18

4 0 0
                                    

"Oh . . ."

Napatakip ako ng bibig gamit ang kamay ko nang may bigla kumatok. Pinanlakihan ko ng mga mata ang lalaki nang hilain niya ang kamay ko mula sa bibig ko. Pagkatapos ay binuksan nito ang pintong hindi naman naka-lock, at nakita namin ang apat na tila nag-aalala na kanina pa.

Habang hindi pa sila nakatingin ay agaran akong tumakbo papunta sa kabilang pinto na isa pang daan papasok sa isa pang kuwarto na siyang dating ginamit ni Pierre. Habang nandoon pa sila'y lumabas na ako't sunod na pumasok sa kuwarto ko. Nagkunwari pa akong galing lang ako sa labas.

"Anong ginagawa n'yo riyan?" kunwaring kyuryosong tanong ko. "Pierre?!" pigil ang pagtawang usal ko pa.

"Akala ko'y walang tao rito," inosenteng pahayag niya. He looks silly! Ngunit nakapanlilinlang ang pag-arte niya. Bakas sa hitsura no'ng apat na naniniwala naman sila. Tumango pa sila't lumabas na.

"Hihintayin na lang namin kayo sa labas," tila kabadong ani Ash. Subalit wala pang isang minuto pagkalabas nila ay bumalik siya't hinatak ako. "Hintayin na lang namin pala ikaw sa labas, Pierre. Akin muna 'tong Babe ko."

Ngumuso ako sa babae at sinamaan siya ng tingin. Tumawa siya at inilapit ang pisngi sa akin dahilan para dumikit ang labi ko roon.

"Ih! Naman, Ash, e! Lalandiin ko lang saglit 'yon," mahina at maarteng reklamo ko sa kaniya.

"Uh, ako na lang ang landiin mo," tugon niya. "Hindi pa ako handang maging Ninang, Lala. Wala pa akong pera."

"Landi lang, hindi naman sex." Ngumuso ako. "Saka hindi rin naman ako handang gawin ang bagay na iyon."

She just tsked. Nang hindi na siya umimik ay babalik na sana ako sa loob ngunit bigla niya akong pinigilan.

"Hep! Darating si Xanthe upang sunduin tayo. Nasa kanto na siya," usal niya sabay hila sa akin patungo sa gawi ng mga kaibigan namin.

Nang mamataan kami ay tumayo si Ditas at sunod na pumalakpak. Sumunod sa kaniya si Leona na manghang-mangha ngayon sa hindi ko malamang dahilan. Si Ingrid naman ay tumayo rin ngunit nakatakip lang ang kamay niya sa bibig niya habang nanlalaki ang mga mata.

Kumunot ang noo ko dahil sa hindi pangkaraniwang inasal nila.

"Marunong nang lumandi ang Baby Girl natin!" mangha pa ring sabi ni Ditas.

"Kunwari'y nagdamdam siya nang ma-reject. Pero pagkatapos niyon ay landi ulit!" dagdag ni Ingrid.

"At hindi lang iyon, iisang lalaki lang din!" eksaheradang dugtong naman ni Leona.

"Na kaibigan lang daw niya!" pakikisakay naman ni Ash. Napakawalang-hiya talaga ng mga 'to. Gusto ko silang tirisin.

Mabuti na lamang ay dumating na si Xanthe at lumabas na rin si Pierre kaya hindi na nila ako ma-bully. Una kaming pumunta sa simbahan upang magsimba. Pagkatapos ay napagpasyahan naming manood ng tiyatro. Nanlibre pa si Xanthe ng buckets ng popcorn kaya tuwang-tuwa kaming magkakaibigan.

Kung saan-saan pa kami nagpunta nitong umaga upang sulitin ang oras na magkakasama dahil uuwi rin daw sila bago ang tanghalian. Sina Xanthe at Ash naman ay lalabas kasama ang pamilya nila. Nakatutuwa nga dahil pumayag daw ang mga magulang ni Xanthe nang malamang si Ash ang imi-meet nila. Bukod sa charm at kagandahang asal niya, there's really something special about her that makes most people like her. Ang lakas niya ring manghatak ng tao kahit babae pa man o lalaki.

Nasa seaside kami ngayon ni Pierre habang pinapanood ang isang performer. Tumutugtog ito ng gitara habang inaawit ang mga kantang pang-Pasko.

Napalingon ako kay Pierre nang bigla siyang tumayo. "May bibilhin lang ako. Babalik ako kaagad, okay?" wika niya. Binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti at saka ako tumango.

SB19 Series 2: Chasing Rainbows In The SkyWhere stories live. Discover now