15

7 0 0
                                    

"Ano ka ba . . . walang makapapantay at mas lalong walang makahihigit sa iyo dito sa puso ko. Stop crying, Baby. Huwag mong pakinggan si Xanthe." Yinakap ako ng lalaki habang hinahagod ang likod ko upang pakalmahin ako.

Kalalabas ko lang kasi at katatapos ko lang magisa sa presentation kanina kaya pagod ako tapos bigla ba naman siyang mang-aasar na may umaaligid na chics kay Pierre habang wala ako.

Sinamaan ko ng tingin si Xanthe na sinesermunan na ngayon ni Ashanti. Nakita kong napabuntong hininga siya bago lumapit sa akin upang humingi ng tawad kaya kumalas na ako sa yakap.

"Pasensiya na. Ang immature at bastos ko ro'n. Puwede mo akong sampalin-"

Hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil kusa nang lumipad ang kamay ko sa pisngi niya. Namilog ang mga mata't bibig nina Pierre at Ash dahil doon, at sunod na napahagalpak ng tawa.

"Ash!" nakangusong sambit ni Xanthe. Itinuro pa niya ang pisngi niyang namumula dahil napalakas ang sampal ko sa lalaki. Para siya ngayong tutang nagsusumbong sa amo niya.

"Aba'y kasalanan mo 'yan," tugon lang ni Ashanti dahilan para mapangiwi ang lalaki sapagkat wala siyang kakampi rito. "Huwag mo akong sinasabit sa mga kagaguhan mo—lalo na kung ang Baby Girl ko ang pinag-t-tripan mo," dagdag pa niya.

Ibinalik ko ang atensyon ko kay Pierre nang muli itong yumakap sa akin. Kakausapin ko sana siya ngunit nilagyan niya ng bluetooth earphones ang tainga ko habang may malakas na tugtog. Kumunot ang noo ko, nagugulumihan na. Subalit ngunit hinayaan ko na lamang muna siya roon at pinakiramdaman ang pagtikbok ng puso niya. Mabagal.

Ilang sandali lang ay naramdaman kong namamasa na ang leeg ko habang nakasiksik ang mukha niya ro'n. Naalarma ako't mabilis na tinanggal ang earphones upang tingnan siya. He's crying!

Batid kong napansin niyang napansin ko na ring umiiyak siya kaya nagsalita na siya. "Hindi ako nakapasa." Iyon lamang ang sinabi niya ngunit alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Dali-dali ko siyang yinakap nang mahigpit at inalo. Sinusuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko habang hinahagod ang likod niya. "It's okay, Babe. It's okay. You did great. Baka lang hindi pa oras ngayon. Tiwala lang, okay? I'm still proud of you so much. I'm proud of you, my Pierre," malambing kong pahayag.

Ilang saglit lang ay nasa kuwarto ko na kami while making out. Hindi rin kami nagtagal dito dahil pinahinto ko na siya. Baka kasi kung ano na namang isipin no'ng dalawa naming kasama na abalang nag-aasaran sa labas.

Nauna na akong lumabas pagkatapos kong ayusin ang sarili ko habang naghintay naman siya ng ilang minuto bago sumunod. Parang walang nangyari nang harapin na namin 'yong dalawa.

"Saan kayo galing?" tanong ni Xanthe na tila'y nagsususpetsa.

I snorted. "May t-in-ake lang akong quiz sa Form saglit," pagpapalusot ko.

"Tawag ng kalikasan," tipid na sabi naman ni Pierre.

"Pero sabay kayong nawala," puna ni Ashanti.

"Nagkataon lang," tugon ko kahit alam kong imposibleng mapaniwala sila.

"Nagkataon? Palagi nga kayong magkasunod na nawawala sa tuwing may gala tayo. Aminin n'yo na kasing may relasyon kayo-"

"So what if meron nga?" pagsabat ko sa lalaki. "May magbabago ba? Tao lang naman din kami. Kaya tigilan n'yo na 'yang panunukso ninyo. Kaya mas pinipili ng mga taong huwag sabihin ang relasyon nila, e. Lahat ng kilos nila . . . binibigyan ng malisya."

Pumalakpak si Ash pagkatapos kong sabihin ang mga iyon kaya naman ay napangisi ako. "Nakaka-proud ka talaga, Baby girl!" manghang usal niya.

"Siya na naman ang kinakampihan mo?!" hindi makapaniwalang reklamo naman ni Xanthe na tinugunan lang ng kaniyang katipan ng isang kibit-balikat.

SB19 Series 2: Chasing Rainbows In The SkyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora