BAGONG HENERASYON

2 1 0
                                    

Noong aking kabataan
Ako pa ay naglalaro sa ulan
Naghahabulan, nagtatawanan
Hindi matutumbasan ng anuman

Pero yun ay noon, hindi na ngayon
Ngayon ang kabataan,
Teknolohiya ang pinanghahawakan
Nakakulong sa bahay, gadyet ang rason

Kahit sa sariling pamayanan
Hindi magkakilala ang mga mamamayan
Pakikisalamuha ay nasa sosyal medya
Kahit pa magkalapit lang naman ang distansya

Kahit pa sa pag-aaral, teknolohiya ang inaasahan
Ang utak, hindi na gamitin at pahalagahan
Ano na lang kaya sa susunod na henerasyon?
May katumbas na epekto ang ating nga aksyon

@Weird
Plagiarism is a crime
Work of fiction
Open for criticism

MGA TULA NA AKING GINAWAWhere stories live. Discover now