LIHIM NA PAGTINGIN / EYE CONTACT

4 1 0
                                    

Anong bang nagyari sa mata ko?
Gustong laging nakatitig sayo
Bawat segundo
Kumukusa lang ito

Di ko naman mapipigilan
Kung yun ang kagustuhan
Nagkasundo sila ng puso
Anong laban ko?

Pero bakit sa tuwing napapatingin ako
Nakatitig ka rin pala sakin
Nahuli mong sumulyap ako
Pero ako'y nagtataka rin sayo

Bakit mo rin ba ako tiningnan?
Ayaw kong pangunahan
Baka ako lang ay masaktan
Pero di ko pa rin malimutan

Ang mata mong makulay
Pag ibig ay nabuhay
Sa puso kong matamlay
Na para bang patay

Ano nga bang ibig sabihin?
Ng iyong mga agaw tingin
Normal lang ba yun?
O Ikaw rin ay may lihim na pagtingin sa'kin?

@Weird
Work of fiction
Open for criticism
Plagiarism is a crime

MGA TULA NA AKING GINAWAWhere stories live. Discover now