Itim

28 5 0
                                    


Paborito ko ang kulay Itim
Ngunit ako'y takot sa dilim
Wala pa rin magbabago
Itim ang aking gusto

Porket ba Itim,wala ng kulay ang mundo?
Tandaan kasama pa rin yan
Di mabubuo ang litrato
Kung wala ito

Sa lahat ng kulay
Itim ang pinakamakulay
Di mo nakikita?
Buksan ang iyong mata

Hindi porket Itim
Ito na ay madilim
Kung wala ito
Pano magliliwanag ang mundo?

Sa gabing madilim
Nagliliwanag ang bituin
Kasama ang buwan
Nag-iisa lamang

Walang anino
Walang nagniningning na alitaptap
Tingnan mo kung gaano kaganda
Ang nagagawa ng kulay itim

@Weird
Work of fiction
Open for criticism
Plagiarism is a crime

MGA TULA NA AKING GINAWAWhere stories live. Discover now