pangalawang pangarap ko. Matupad lang ang mga iyon, ako na ang pinakamatagumpay na tao," seryosong sambit niya pa.

Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko! Mabuti na lamang ay nakabalik na si Blanche. Subalit nasapo ko pa rin ang noo ko dahil sa kung paano niya kami naabutan. Masyado akong naging komportable sa kaniyang kandungan habang nakikinig sa bawat salitang binibitiwan niya. Dumagdag pa na wala siyang suot na pang-itaas kaya napaharang ako sa tapat niya upang takpan ang kaniyang katawan.

"Oh my god!" Dali-dali siyang lumabas habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay.

Minadali ko rin si Pierre sa pagsusuot ng jacket, mask, at sombrero niya bago ko siya hinatak palabas ng silid. Nakaupo na ngayon si Che Che sa maliit na sofa habang umiinom ng malamig na tubig.

SB19 Series 2: Chasing Rainbows In The SkyWhere stories live. Discover now