KAHIRAPAN

6 2 0
                                    

Nakikita mo ba ang ating bayan?
Puro kahirapan
Malinis ba ang hanging nalalanghap?
Polusyon hanggang alapaap

Paano naman ang pagtrato sa tao?
Hindi pantay pantay,makikita mo
Mga batang palaboy
Sing dumi na ng baboy

Mga kalamnang
Walang laman
Trabahador na may mababang suweldo
Mayayaman ang umaasenso

Sweldong di makasustento
Kahit sa isang tao
Bilihing kay mahal
Pero ako di minahal

Bilihing di nagmumura
Pero tao laging nagmumura
Laging mainit ang ulo
Pera,pampakalma sa tao

Mga bundok na tila disyerto
Walang natirang puno ni isang pursyento
Kailan ba mamatapos?
Kailan ba makakaraos?

Sa mundong kasiyahan lang ang gusto
Pati dalaga at buntis naninigarilyo
Kapag kalikasan na ang lumaban
Tao'y walang laban

@Weird
Work of fiction
Open for criticism
Plagiarism is a crime

MGA TULA NA AKING GINAWAWhere stories live. Discover now