ARAL

6 1 0
                                    

Buhay ko'y nagbago ng biglaaan
Pumasok ka ng di man lang napaalam
Kumatok ka sana upang aking napaghandaan
Hindi sana ako naging luhaan

Nakalimutan kong lahat
Mata ko'y di ko maimulat
Kaibigan at pamilya
Nawala sa akin na parang bola

Ikaw lang ang nakikita
Sa nakatikop kong mga mata
Madilim pala
Akala ko masaya

Di ka naman pinag-aagawan
Pero bat ako'y nahibang?
Marami akong pinagselosan
Pero sa wala pa rin ang kinahantungan

Nang maimulat aking mata
Liwanag ang nakita
Ito ang tunay
Pagmamahal na walang kapantay

Sarili ang inuna
Totoong saya ang nadama
Dapat pala noon pa
Tumakas sa dilim mong dala

@Weird
Plagiarism is a crime
Work of fiction
Open for criticism

MGA TULA NA AKING GINAWAWhere stories live. Discover now