30

6 0 0
                                    

Months passed quickly. Sobrang gulung-gulo na ako dahil sa dami ng mga ginagawa ko—lalo na sa boutique. Kailangan kong kumita para balang araw ay maipatayo ko rin ang pangarap kong boutique. Sobrang nakaka-stress na. Hindi ko na rin natatawagan sina Mommy at Daddy kaya nalulugmok ako. Dumagdag pa na ilang buwan na ring walang paramdam si Pierre. Huling tawag niya ay nag-away pa kami dahil hindi siya makakapunta sa kaarawan ko.

Pilit ko na lang iniisip na baka sobrang busy lang niya lalo na't pinagsasabay niya ang apprenticeship at training nila. Malamang ay wala na rin siyang oras upang tingnan ang cellphone niya.

"Kuki . . . ayos lang naman ang Papa n'yo, 'di ba? Magiging ayos din kami, 'di ba? Nangako siyang babalik siya. Hindi niya naman ako bibiguin. We did it already. Binigay ko na sa kaniya ang lahat dahil siguradong-sigurado naman na tayo sa kaniya." Pinalis ko ang luhang nangilid sa mga mata ko. I missed him so much. I missed his voice, scent, presence, and everything about him.

Isang buwan ulit ang nakalipas ngunit wala pa rin akong natatanggap na balita tungkol sa kaniya o galing sa kaniya.

"Pierre . . ." umiiyak kong banggit habang nakatingin sa malaking bato sa dagat. "Ano na? Buhay ka pa ba?! Tangina. Pumalpak ako sa isang dress kanina. Isang dress lang iyon pero napagalitan ako't nagkapasa dahil tinulak niya ako. Takot na takot ako, Pierre. Wala ka kasi sa tabi ko . . ." pahayag ko pa habang unti-unting pumapatak ang mga luha ko.

I snorted. "Hindi naman ako galit, e. Naiintindihan ko na na hindi ka talaga puwede noong kaarawan ko dahil malamang ay sobrang busy mo na sa training. Kaya please . . . magparamdam ka na."

"Ilang linggo ka nang ganiyan, Lala. Makakasama sa iyo 'yan," usal ni Ashanti na kauuwi lang din gaya ko. Umupo siya sa kama, sa tabi ko, at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Ash . . . pagod na pagod na ako," umiiyak ko na namang usal. "Sabi niya mahal niya ako. Sabi niya babalik siya. Pero ilang buwan na siyang hindi nagpaparamdam. Wala naman akong ginawang masama, e. Binigay ko sa kaniya ang lahat—itong katawan ko, buong pagkatao ko . . . at itong pagmamahal ko! Araw-araw, iniisip ko kung kumusta na kaya siya? Nakakakain pa ba siya nang maayos? Sapat ba ang tulog niya? Kung ano nang nangyayari sa kaniya? Pero bakit gano'n? . . . Ang sakit-sakit."

Napayuko ako sa balikat niya habang patuloy sa pag-iyak. "Pagod na pagod na ako kaiisip. Gusto ko nang tumigil 'to. Ayaw ko na, Ash," pagod nang usal ko, wala nang pag-asa.

"Alam mo . . . hindi ka rin puwedeng laging ganito, e," mahinang sabi niya. "Gabi-gabi ka na lang umiiyak. Pati sa trabaho'y umiiyak ka na rin daw. Lala, kailangan mo ring bumangon. Marami naman kaming nagmamahal sa 'yo, e."

"Pero iba pa rin ang pagmamahal ng kasintahan," tugon ko sa kaniya.

"Kaya ko namang ibigay 'yon," kaniyang iminutawi dahilan upang mapatingin ako sa kaniya. Pagkatapos ay umiling-iling ako.

"Hindi puwede. Ayaw kong masira tayo, Ash."

Natahimik siya dahil doon. Subalit matapos ang ilang sandali ay nagsalita ulit siya. "Hindi naman kaagad na mawawala 'yang sakit. Pero kailangan mong bumangon. Kailangan mong mag-move on. Hindi puwedeng laging ganiyan."

No'ng gabing 'yon . . . ibinuhos ko lahat ng luha ko hanggang sa wala na akong mailuha. Basang-basa ang damit ni Ash at ang unan ko kaya kinailangang ibilad ang mga iyon.

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko nang mag-aya si Ashanti na magsimba. Saktong wala akong trabaho no'ng umaga kaya pumayag ako. Hanggang sa matapos din ang misa at napagpasyahan naming mamili sa thrift stores malapit sa tabing dagat.

"Alam mo, puwede kang magtinda rito. O kaya'y magpatayo ng sarili mong boutique kaysa naman sa puro sa online ka lang nagbebenta ng designs mo," komento ng babae sa akin habang pumipili ako ng sling bag.

SB19 Series 2: Chasing Rainbows In The SkyWhere stories live. Discover now