Kapatid

29 2 0
                                    

Ikaw at ako,parehong pinagmulan
Pareho ang ating mga magulang
Nagkakaroon din ng pagtatalo
Agad naman na nagkakasundo

May pagkakapareho at pagkakaiba
Tayong dalawa
Ikaw ay maganda
Ako ay mahilig sa pagkanta

Ika'y may tiwala sa sarili mo
Iyon ang wala ako
Lakas ng loob,aking hinihiling
Dahil ako ay mahiyain

Ngayon ay malayo ka na
Dahil may bago kang pamilya
Di alam ano bang dapat madama
Malungkot ba o masaya

Dahil ako'y iniwan mong mag-isa
Kasama sila mama at papa
Para sa bago mong pamilya
Ngunit ito ang tama

@Weird
Work of fiction
Open for criticism
Plagiarism is a crime

MGA TULA NA AKING GINAWAWhere stories live. Discover now