04

8 0 0
                                    

"Once again, The Abacus!"

I screamed and clapped my hands together with the crowd. They bowed their heads before going backstage. Nag-thumbs up kaagad ako nang tumingin si Pierre sa aking gawi.

Kaya naman pala gusto niya akong pumunta rito at manood! Kinanta niya ang paborito kong awit kanina.

Kasama niya ang mga kabanda niya habang kumakain sila sa taas. Ako naman ay hinanap na ang mga kaibigan kong kung saan-saan na pumunta.

Nang hindi sila mahanap ay napabuntong hininga na lang ako at tinext sila. Mabuti ay kaagad silang nag-reply. Si Ingrid ay nakipag-date daw sa lalaking kakikilala lang niya ngayon. Habang sina Ditas at Leona ay naglakad para bumili ng kape sa 7 Eleven. Iniwan na talaga nila ako rito.

Umakyat na lang ako at kumain doon. Sinamahan ako ni Pierre nang mapansing mag-isa lang ako sa mesa ko. We talked. We joked. And . . . we talked a lot about Carpenters and how good their music was!

Kinabukasan, Saturday, pumasok ako sa nag-iisang klase namin bago tumungo sa napag-usapan namin ni Pierre.

"Hi!" pagbati ko pagkarating sa parke malapit sa Springhill. "Pasensiya na, overtime kasi si prof." Umupo ako sa harapan niya at inilapag ang tote bag ko sa kandungan ko.

Nakasuot ang lalaki ng itim pang-itaas, pantalon, at pares ng sneakers. Mukhang pinaghandaan niya ito. Nahiya ang puting t-shirt at leggings ko.

"Ayos lang," tipid niyang sabi habang maliit na nakangiti. Tumayo siya upang bumili ng ice cream. Pagkabalik niya, maghang-mangha pa ako dahil nakuha niya ang paborito kong flavours, avocado at mangga.

"So . . . anong plano?" tanong ko habang kinakain ang ice cream.

"Sinehan?" patanong niyang sabi. Pumayag na ako dahil naiinip din naman ako sa apartment.

Ilang saglit, nasa mall na kami upang manood ng pelikula. Sa pinakamataas kami at madilim na parte nakaupo kaya napangiti kaagad ako!

Hindi ko pa rin mawari hanggang ngayon kung paano nangyari at kung anong nangyayari sa akin. Hindi pa ako nakipag-date ever! Ngayon lang at si Pierre pa ang kasama ko. Isang estrangherong nakilala ko lang isang linggo ang nakalilipas. Ngunit magaan ang loob ko sa kaniya at . . . sa tingin ko'y tiwala na rin ako sa kan'ya. Well, I wouldn't come here with him if not, duh.

We were just silently watching the film and eating popcorn. Hanggang sa magdikit ang aming nga balat dahil nagkasabay kami sa pagkuha ng popcorn. Umawang ang mga labi ko nang biglang tumibok nang mabilis ang puso ko.

Hindi pa nakatulong ang pagsilay ng ngiti niya bigla kasabay nang mahinang pagtawa niya nang bumaling sa pinapanood. Ang tawa niya'y mistulang isang malamyos na awit sa aking pandinig. Oh my gosh.

Ibinalik ko ang tingin sa big screen habang naramdaman ko ang dahan-dahang paghawak niya sa kamay ko. At sa pagkakataong iyon, tila biglang unti-unting nawawala ang mga tao sa paligid namin. Tanging kaming dalawa lang ang narito. Nang dahil doon ay mas lalong lumakas at bumilis ang kabog ng aking dibdib.

Hanggang sa matapos yata ang pelikula, ang tanging naiisip ko lang ay kaming dalawa at ginagawa namin ang mga bagay na ginagawa no'ng mga nasa palabas. Naalala ko bigla ang mga napag-usapan namin noong isang gabi at noong kumain kami sa food hall.

Then suddenly, I remembered those exact things I have watched from movies and series, kung paano malalaman kapag gusto o mahal mo na ang tao. At lahat ng mga nabanggit ay naramdaman ko na lahat na kasama si Pierre.

Pagkalabas ay hawak pa rin niya ang kamay ko habang bitbit sa isang balikat niya ang bag ko. Hindi ko alam kung ano kami. Hindi naman siya nanliligaw. At wala rin siyang gaanong sinasabi.

SB19 Series 2: Chasing Rainbows In The SkyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora