ANG TUNAY NA GANDA

1 0 0
                                    

SONNET (Shakespearean)

Kakaibang liwanag ng buwan
Bituin, nangniningning sa langit
Araw, di mahapdi sa katawan
Bango ng bulaklak, nang-aakit

Agos ng ilog na ang hinahon
Hangin na presko, sarap langhapin
Nagsisiliparang mga dahon
Ibong malaya, sabay sa hangin

Prutas at gulay, walang kemikal
Lamang dagat, marami’t malinis
Tubig na umaagos, natural
Malinis at malamig na batis

Nais kong ibalik, dating mundo
Kalikasan, di inaabuso

Dating mundo na kay ganda sana
Ngayon ay tila ba nawawala

- WeirdOhthor
Plagiarism is a crime
Work of fiction
Open for criticism

MGA TULA NA AKING GINAWAWhere stories live. Discover now